Chapter 9

104 2 0
                                    

            Pinilit kong gumising ng maaga para ipagluto sana ng umagahan si Aurora pero naunahan talaga ako ng Misis ko at naabutan ko syang nagluluto nang pumasok ako sa kusina…

            Niyakap ko sya at pinatong ang baba ko sa balikat nya..

“Ano niluluto ng baby ko?” sleepy pa ako kaya yung boses ko parang ang lambing-lambing pakinggan…

Humarap sya sa gawi ko and she peck a kiss on my lips...Kaya ayun umagang-umaga ang laki na nang ngiti ko…

“Upo ka na doon baby, malapit na akong matapos…” mas lumawak yung ngiti ko nang tawagin nya akong baby… Napatango tuloy ako sa kanya at sumunod sa sinabi nya…

            Pinanood ko syang maghain ng pagkain sa mesa…inoffer kong tumulong pero sabi nya ay wag daw akong makulit at umupo na lang… Nang matapos syang paghain ay hinila ko sya napaupo sya sa lap ko…

“Misis ko, kelan ba tayo gagawa ng baby..” sabi ko sabay hawak sa tummy nya…

            Kahit nakatalikod ako ay kitang kita ang pamumula ng puti nyang mukha kaya napatawa na lang ako mahina at nagscoop ng kanina..

“Ngayon naman ako naman ang magsisilbi sa Baby ko…Say aahhh” ngumanganga naman sya kaya sinubo ko sa kanya yung laman ng kutsara…

            Hanggang sa matapos kaming kumain ay ganoon ang pwesto namin... Kung wala lang talaga akong plano ngayong ilabas sya, baka kahit ubusin ko yung isang kaldero ng kanin okay lang basta nasa ganoong posisyon kami…

            Napatayo ako sa sofa ng lumabas si Aurora mula sa kwarto ko, she is wearing a plain baby pink dress at white na nadoll shoes, yung buhok naman nya ay nakapony tail sa right side kaya mas lalong nakita yung ganda nya…

            Lumapit sya sakin at tumingkayad at she peck a kiss again at ako naman tong gago ay hinabol ang labi nya, nagrespond naman sya kaya ayun napaupo na lang ako sa sofa habang sya naman ay nakaupo sa lap ko… Tumagal ng ilang minuto yung paghahalikan namin kaya nung naghiwalay ang labi namin ay pareho kaming naghahabol ng hininga…

“Parang ayako nang lumabas aahh..” biro ko sa kanya..

“Nagiging perv ka na baby..” napangiti ako ng marinig ko namang tinawag nya ako ‘Baby’

“Ikaw kasi eehh…tsaka sayo lang naman ako nagkakaganito…” ikikiss ko na sana sya ng bigla syang tumayo..

“Tara na sa labas… please?”

Tumayo ako at inakbayan sya… “Itigil ang pagpapacute baka matuloy tayong hindi lumabas… Hahaha..” hinila ko yung tali sa ponytail nya… tumingin  sya akin na nagtataka “Kitang-kita kasi yung ganda mo… ayokong may mga lalaking lumapit sa’yo mamaya, baka makapatay ako…”I said then I kiss her forehead at lumabas na kami ng condo…

            Una kaming pumunta sa park, para kaming mga teenager na nagpapalobo ng lobo doon na nabali sa namin sa nagbebenta doon sa park… Sinubukan din namin yung iba’t-ibang streetfood na highschool pa nung last time akong nakakain.. si Aurora naman first time lang daw ata nya, pero ayun nasarapan..

“Ate, ano po ito?” napatingin ako kay Aurora nang bigla syangnagsalita… Simula kasi kanina wala syang imik at ngiti lang sya ng ngiti sa akin…

“Pwet ng manok yan, ito naman balat ng manok na binalot sa harina’t itlog…”

“Chichaw tawag dyan.” sabi ko kay Aurora… tumatango lang sya sakin at kumuha ng isang stick, sinawsaw nya sa gravy at kinain.. “Masarap ba?” tumango sya ulit sa akin at muling tinuon ang atensyon sa pagkain…

            Ganoon lang din ang ginawa ko, kumuha ako ng nasa baso at kinain ito habang nakaharap kay Aurora… Kahit hindi sya nag-sasalita ramdam ko yung saya nya…Napatigil sya sa pagkain at tumingin saakin, akala ko kung ano ang gagawin nya yun pala kukuha lang ng pagkain sa akin. Matapos kumuha ay doon naman sya kumuha sa tinitinda at hindi na naman ako pinansin kaya napahagikgik na lang ako tsaka ko ginulo yung buhok nya… Matapos naming mag-foodtrip ay umikot lang kami sa park habang hawak ko yung kamay nya… mag-didilim na rin kaya medyo lumalamig na…

Naupo kami sa isa sa mga bench doon kung saan kitang-kita ang papalubog na araw… Nakatingin lang sya sa araw na papalubog habang ako naman ay pinagmamasdan yung mukha nya… Napangiti ako dahil hindi ko lubos maisip na kayak o pa lang abutin yung babae na to’…Na maisasakatuparan kop ala ang pangarap kong mapalapit sa kanya..

            Ginulo ko ang buhok nya at umiling-iling habang mukhang tanga akong nakangiti bago ko ilingon ang ulo ko sa palubog na araw…

“Baby…” muli akong napatingin sa kanya noon tinawag nya ako…

“Hmmm...?”

“Bakit ‘baby’ tawag mo sa akin eh 23 years old na ako..”

I chuckle to her thoughts… “Hmmm.. bakit nga ba?” tumingin sya saakin na para bang nagtataka.. “hindi ba pwede yung sagot na MAHAL KITA?” she chuckled then cross her arms… “Suot mo..” I offer my suit… pero umiling lang sya at niyakap nya ako..

“Mas gusto ko to’..” ngumiti lang ako at niyakap ko sya… Nakatingin lang kaming pareho sa araw na palubog…

Sana.. sana hindi na matapos yung araw na kasama kita…

Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon