Kabanata 3 (Unexpected Visitor)

104 2 0
                                    

Nagising ako nang dumampi ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana, kaya bigla akong napabalikwas ngunit gayon na lang ang aking pagkabigla nang makita ko ang aking katabi sa kama, sa pagkakataon iyon ay naalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin ni Sir Gab kagabi

"ohhh My gosh!"- pipi kong usal dala ng pagkabigla kasabay ang pagtakip sa aking mga bigbig upang hindi ko magising ang aking katabi kaya, minabuti ko na lamang na dahan dahang umalis sa kama at dali daling umalus sa kanyang condo.

"God ano ba tong pinasok ko"- paulit ulit kung tanong sa panginoon habang ako ay nasa byahe pauwi ng aking apartment
Hindi nagtagal ay nakauwi na rin ako

Dahil hindi pa ako nakakapag-agahan magluluto muna ako ng aking makakain buong maghapon dahil napagpasyahan kung wag na munang pumasok ngayon dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Sir Gab takte naman kasi e , bakit kasi anrupok ko
That's my first tas binigay ko lang ng ganon ganon lang kay Sir Gab ano na lang ang iisipin niya sa akin ? Na easy to get ako?

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay biglang tumunog ang aking phone at dahil ako ay lutang hindi na ako nagabala pang tignan kung sino ang caller

"yes hello, what can i do for you?"- tanong ko sa kabilang linya

"bakit ka umalis"-sagot sa kabilang linya

At dahil lutang nga ako sumagit naman ako ng

"ha? Okay ka lang san ako umalis?"- pabalik kung tanong sa caller

"Do i need to remind you everything!?"-galit na sigaw nito

At dahil galit na ito ay tinignan ko ang caller
At sa sobrang gulat ko muntik ko nang mabitawan ang precious phone ko
Anak ng pating nga naman oh o
At talagang si sir pa ang caller ha, bakit tumawag yun e dapat nga wala lang sa kanya yun dahil marami naman dyang nagjandarapa sa kanya

"hey, are you still there?!"-pasigaw na tanong niya sa akin sa kabilang linya na nagpabalik sa aking ulirat

"oh, sorry sir, kayo pala pasensya na po ah, hindi ko kasi kayo nabosesan"-hingi ko ng paumanhin

"its okay, now answer my question, why you left me"?- medyo mahinahon na niyang tanong

"ah, eh sir Gab kasi po medyo masama ang pakiramdam ko"-pagpapalusot ko (gumana ka gumana ka gumana ka) sa isip isip ko, magsasalita pa sana ako kaso biglang

Toot toot toot yan na lang ang narinig ko
Hays tignan mo tong si sir bastos e kitang may kausap syang tao tas bababaan lang ako ng telepono mahusay ka sir mahusay ka madudurog na yung hinihiwa ko sa sobrang pino neto dahil sa nanggigigil ako

Nang biglang may kumatok

Tok! Tok! Tok!

Hala, sino ang taong bibisita sa akin ng ganito kaaga

Iniwan ko ang aking hinihiwa at pumunta sa puntuan

Pero dahil wla naman akong inaasahang bisita ngayon araw nagdadalawang isip ako kung pagbubuksan ko ba o hindi, dahil imposibleng si manang Ysing dahil kakabayad ko lang noong isang araw
Kaya kinuha ko ang tambo at dustpan ko bago ko hinawakan ang doorknob para naman may panangga ako kung magnanakaw ito
Pero bago ko bubuksan papakinggan ko muna kaya dinikit ko ang aking tainga sa pintuaan ..

Took! Took!
At kung minamalas ka nga naman oh, sakto pa sa pagkatok yung paglapat ng tainga ko
Bahala na nga
Ito na hinanda ko ang aking sarili sa pagbubukas ng pintuaan

Isa....

Dalawa...

Tatlo...

Sabay hampas ko ng tao na nasa pintuan ng nakapikit

"holy sh*t"-wika ng aking katapat

Nang marinig ko ang wika nito ay bigla akong napamulat

Gayun na lamang ang aking pagkagulat ng makilala ko ang tao sa aking harapan

Sir.....




My Boss is my LoverWhere stories live. Discover now