Chapter 11

75 3 0
                                    

“Kapahon alas diyes ng umaga, namataan ang isang babae at isang lalaki na wala nang malay sa loob ng isang kotse sa kalsada ng Estripper street sa bayan ng San Miguel… Ayon sa pulisya, namataan ang isang pampasehorong jeep sa di kalayuan ang yupi-yupi ang harapan at wala na ang driver… Inimbestigahan kung yoon bang jeep na yun ang naka-bangga---”

            Nagising ako dahil sa ingay ng T.V… Pagkamulat ko naman ay agad akong tumayo at hinanap ang room no. ni Aurora… Pinigilan ako ng mga empleyadong nagbabantay sa akin, pero hindi ako nag-pipigil dahil ang gusto ko lang ngayon malaman ay kung ano ang lagay ni Aurora…

“Aurora..” lumapit ako sa hospital bed nya.. “Miss na kita… Three days ka nang natutulog dyan ohh.. . Hindi mo ba namimiss ikiss yung baby mo?” umupo ako sa tabi ng kama nya… hinawakan ko yung kamay nya..

            Isang linggo na simula nung nangyari yung aksidente pero hindi pa rin nagigising si Aurora… Nauna na yung mga empleyedo ka na umuwi at naiwan kami dito ni Aurora dahil nga hindi pa sya nagkakamalay. Pumunta na rin dito ang Kuya nya para alamin ang nangyari… Natakot akong ikwento sa kanya yung mga nangyari dahil akala ko ilalayo nya sa akin si Aurora pero hindi pala.. Kasalukuyan sya ngayong nasa resort at nagpapahinga dahil sya ang nagbantay kagabi kay Aurora…

            Nakatingin lang ako sa kanya ng maramdaman kong gumalaw yung kamay nya kaya agad kong tinawag yung doctor at yung Kuya nya… Agad namang kumilos yung doctor at pinayagan kaming manatili sa tabi ni Aurora… After ng ilang minute ay gumising na sya… Umalis naman ang mga doctor… Agad naman nyang niyakap yung kuya nya…

“Kuya… natatandaan ko na ang lahat…” nakatingin lang ako sa kanila… hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi.. “Kuya si RJ?” tumingin sa akin yung kuya nya.. kaya lumapit ako sa kanila.. Nung yayakapin ko na sya ay bigla syang lumayo sa akin… “Hindi ikaw si RJ..”

“Princess… Sya si RJ..”

“Hindi.. kilalang-kilala ko si Rj.. Oo, magkamukha sila.. pero hindi sya si Rj..”

“Aurora, ako to’…” naiiyak na ako, hindi ko alam kung bakit hindi nya ako kilala..

“Kuya, sabihin mo.. nasan na si Romel Joshua..” umiyak sya at niyakap ang kuya nya.. pilit nyang hinahanap yung taong matagal nang wala….

 Natulala ako nang marinig ko ang pangalan na yun… Ang pangalan ng kakambal ko namatay 7 years ago kasama yung girlfriend nya na hindi na namin naabutan sa pinangyarihan ng aksidente…

Tumakbo ako palabas ng hospital at nagdrive papuntang resort.. Ang tanga ko para hindi isipin na yung lugar kung saan kami naaksidente ay yung lugar kung saan naaksidente rin ang kakambal ko…

***

            Dalawang linggo na simula nangyari yung aksidente...Dalawang linggo na rin simula nang tulala ako at wala akong ginawa kundi maglasing… Pinipigilan ako ng mga kabarkada ko pero wala akong magawa… Ang sakit kasi na pagtabuyan ka ng taong mahal mo..

Flashback. (The day when Aurora’s memory back)

 

Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon