Kabanata 9 (Talk)

116 3 0
                                    

Hindi ko lubos maisip kung ano ang dahilan niya sa pag - kidnap niya sa akin.

Hindi ko siya nakilala kanina, dahil katulad ng dalawang lalaki sa aking tabi ngayon ay naka - mask at naka - cap din ito. Pero, noong napatingin ako sa kanya, bigla niya itong tinanggal at matalim ako na tinitigan.

Nagpupumiglas pa ako nang bigla niyang hininto ang sasakyan at pinababa ang kanyang mga kasama.

''Dito na kayo''- wika niya sa mga ito bago tumingin sa rear mirror upang makita ang mga ito.

Dahil napapagitnaan ako ng dalawang lalaki, ang isa ay lumabas sa kaliwang pintuan ng sasakyan habang naiwan naman ang isa at nanatili muna nang ilang saglit saka lumabas. Ngunit, bago tuluyang lumabas ay nagsalita muna ito.

''Gab, 'yung usapan natin''- wika nito at tumingin kay Sir Gab at sa akin saka isinarado ang pinto.

Biglang umandar ang kotse pagkalabas na pagkalabas nu'ng lalaki.

Ngayon, kami na lang dalawa, gusto ko sanang magsalita kaso wala naman akong ibang magawa kung hindi ang tumahimik na lang, lalo pa at nakatali ang aking mga kamay sa likod at may takip din ang aking bibig.

Habang nagmamaneho siya ay tinitingnan ko siya mula sa passenger seat at nakikita ko na seryoso siya sa kanyang pagmamaneho. Paminsan - minsan ay sumusulyap siya sa rear mirror at 'pag nagtatama ang aming mga paningin ay babawiin niya rin itong bigla.

Medyo matagal din ang aming biyahe at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako nang may biglang humawak sa aking pisngi. Sabay kong iminulat ang aking mga mata upang makita kung sino ang taong iyon.

Nakita ko si Sir Gab sa aking harapan, bukas ang pintuan ng kotse at nakayuko siya, siguro ay upang gisingin ako. Bababa na sana ako pero tinanggal niya ang tali sa aking mga kamay mula sa aking likuran, pati na rin ang packing tape sa aking bibig. Pagkatapos, umalis siya sa aking harapan, at noong bumaba ako mula sa kanyang sasakyan ay saka niya ito isinarado.

Nang makalabas ako ay nakita ko ang mga puno at kaagad ko ring nalanghap ang sariwang simoy ng hangin.

Dito pa lang, alam ko na wala kami sa Manila. Siguro, ito ang dahilan kung bakit mahaba ang naging biyahe namin.

Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang kailangan niya sa akin at bakit pa niya kailangan ng kidnap effect kung pwede naman niya akong kausapin na lang sa trabaho.

Nakita ko siyang naglalakad at sinundan ko naman siya, mukhang kagagaling lang niya sa trabaho nang isagawa nila ang pagdukot sa akin dahil sa suot niyang white long sleeves at black pants.

Sa aming paglalakad ay namangha ako sa ganda ng kapaligiran.

Maraming puno dito, at ang dinadaanan namin ay kapirasong lupa na pinagpapagitnaan ng mga halaman at iba't - ibang bulaklak. May nakita rin akong isang playground sa hindi kalayuan. May mga statue ito ng mga duwende at nakita ko rin ang rebulto ni Snow White. Lihim akong natuwa sa aking nakita dahil paborito ko ang fairytale na "Snow White and The Seven Dwarfs." Malapit sa rebultong iyon ay may dalawang malaking kamay sa pagitan ng isang hindi kalakihang lamesa na gawa sa semento. Natatanaw ko rin mula sa aking kinatatayuan ang iba't - ibang kabute na nakapalibot sa playground na iyun.

Sa aking pagmamasid ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay.

Hindi ko alam kung isang bahay nga lang ba ito o isang mansion dahil hindi pangkaraniwan ang laki nito.

Pinapasok niya ako roon at saka ako pinaupo sa isang napakaganda at napakalambot na sofa.

''Maupo ka muna dito at ikukuha kita ng maiinom''- wika niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boss is my LoverWhere stories live. Discover now