Chapter 4

493 22 6
                                    

S e r e n i t y

Nagtungo ang aking mga paa sa mansyon ng mga Hurler na bagsak ang mga balikat. Nakapatay ang ilaw sa sala kaya walang nakapansin ng pagpasok ko.

Dahan-dahan akong naglakad at tanaw ko ang ilaw mula sa kusina ng mansyon na kung saan alam kong abala ngayon ang mga katulong sa paghahanda ng mga pagkain dahil rinig din mula dito ang ingay ng mga kubyertos.

Nakita ko aking repleksyon mula sa isang silver antique na nakadisplay sa mini-table habang ako ay paupo sa malambot na sofa ng sala. Tanaw doon ang kumikinang na aking kasuotan na binabalotan ng katahimikan, kadiliman at kalungkutan.

Huminga ako ng malalim, ang bigat ng pakiramdam ko at ang kasabay noo'y ang pagtulo ng aking mga luha. Pinikit ko ang aking mga mata at dinalangin na sana panaginip nalang lahat 'to, kasi hindi ko pala kakayaning makita siya na masaya sa piling ng iba.

Minulat ko ang aking mga mata na nanlalabo dahil sa mga luhang nakaharang dito, ngunit isang pulang liwanag ang umagaw ng atensyon ko. I wiped my tears so I can see it clearly. The lights were coming from the basement.

Naaalala ko na ito ang hideout ng mga barkada ni William. Kasi sa tuwing pumupunta ako dito, sinasabi sa akin ng mga katulong na nasa baba daw si William kasama ang mga barkada niya. Inuutusan niya ang mga ito na sabihin sa akin na hintayin siya, instead of letting me in there. Hindi raw ako pwedeng pumasok doon, kasi the place is forbidden for girls especially for me.

Tumayo ako dahil sa kuryosidad at nagtungo kung saan galing ang ilaw. Unti-unti akong hinihila ng pulang liwanag until I reached the slightly-opened door and pulled it all over. Ramdam ko ang lamig mula sa loob na nagpapahiwatig na kanina pa ito nabubuksan.

I was not that shocked when I saw it as I expected it to be. It's just a typical boys hideout slash night out.

There is a sofa at the middle that is facing the bar counter. On the left side, you'll see the billiard table, and it's also a darting and boxing area, while on the right, puno ng mga gadgets at mga computer. Hmmm kaya siguro natatagalan sila ng uwi dahil dito na sila nagdodota or mobile legends.

Naglakad ako patungo sa bar, pumasok ako doon upang kumuha ng maiinom. I have absolutely no idea about everything here, pero bigla akong nakaramdam ng labis na pananabik sa alak ngayon.

Iniisa-isa ko nalang na binasa ang mga bote. I grabbed the bottle that says 'Wine' and a wine glass, and placed them on the counter top. Kumuha ako ng ice cubes sa refrigerator na malapit lang din doon.

When I think that everything's good, umupo ako sa isang stool na nasa pinakasulok. Sinalin ko ang bote ng alak sa baso na may yelo at agad itong sinunggaban na parang uhaw at sanay.

Hindi ko na pinansin ang pait ng lasa ng iniinom ko kasi mas mapait pa dito ang nararamdaman ko. I want to vent it all out.

Binuhos ko lahat. Iniyak ko ang selos, ang galit, ang pagtatampo, ang lahat... Kasi naaalala ko naman kung paano ngumingiti si William sa harap ni Priscilla, kung paano niya ito hinahawak-hawakan kanina.

Ang sakit, na parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Dahil ang totoo, naiinggit lang ako, na nagseselos ako. Kung pwede lang sana na sa akin lang, ako lang. Pero ang sakit. Ang sakit pala... na ang mga dating hiling ko, tinutupad niya ngayon sa iba.

Bigla akong napatalon sa gulat nang kumalabog ng malakas ang pintuan. Tiningnan ko kung sino ang walang hiyang nagpagulat sa akin sa gitna ng pag-emote ko. Lihim kong minura sa aking isipan ang dalawang taong naghahalikan habang papasok dito sa loob. Napasinghot ako at pinahid ang aking luha dahil sa inis.

Wedding of the CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon