Chapter 1

895 19 2
                                    

"Will... Come play with us please." The 7 year-old Serenity looked at her bestfriend, William with puppy eyes.

"Can't you see, Serenity I'm reading! Kayo nalang maglaro ni Vicky." He replied without even throwing glances at her.

"But this is a game for 3! Please Will.. Please.."

"Ang kulit mo talaga Serenity!" He closed the book in defeat and stood up after keeping it in place inside his mini bag. Kahit anong pigil niya, alam niya sa kanyang sarili na hindi niya matitiis ang batang babae na nasa harap niya ngayon at nagmamakaawa sa atensyon niya.

Sa gitna ng kanilang paglalaro sa garden malapit sa pool, nakarinig ang mga ito ng mga sigawan na mukhang nagmumula sa loob ng mansyon ng mga Lopez. Binitawan ng tatlo ang pinaglaruan at tumakbo sa malapit na pintuan. Mula rito sa kusina kung saan nakatayo ang tatlong bata, naririnig nila ang pagtatalo ng kanilang mga magulang na nasa salas.

"Matagal mo na pala kaming niloloko! You betrayed us!"

"What happen? Why is your mom shouting Will?" Tanong ng batang si Serenity kay William.

"Shhhh" William put his index finger on his lips as a sign to shut Serenity up.

"You stole almost half of our asset?! For what? To build your own company alone and to destroy us?! How could you..." Pagpapatuloy ni Imelda, ang ina ni William.

"Anong nangyayari dito?" Pagsingit ni Mr. Lopez kasama si Mr. Hurler na bumaba mula sa taas ng mansyon.

"No, this is all just a misunderstanding!" Valerie denied the accusation.

"Misunderstanding?! Hindi mo na kami maloloko Valerie! There were proofs, even your secretary spilled the tea! From now on.. You are no longer part of the company. You are fired!"

"No! This company is also mine! You can't fire me!" Tumayo sa pagkakaupo si Valerie dala na rin ng emosyon.

"We just did Val.. Please.. Umalis ka nalang bago ka pa namin ipakulong." Mrs. Imelda replied.

"And you consider yourself as an owner? Sana naisip mo yan before you put the company down, because destroying something you own is stupidity. Pinagmukha mo pa kaming tanga at bulag. I thought we trusted each other, but you betrayed us. Total binalak mo naman magsolo why can't you just let this go?" Sagot naman ni Mrs. Selena Lopez.

"You can't do this to me! Akala ko mga kaibigan kayo pero pinagtulungan niyo ako! Pwes, akala ninyo dito nalang matatapos to? Hell no! Hinding-hindi kayo sasaya and all these shits you have? Are all just temporary. I swear! You will regret everything you did to me.."

"Dyan ka nagkakamali Val, You can't do this to us. Now, the door is widely open for you to leave..." Mrs. Lopez said while extending her arm pointing the way out.

"Tita Valerie is bad!" Serenity commented.

"Don't say that to my mom!" Tinulak ni Vicky si Serenity. Gumawa ng ingay ang pagkakatumba nito at napunta sa kanila ang atensyon ng mga nag-aaway na mga magulang.

"Serenity!" Sigaw ni Selena at pinuntahan ang anak. Buti nalang at tinulungan agad ito ni William na makatayo bago pa makalapit ang ina.

Tumingin ang lahat kay Vicky na parang nagtataka kung bakit niya ito ginawa kay Serenity, lalo na si William na nakakunot ang noong nakatingin dito.

"Vicky! Let's go!" Tumingin pa ng masama si Vicky kay Serenity bago niya tinalikuran ang lahat at umalis kasama ang ina na si Valerie na gumagawa ng ingay suot ang mga mahahabang takong nito palabas ng mansyon.

Wedding of the CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon