Kabanata 7 (Fiance)

60 3 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kuwarto at humilata kahit na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit pambahay.

Mahigit isang oras din akong nakahiga bago ko napagpasiyahang bumangon para magluto ng makakain ko sa hapunan.

Ganito na palagi ang routine ng buong maghapon ko, magmula kasi nang mamatay ang nanay ko ay umalis ako sa dating tinitirahan namin sa Bulacan. Bukod pa roon ay pinalayas din ako ng mga kamag - anakan namin matapos nilang malaman na wala na si Inay.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa akin, at ako ang sinisisi nilang dahilan kung bakit namatay ang Inay.

Minsan, iniisip ko, siguro malas talaga ako mula pa lang noong unang isilang ako sa mundo.

Biruin mo, namatay si Tatay dahil sa akin, 'tapos si nanay naman, namatay sa harapan ko mismo.

O, 'wag kayong ano d'yan, namatay si Nanay sa heart attack, at dahil nga sa wala naman kaming pera noon at 12 anyos pa lang ako, hindi ko magawang mag - hanapbuhay para sa amin ni Nanay dahil wala naman tumatanggap sa akin dahil masyado pa raw akong bata.

'Tapos ngayon, mag - isa na lang ako ay puro kamalasan pa rin ang nangyayari sa akin, tsk.

Matapos ko magluto ay kumain na agad ako at naghugas na agad ng aking pinagkainan. Matutulog na sana ako nang bigla kong nakita sa drawer ng aking maliit na lamesa ang sulat ni Inay.

Inabot niya sa akin ito, isang araw bago siya mamatay.

Ngunit, hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nababasa.

Ewan ko ba, kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko itong sulat na ito, kaya sa tuwing hahawakan ko ito at babasahin ay ipinagpapaliban ko na lang. Isa pa, hindi pa sapat ang katapangan na mayroon ako ngayon para basahin kung anuman ang nilalaman nito.

Kaya naman, hinayaan ko na lamang ang sulat ni Inay doon. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para basahin ko 'yun, at kinuha ko na lamang ang ang pakay ko at 'yun ay ang aking wallet.

Sa drawer ko inilalagay ang aking wallet para hindi ito manakaw ng iba. Nakawin na ng magnanakaw ang lahat ng gamit ko, 'wag lang ang wallet na 'to. Charot lang! Dito ko kasi inilalagay ng lahat ng pera ko, kaya todo ingat talaga ako rito. Ito ang gagamitin kong pera kung sakaling matanggal ako sa trabaho, oh, 'di ba advance ako mag-isip, well, lalo na at sa mga nangyayari ngayon, hindi malayo na mawalan talaga ako ng trabaho.

Late na ako nagising kinabukasan dahil hindi ko nai - charge kagabi ang cellphone ko, kaya dali-dali akong bumangon at dumiretso na kaagad sa banyo na katapat ng aking kuwarto upang maligo.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at umalis na kaagad sa aking apartment para pumasok na sa trabaho.

Nang makarating ako sa tapat ng kompanya at lumapit na kay Manong Guard, bigla akong kinabahan.

Hindi ko alam kung bakit, hindi pa naman ako late dahil may 20 minuto pa ako bago mag - call time, pero 'di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nang makalapit ako kay Manong Guard ay ibinigay ko kaagad sa kanya ang aking bag sabay pakita ng aking company ID, kahit kilala na niya ako ay kailangan pa rin niyang i - check ang mga ganitong bagay.

Habang tinitingnan ni Manong ang aking bag ay biglang nagsalita ito.

''Ma'am, 'di ba ikaw 'yung secretary ni Sir Gab?''- medyo nahihiya niyang tanong sa akin.

''Ah, yes, Manong, bakit po?''- pagbalik ko naman ng tanong sa kanya.

''Kasi, 'yung mga gamit n'yo po ay ipinadala ng Chairwoman sa warehouse, ako po kasi ang inutusan niya kanina''- wika niya sabay kamot sa batok.

''Ano?''- medyo napataas ang aking boses dala ng pagkagulat.

Agad kong kinuha sa kanya ang aking bag at patakbong pumasok sa loob para kumpirmahin ang sinabi niya, hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, pero gusto ko lang makita ng dalawa kong mata na wala na nga talaga doon ang mga gamit ko.

At ang mas nakakgulat ay nakita ko si Chairwoman na may kasamang hindi pamilyar na babae doon mismo sa aking cubicle at nagtatawanan pa.

Bigla kung nabitawan ang aking bag na naging dahilan ng paggawi ng kanilang tingin sa aking kinaroroonan .

Aalis na sana ako ngunit nagsalita si Chairwoman.

''Oh, mabuti at nandito ka na, halika dito, may ipapakilala ako sa'yo''- tawag niya sa akin habang nakangiti.

Wala naman akong ibang magawa kundi ang lumapit sa kanila.

Gustuhin ko mang yumuko habang papalapit ako sa kanila ay minabuti ko pa ring maging matapang kaya taas - noo akong naglakad.

''Ann, si Zier na ang bagong secretary ni Gab''- agaran niyang ipinakilala ang babae pagkalapit na pagkalapit ko.

Gusto ko sanang magtanong kung bakit ako pinalitan, pero parang alam ko na ang dahilan, kaya tumango na lamang ako bilang pagsang - ayon sa kagustuhan niya.

Kahit na chairwoman siya at wala siyang karapatan na tanggalin ako sa pwesto ko dahil ang HR ang may trabaho nu'n, naiintindihan ko naman siya dahil gusto niya lang akong ilayo sa anak niya.

Tatalikod na sana ako, pero tila tumigil ang mundo ko nang magpakilala ng kusa ang babae sa aking harapan.

''Hello, Ann, I'm Zierra Velasco Gab's fiancé and also... his new secretary''- pagpapakilala nito sa malambing na tinig habang inilalahad ang kanyang kanang kamay sa akin.

Tatanggapin ko na sana 'yun, pero sinagi ni Chairwoman ang aking kamay. Napansin kong medyo kumunot ang noo ni Zier sa kanyang ginawa, pero kalaunan ay bumalik ang dating mukha nito nang ibahin ni Mrs. Del Rosario ang usapan.

''Ann, makakalis ka na''- may bahid ng pagka - irita nitong wika.

Tinalikuran ko na sila matapos kong marinig ang mga salitang 'yun, ngunit hindi pa ako gaano nakakalayo sa kanila ay nagsalita itong muli.

''Simula ngayon, sa warehouse ka na magta - trabaho''- matigas nitong saad na siya namang ikinapatak ng luha ko, hindi dahil iba na ang trabaho ko, kundi dahil sa pagtrato nito sa akin.

Okay lang sa akin kahit na anong trabaho, ang mahalaga ay marangal ito at kumikita ako ng pera, ngunit hindi ko lang inaasahan na ganito kaagad ang mangyayari sa akin.

Mabilis akong nagtungo sa warehouse at hindi ko na nagawang tinagnan ang aking dinaraanan kung kaya't nabangga ko ang taong nasa harapan ko.

''Where are you going?''- sagot ng lalaking nasa aking harapan.

Nang iangat ko ang aking mukha, saka ko lang nalaman na siya pala ang aking nakabangga dahil hindi ko siya nabosesan dahil sa paos ito.

''Sir!''- gulat kong tugon.

My Boss is my LoverWhere stories live. Discover now