Epilouge

118 3 0
                                    

Lumipas ang araw na lagi na kaming magkasama ni Rj… Don’t get me wrong… Natanggap kasi si Kuya bilang gaganap na role as Prince at yung kasama naman nya as Aurora, at dahil nga company ni RJ yung nag-organize ng play na yun kaya lagi syang nandoon… Ako naman ay sinama ni Kuya at sumusubaybay sa nagaganap na Love Story nya between him and her so-called enemy, sa practice nila…

“Line mo na kaya!”

“Hindi aahh..!”

            Ayan, nagsisimula na naman silang mag-away… Malapit na ang date kung kelan sila magpeperform pero kung ano sila nang unang practiced ay ganun pa rin sila hanggang ngayon… Paulit-ulit tuloy silang nagpapracticed kaya medyo nakabisado ko na yung script.. Siguro, pati yung katabi ko, kabisado na rin yung script.

“Ay nako nag-away na naman… Paano na yung love team na binubuo ko?” bigla kasing nag-walk out yung babae at sinundan naman ito ni Kuya…

            Pumunta ako sa inuupuan ni Kuya at kinuha yung script..

 

Prince:

Who are you, what's your name?

Aurora:

Hmm? Oh, my name. Why, it's, it's ... Oh no, no, I can't, I ... Goodbye! [runs off]

Prince:

But when will I see you again?

“Who are you, what's your name?” napatingin ako sa nagsalita..

“Hmm? Oh, my name. Why, it's, it's ... Oh no, no, I can't, I ... Goodbye!” napailing ako nang pinatulan ko si RJ.

“But when will I see you again?” binasa nya ang kasunod na line at umupo sa tabi ko..

“Oh never, never!” -me

“Never?” -him

“Well, maybe someday.”-me

“When, tomorrow?” –him

            Hindi na ako sumagot nang marealize ko na marami nang nakatingin sa amin at nang maitanong ko sa sarili ko na bakit ko ba to’ pinapatulan..

            The day had pass and today is the performance… Napag-alaman ko din na yung kikitain sa play na to’ ay idodonate sa mga charity ng company... Okay na naman na yung takbo ng play pwera na lang sa pag-aaway ni Kuya at nung babae… Nandito na rin ako at naghihintay may 3:00 pm dahil yun yung start ng show… Hindi ko kasabay pumunta dito si Kuya dahil nauna na sya at memake-upan pa daw sya chuchu…

“Ang tagal namang mag-3:00” sabi ng katabi ko..

“Eh bakit ba kasi ang aga mong pumunta tapos ngayon magrereklamo ka?” 12:00 a.m pa lang kasi ay nandito na kaming dalawa at magwa-one pm palang ngayon..

Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon