CHAPTER 29
MONICA
"MONICA! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Alam mo bang nahuli ko si kuya Miguel na may ka-sex on call--" natigil siya sa pagsasalita ng inangat ko ang tingin mula sa pagkakayuko. I can barely see her for my eyes were sore, dagdag pang napuyat ako kagabi dahil inihabol ko ang assignments namin.
Walang pakialam ang iba naming classmates pati naman ako. I cried a lot last night and earlier while I was taking a bath. I can scantily feel my eyes blink.
Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "May problem ka ba? Sabihin mo sa akin..." nag-aalala niyang sabi ngunit umiling lang ako at yumuko na lang ulit. I felt her hand on my head, caressing it. I felt the urge to cry again.
Maya-maya pa ay naramdaman kong sinusuklay niya ang buhok ko. Siguro dahil sa kakamadali ko kanina'y hindi na ako nakapgsuklay. Late na rin kasi akong naka-gising.
Bago pa niya masuklay ang buhok ko ay tumayo na ako, "CR lang ako." sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya at umalis na. Natatakot akong kapag nanatili ako roon ay tumulo nanaman ang luha ko.
Pumasok ako sa isang cubicle at umupo lang sa nakasarang lid ng toilet bowl. Nakayuko lang ako at inalala ang mga nangyari. It was a good thing that our CR clean, malaya akong makakaupo sa isa sa mga toilet bowl.
"Hindi ka niya gusto..."
"Hindi ka niya gusto."
"Hindi ka niya gusto."
It was still a fresh wound on my skin, whenever I remember it, it stings. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok at tahimik na umiyak.
"Ang tanga mo, Crisa! Ang tanga-tanga mo!" sabi ko sa sarili. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay, habang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na isa akong tanga.
Fuck! Curiosity really can kill. I killed myself because of my curiosity.
Kahit na tumutulo pa rin ang luha ko, lumabas ako ng cubicle at dumeretso sa isa sa mga sink. Naghilamos ako at tinatagan ang aking sarili dahil hindi ko siya maiiwasan, nasa iisa kaming campus at classmates kami.
Bumukas ang pintuan ng CR at narinig ko din iyong nag-lock. Tumingin ako sa salamin at nakita ko si Gabriel na tinitingnan ako mula sa salamin, sinubukan ko siyang hindi pansinin. Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng kamay.
Bumuntong hininga ako at akmang lalabas na ng CR ngunit hinigit niya ang braso ko. I looked at him, poker faced. Bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng paghawak niya ngunit natabunan iyon ng sakit. How can my heart still recognize his presence?
Hahawakan na sana niya ang isa ko pang braso ngunit dumapo lang ang palad ko sa pisngi niya. "Bitiwan mo 'ko." Matigas kong sabi at binawi ang braso kong hawak niya pero hindi siya nagpatinag.
"Sino naman ang nag-utos sayo this time? Retz? Ian? Or Jeus?" walang emosyon kong sabi. Hindi siya nagsalita at gulat lang na nakatingin sa akin.
"Inutuos ba nila na alamin mo ang nararamdaman ko ngayong pinaglaruan ako? Sige ipapakita ko." Marahas kong binawi ang braso at walang atubiling sinampal siya. Tinatagan ko ang sarili. The moment I felt my palms hurt, I already promised to myself that this is the last time I'll touch him.
"You broke my heart, soul, and trust. Sabihin mo yan sa mga kaibigan mo." The moment I turned my back to him, my tears fell from my eyes.
Pinunasan ko agad ang takas na luha sa aking pisngi. "Listen!" sigaw niya hindi ko pinakita na nagulat ako sa kaniyang ginawa dahil mahigpit niyang hinawakan ang aking braso.
"Sa susunod, Gab... huwag ka'ng uto-uto, nakakasama 'yan. And I don't need your shitty explanations. Don't even try to convince me, it'll never work." Matigas kong sabi at hinawi ang kamay niya sa aking braso ngunit mas malakas siya sa akin.
Hindi ko na hahayaan ang sarili kong maniwala sa mga salita lang, dahil iyon ang dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra.
Nabitawan niya lang ang braso ko nang may kumatok sa pinto, "Monica?" it's Sam...
I glared at Gab before opening the door, held Samantha's hand and ran. I wasn't sure if I was ready to open up, but the only escape was with Sam.
"ANO BA KASING NANGYARI?" tanong sa akin ni Sam habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya at ang ulo ko ay nasa balikat niya.
Doon ko na iniyak lahat. No pride left dahil hindi ko na kaya, baka bigla na lang akong bumagsak sa isang butas at mawala sa katinuan.
"Nahulog ako, Sam. Sobrang sakit... sana pala sinunod ko na lang yung payo niyo. Pero ako yung nahulog. Ang tanga ko, Sam." Umiiyak kong sabi saka ako yumakap sa kaniya.
Hinaplos niya ang likod ko at niyakap ko lang siya. "Hindi ka tanga, Monica. Normal lang ang masaktan kapag nagmahal. Hindi ka tanga, bobo lang talaga 'yon. Don't settle for less, you deserve better." pag-aalo niya.
Suminghot ako at humagulgol habang inaalo niya ako. "Ang hirap mag-move on, Sam. Hinding-hindi na ako magpapauto doon."
"Oh God. Yes! Hindi lang siya ang daks sa mundo. Tandaan mo 'yan." Sam patted my shoulder and my back, we both chuckled. "He broke my heart before I could actually say 'I love you'."
Biglang tumunog ang speaker sa stadium at sinasabing may announcement daw. Wala akong magawa kung hindi ang pumila pero nagpapasalamat ako kay Sam dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Naramdaman kong tinali ni Sam ang buhok ko, nasa likod ko kasi siya. Pinabayaan ko lang na i-ponytail nya ang buhok ko at sinubukang makinig sa harapan dahil kahit itutok ko ang pandinig sa sinasabi ng president ay lumalabas din iyon sa kabilang tenga ko.
"The senior's graduation is up coming, so as a gift for our Grade 12 students we will b-" I don't want to admit it but my eyes were looking for a person. The person I don't want to see anymore, but why do my eyes wanting, his smiles, his frowns, and his face? Why?
"MONICA, we're going to an island... this is your chance to move on. Just enjoy this trip, okay?" tinanguan ko lang si Sam, siguro nga kailangan ko lang ng pahinga. And an island isn't that bad.
W A N D E R
BINABASA MO ANG
Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE
DragosteEveryone dares themselves to chase Gabriel Davis Santos, to have sex with him, to catch him... but no human being can love him more than the charming sweetheart, Crisa Monica Ramirez. -------- When the heartless playboy, Gabriel Davis Santos was dar...