Chapter 1

1K 21 0
                                    

Sa isang maliit at tagong bayan sa parte ng davao nakatira si lola milla kasama ang kanyang asawa at mga apo. Nasa poder niya ang kanyang mga apo sapagkat sa maynila nagtatrabaho ang mga magulang ng mga bata. Kagustuhan na rin ni lola milla na siya ang mag alaga para makasigurado na maaalagaan ng maayos ang kaniyang mga apo na sina Laila, Lenie, at Lanie. Katuwang ni lola milla sa pag aalaga sa mga apo ang kanyang asawa na si Lolo Armando. Masipag si lolo Armando sa kahit anong gawain sa bahay o sa bukid man. Parehong mahal na mahal ng mag asawa ang kanilang mga apo at di nila ito pinababayaan.

Simple lang ang kanilang pamumuhay pero nakakaraos naman dahil sa nagpapadala din naman ang mga magulang ng mga bata. Lima ang anak nila lola milla at lahat may kaniya kaniyang pamilya na.

Isa sa anak ni lola milla ay si Yula na buntis at napagdesisyunan ng huli na sa bahay ng kanyang magulang manganak. At dahil ilang araw na lang ay manganganak na si Yula, pumunta na siya sa bahay nila lola milla kasama ang kanyang asawa na si Dino.

Bago pa man pumunta sila Yula sa bahay ng mga magulang ay marami ng bulong bulungan na may aswang daw sa mismong bayan ngunit wala sa bukabularyo ni lola milla ang maniwala sa kwentong iyon. Para sakanya, gawa-gawa lamang iyon para ipanakot sa mga batang makukulit at ayaw umuwi ng maaga sa mga kanya-kanyang bahay.

Pero ayon sa iba, may nakakita daw sa sinasabing aswang na mahilig mambiktima sa kanilang bayan at kalapit nito. May pinagbibintangan na kung sino at saan nakatira ang sinasabing aswang. Siya ay si Lola Soling na kapit-bahay lamang nila lola Milla. Magkumare sila kaya hindi naniniwala si lola Milla sa paratang ng iba nilang kapit-bahay.

Ayon sa nakasaksi, nakita daw si lola Soling isang gabi na lumabas ng kanilang likod bahay. Dahil may kaliitan lamang ang bahay ni lola Soling at isang bahay lamang ang pagitan sa mismong bahay ng nakasaksi. Nagpalit anyo daw ito bilang itim na baboy at tumakbo daw ito ngunit di na nakita dahil sa sobrang dilim ng likod bahay. Hati ang opinyon ng iba sa kwento ng nakasaksi dahil na rin galing ito sa inuman at pumunta lang sa likod ng kanilang bahay upang mag banyo bago magpahinga.

KAPIT-BAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon