Nang ikinuwinento sa akin ni nanay Linda ang tungkol sa nangyari kay Lolo sa puno ng balete ay ikinuwento nya rin sa akin ang karanasan ni Lola sa puno naman ng pili noong isa palang daw ang anak ng mga ito.
~~
Nung hindi pa ako naipapanganak ay sa gitna pa ng bukid nakatira sina nanay at tatay. Napapalibutan ng mga pananim ang kubong kanilang tinutuluyan, gayun rin ng mga tuyong kahoy sa hindi kalayuan. Ginagamit nila ito pantaboy sa mga ibon. Noon paman ay mahilig ng magtanim ang mga ito ng sari saring gulay at prutas. Mayroon din silang mga alagang hayop, dahil malayo sa kabihasnan ang kanilang tinitirahan.
Tanghaling tapat ng magpaalam si tatay kay nanay na pupunta sa kabilang ibayo dahil kaarawan ng kaibigan nito. Naiwan magisa si nanay kasama ang tatlong buwang gulang na anak na si ate Rita. Hindi alintana ang oras ay napasarap ang pakikipagkwentuhan nito, palibhasa ay bihira magkita dahil tawid ilog ang layo ng bahay ng isa't isa.
Gabi na ay hindi parin umuuwi si tatay, sa labas ay maririnig na ang mga huni ng iba't ibang ibon palakas ito ng palakas. Lumabas si nanay upang sindihan ang mga tuyong kahoy ng dahan dahang mapatingin ito sa puno ng pili. Hindi alam ang gagawin ay napatitig ito sa puno tila nanigas sa kinatatayuan, gustuhin mang umalis ngunit nangibabaw ang takot na nadarama. Nang biglang umiyak si ate Flor ay saka lang ito natauhan. Dali dali itong tumakbo papasok sa kubo at mangatal ngatal nitong binalot sa pulang tela ang anak.
Natatakot para sa anak ay ninais na ni nanay na umalis ngunit hindi parin dumarating ang tatay. Takot na takot ang nanay dahil baka bukas pa ito dumating at baka salakayin na sila ng kung ano mang elemento ang nakita nya sa may puno ng pili. Nakakatakot ang itsura nito tila galit na galit. Muntik ng mahulog si ate Flor sa pagkakabuhat sa kanya ng nanay ng biglang may kumatok. Hindi malaman ni nanay kung pagbubuksan nya ito o hindi.
"Persing ako ito si Alfredo! Halika't pagbuksan mo ako ng pinto." sigaw ni tatay.
Ngunit hindi ito binuksan ni nanay dahil kailangan nya munang makatiyak na si tatay nga ito. Dahil minsan ng ginaya ng elemento ang wangis ni tatay at muntik ng makuha ang aking kapatid kaya kailangan muna nyang makasiguro.
"Kung ikaw nga si Alfredo ay sabihin mo sa akin kung kailan ipinanganak ang pangalawa nating anak!"
"Isa pa lamang ang ating anak." sagot nito.
Ng marinig ni nanay ang sagot ng tatay ay dali dali nitong binuksan ang pinto.
"Bakit ngayon ka lang aalis na tayo ngayon na!"
"Bakit?"
"Wag ka nang magtanong kung gusto mong sumama sa akin, may malaking tao dyan sa puno ng pili."
Natatakot man ay umalis si nanay at tatay sa bahay upang makituloy muna sa kaibigan nito.
~~
Halos magkahawig ang kwento ni Lolo at Lola tungkol sa malaking taong kanilang nakita, kaya naman sa tingin ko ay iisa lang talaga ang kanilang nakita at sinusundan lang sila kahit lumipat man sila sa ibang lugar.