Chapter 5

134 3 0
                                    

Kinabukasan…

 

‘Sir, I revise the proposal,

I’m sorry for being officious.’

                             -Aurora

 

“Sir, I revise the proposal,..I’m sorry for being officious. Aurora” basa ko sa sticky note na katidikit sa nag-iisang folder sa mesa ko…Binasa ko yung nasa loob ng folder na iniwan nya and lumawak ang isang malaking ngiti sa labi ko, after kong mabasa na okay na ang lahat para sa mamayang meeting.

 Pinaikot ang swivel chair ko paharap sa bintana..

            Mula sa bintana, kitang kita ko si Aurora na bumababa sa isang kotse kasunod ang isang lalaki… Di ko alam, pero naitikom ko na lang ang kamay ko nung nakita ko silang magyakap bago sumakay ang lalaki sa kotse…

“Focus. Focus…” I remind to myself…

            I decided to make a rest bago ko tignan ang presentation…

After ng ilang minute na paghihilot ko sa temple ko…

 

‘Goodmorning Aurora’ narinig ko mula sa office ko, ang pag-gogoodmorning ng bawat isa sa tingin ko ay kararating lang na empleyado.

            Ganito kasi ang patakaran sa office namin… You must respect everyone, by greeting them every morning… Si Aurora lang naman ang may sariling way ng pag-respect at yun yung pagtango o pag-yukod sa’yo…

“Bakit ngayon ka lang dumating? You’re late…” ang lahat ay nakatingin sa akin at halata sa mukha nila ang pagkagulat… Kahit ako rin naman ang nagulat sa ginawa ko, bukod kasi sa bigla-bigla kong pagbukas ng pinto at pagsasalita ay never akong namakeelam kung late ka ba o hindi… Wala na akong choice kaya pinandigan ko na lang… “Ms. Bernabe?”

            Imbis na magsalita ay tinitigan lang nya ako sa mata na para bang sinasabing ‘wala akong kasalanan’… Hindi ako nagpatinag at tinignan lang din sya sa mata… Mula sa mata nya, kitang kita ko ang mga emosyon na tinatago nya…

*dug*dug*

 

Tangna. Ano yun?

            Napaiwas ako ng tingin sa kanya... Bigla ba naman kasing kumabog yung dibdib ko? Tang nang kabaklaan to.’

Mas lalong lumakas yung kabog ng puso ko ng magsalita sya…“I’m sorry, Sir.” tsaka sya yumuko at humarap sa laptop nyang pink…

            Lumakad ako papalapit sa kanya at hinila ang swivel chair na malapit sa tabi nya para umupo…

“Ms. Bernabe… aren’t you need to state the reason why are you late?”

            Tumingin sya sakin, at mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang mukha nya… Kitang kita ko ang bawat hibla ng pilik mata nya… Kitang kita ko rin ang pagiging hindi pango o matangos ng ilong nya… Pero hindi ko makita ang labi nya… ang labi nya na half a ruler lang ang layo…

Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon