Chapter 6

326 17 5
                                    


S e r e n i t y

"Fuck Serenity nakakagigil ka." Nahihirapang saad ni William sa akin habang ang kanyang mga kamay ay naglakbay patungo sa aking pwet at pinipisil ito. Napanganga ako sa gulat matapos niya akong maitulak ulit sa dingding nang marinig ang mga pag-ungol ko. Idinidiin niya sa akin ang kanyang matikas at matigas na katawan, habang nagpapasawang halikan ang aking leeg.

"William?"

Naitulak ko palayo si William matapos marinig ang boses na tumatawag sa pangalan niya habang kumakatok sa pintuan. Narinig ko ang mahinang pagmura nito— Halatang naiinis habang patungo sa pinto. Nagkunwari naman akong inaayos ang hinilang comforter kanina ni William mula sa akin.

"Mom! What are you doing here?" Singhal ni William sa ginang pagbukas niya ng pintuan. Sumilip naman ako kay Tita na pabalik-balik ang tingin sa amin.

"Galit na galit ka kasi kanina nong umalis ka sa kusina, aba malay ko bang nagsusuntukan na pala kayo dito."

Supsupan po ang nangyari, Tita.

"Of course not, Mom!" Sagot ni William habang naglakbay ang mga kamay sa buhok nito na halatang naiirita na.

"Wala nga." Sagot ulit ng ginang at binaling ang tingin nito sa akin. "Serenity, bumaba ka na upang kumain. Darating na ang mga magulang mo maya-maya may dalang mga damit mo. We are going to a beach resort for an extended celebration and to relax. William, maghanda ka na." Huling saad nito at iniwan kami.

"Huwag kang lumabas ng kwarto na ganyan ang suot mo. May ipapadala ako na damit dito kay Manang Alice. Hintayin mo nalang." Utos ni William sa akin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa bago umalis ng kwarto. Patalon akong humiga ulit sa kama at tinakpan ko ng unan ang aking mukha.

Ugh Serenity what have you done.

Dahil sa ginawa ni William sa akin kanina, mas lalo pa akong nababaliw sa kanya. Napaupo ako nang may bumukas sa pintuan. Pumasok dito si Manang Alice. "Ma'am pinamimigay po ni Ser William."

"Thank you po." Pagpapasalamat ko. Pinalagay ko kay manang sa paper bag ang damit na sinuot ko sa party kagabi, dadaanan nalang namin ito mamaya pag-uwi. Pagkatapos, Iniwan na ako ni manang habang sinusuri ang mga damit na binigay niya sa akin. Hoody at jogging pants? Magkasya kaya ito sa akin?

Pagkatapos kong maligo at magtoothbrush, una kong sinuot ang jogging pants. Buti nalang at adjustable kaya nagmukhang square pants na ito nang suotin ko. Tapos, malaki din ang hoody sa akin. Okay na rin 'to, para hindi bakat ang boobs ko.

Nagblower muna ako sa aking buhok bago nagpasya na bumaba upang kumain. Pababa ako ng hagdanan nang makita sila mommy na nasa sala na tumitingin sa akin. Lumapit ako sa kanila.

"Anak, are you alright? May sakit ka ba?" Bungad sa akin ni mommy habang hinimas ang noo ko. Napakamalan pa yata akong may sakit dahil sa balot na balot na suot ko. "Wala po, okay lang po ako." Sagot ko.

"Anak, nabalitaan kong uminom ka raw ng alak, sabi ng tita mo sa akin kagabi. May pinagdadaanan ka ba?" Nag-aalalang tanong nito. Tiningan ko rin si daddy na nakatingin din pala sa akin. Bigla akong kinabahan, baka kasi papagalitan niya ako. "Wala naman po. Sorry po, napagkatuwaan lang po. Sorry po talaga" Pagsisinungaling ko.

"Sabi nga sa akin ni Imelda, na baka ineenjoy mo lang ang pagiging 19 years old mo, total last year mo na ito bilang teenager. May tiwala din daw siya sa kaibigan ni William na naghatid sa 'yo. Buti nalang talaga walang nangyaring masama sa 'yo, anak. Nag-aalala kami kasi hindi ka na nagpakita ulit sa party." Litanya ni mommy.

"Hindi kita pagbabawalang uminom, but be responsible, Serenity. Tandaan mo, too much of everything is bad." Sa wakas nagsalita na si Daddy.

"Yes po, sorry po." Sagot ko sa ama. Inaya ako ni mommy na kumain na dahil aalis na raw kami. Binigay niya rin sa akin ang bag ko at ang damit na susuotin. Pagkatapos kumain, nagbihis na ako. Isang beach dress na kulay mint green na may konting florals ang suot ko, at naglagay na rin ako ng light make up sa mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wedding of the CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon