Madison's POV
Masaya kong pinapanood ang aking mga anak na naglalaro. Sina Azenor Kemena Firio at Maximum Garrick Firio. Anim na taon na simula ng ikasal kami ni Ace at biniyayaan kami ng dalawang makukulit na bata.
I am so lucky to have them and especially nakuha nilang dalawa ang kapangyarihan namin ni Ace. I am already the queen of the Magical Kingdom and my king is none other than Ace.
Kung tinatanong niyo kung saan namumuno si Kuya at si Val ay sa Fire Kingdom sila. Ipinagkaloob ng parents namin at ng parents ni Ace and Tyler sa kanila ang Fire Kingdom dahil ang kahariang iyon ang pangarap na kaharian at maging tahanan ng pamilya ni Kuya Ash. Kaya sila na ang namumuno sa kaharian na matagal na nilang pinapangarap.
"Aze! Baka madapa kayo!" rinig kong suway ni Ace sa dalawang bata. Medyo malayo silang tatlo saakin kaya naman ay hindi ko natatanaw ang kanilang ginagawa. Ang alam ko lang ay naglalaro silang TATLO. Talagang nakisama pa si Ace sa kakulitan nilang dalawa.
Kung babalikan natin, ang digmaan ay sariwa pa sa ating mga alaala. Lalo na sa akin at kay Ace. Kung saan sinubukan kaming pareho ng tadhana. Napaniwala kong namatay ako pero hindi. Kung sakaling namatay ako, ganitong Ace ba ang makikita ko?
Natutuwa naman ako dahil may mga sariling pamilya narin ang barkada namin, kagaya namin ni Ace na may pamilya narin.
Hindi ko nga aakalain na magkakatuluyan si Kuya Ash at si Valentine. Ang alam ko lang ay masaya na sila sa piling ng isa't isa.
Masaya na ako para sa kanila. Nung una nga ay tinatanong ko si Val kung sigurado na siya kay Kuya pero ano ba ang magagawa ko? Ako o ang pag-ibig? Talo na ako kapag nangyari yun.
Kagaya namin ni Ace ay anim na taon naring kasal sina Kuya at Valentine. Kung shooter nga naman, si Kuya ay may panganay naring babae. Kasing edad lang ng mga anak ko pero mas matanda ang mga anak ko. Ang panganay nilang dalawa ay si Magdalene Smith. She is a girl to be exact.
Kung sineswerte nga naman ay namana niya ang kapangyarihan ni Kuya at Val. Speaking of panganay, buntis nanaman si Val. Shooter talaga si Kuya. Kunwari mahiyain tapos mababalitaan ko nalang ay buntis na si Val.
May anak pa silang bunso na si Raiden Smith. Ang kasing-edad ni Zale. Namana niya rin naman ang kapangyarihan ng kuya ko at ni Val kaya magandang sign naman iyon.
May happy ending naman para sa bestfriend ko na si Zarah na ngayon ay Zarah Walter na and ofcourse the she is the queen of Water Kingdom. Ang ibig sabihin ay ikinasal na siya sa crush niya na si Bryan Walter.
Alam ko naman na sila talaga ang magkakatuluyan sa huli dahil narin alam kong gusto nila ang isa't isa. Sa mortal world ay M.U nga. They have a son named Zale Walter. Happy 4 years of marriage silang dalawa kaya three years old palang si Zale.
Ang alam kong meaning ng Zale ay strength of the sea kaya napagtripan nilang Zale ang ipangalan sa anak nila. Sana naman ay mayroon pang susunod pa kay Zale. Lonely siya minsan eh.
Shempre hindi papatalo sina Queen Elya Firio at King Tyler Firio of Earth Kingdom. Sila ang mas naunang ikasal kaysa saaming lahat. Meaning ay seven years na silang kasal at kung sineswerte nga naman si Tyler ay twins agad ang bunga. The boy was named Nathan Firio and the girl was named Nala Firio. They are both 6 years old and they are older than my children neither do our friends' children.
Ang kapatid naman ni Elya na si Ella ay kasal na sa isang yelo ng barkada na si Damon Aerio. At first, hindi ko talaga aakalain na ang dalawang yan ang magkakatuluyan. Torpe kasi yang si Damon at ayaw agad umamin.
Anyways, si Ella ay ang reyna na ng Air Kingdom ay si Damon naman ang hari. They are already married six years ago, gaya namin ni Ace pero nauna sila, and they have a son who is five years old. He is Blaize Aerio.
BINABASA MO ANG
The New Beginning: Book 2 of Lost Princess
FantasiaYears have past and the memory of the past is still fresh in everyone's mind. As the years past by, they have their own family. Their children grew up in a world that is full of peace and purity, but is it the end of the darkness? The kids grew up i...