Nagulat ako nang mapagtanto na siya nga talaga ang nasa aking harapan. Hindi ko maipaliwanag ang mga titig niya, para akong malulusaw sa mga 'yun. Ano ba kasi, Sir, bakit ganyan ka sa'kin, nahihirapan ako sa mga ipinapakita ninyo.
''Where are you going?''- ulit nito na nagpabalik sa aking ulirat.
''Sa warehouse po''- tugon ko sa kanya sabay tungo at lalagpasan ko na sana siya, pero pinigilan niya 'ko sa pamamagitan ng paghablot niya sa aking kanang braso, kung kaya naman ay napalingon ako sa kaniya.
''Warehouse? Anong gagawin mo do'n?''- tanong niyang may kuryusidad at parang ini - examine ang aking mukha.
Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado kaya minabuti ko na lang na sagutin siya.
''May kukunin lang po ako, Sir''- sagot ko naman sa kanya. Magtatanong pa sana siya ngunit tinanggal ko ang kanang kamay niya sa aking braso at walang sabi - sabi akong naglakad palayo.
Alam kong hindi siya naniniwala na may kukunin ako sa warehouse dahil secretary niya ako, ano naman ang gagawin ko doon gayong hindi naman niya ako inuutusan. Isa pa, ang work place ko ay sa labas lang ng kanyang opisina.
Pero, dahil naintindihan niya naman siguro na ayaw ko na magtanong pa siya, hinayaan na lamang niya ako.
Nang marating ko ang warehouse ay sinuyod ko ang buong paligid.
May nakikita akong iilang empleyado at mga cubicle. Dito binabagsak ang mga supply na ginagamit sa pagbuo ng mga sasakyan galing sa ibang kompanya, at ang mga tao rito ang nakatoka sa mga 'yun, well, I guess na isa rin siguro ako roon.
Lumapit ako sa kanila at nakita kong abala sila sa kani - kanilang mga ginagawa, kahit na maaga pa lamang ay ganito na agad sila magtrabaho, sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga gamit ko.
Nakapatong ang mga 'yun sa desk ng isang cubicle na malapit sa CR. Agad akong pumunta roon at inayos ko ang mga gamit ko. Habang inaayos ko ang mga ito ay biglang may nagsalita, kaya napaangat ang aking ulo upang makita kung sino 'yun.
''Hi, Ms., welcome''- masuyong bati sa akin ng isang lalaking na sa tingin ko ay edad 20 pataas at ngumiti pa ito sa akin.
Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay mukhang mabait naman ang mga empleyado rito.
''Hello, I'm Ann''- magiliw kong wika sa kanya sabay lahad ng aking kanang kamay upang makipag shake hands. Tinanggap niya naman 'yun at isa - isa niyang ipinakilala sa akin ang mga taong naroon at pinakahuli niyang ipinakilala ang kanyang sarili sa akin.
''And I'm Yuan''- pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
Naging maayos naman ang trato nila sa akin. Sinabi nila sa'kin kung ano ang gagawin ko, at nalaman ko na ang gagawin ko lang ay ang magbilang ng supply na pumapasok at lumalabas. Plus, ako rin ang nakatoka sa mga parts na ibinabalik ng operation kapag may depekto ito, at ako na rin ang bahalang kumontak sa kompanyang pinanggalingan noon. Hindi rin kasi na - chicheck isa - isa ang mga supply dahil bultuhan ito kung dumating, kaya ang ginagawa lang ng guard ay bilangin kung ilan ito. Kung kailan ito gagamitin ay saka pa ito mabubuksan dahil maaalikabukan lamang ito. Pumapayag naman ang mga kompanya na ibabalik sa kanila ang mga produktong may depekto dahil kasama 'yun sa kontrata.
Lumipas ang buong lingo na gano'n ang ginagawa ko, at masaya naman ako dahil medyo nasasanay na ako sa ganitong trabaho. Mas magaan ito kumpara sa pagiging secretary ni Sir Gab dahil maraming inaasikasong papeles doon.
And speaking of Sir Gab...
Mula noong lumipat ako dito sa warehouse ay hindi ko na siya nakita pa ulit, biyernes na ngayon at hindi ko pa rin siya nakikita. Medyo okay na rin siguro 'yun kaysa makita ko siya. Para lang akong tanga kakaisip sa kanya.
Sa palagay ko, mas mabuti na 'yung ganito, dahil nalilibang ko ang sarili ko sa trabaho.
Pauwi na ako ngayon dahil tapos na ang trabaho ko, at 'eto ako ngayon sa harapan ng building at naghihintay ng sasakyan, nang may biglang huminto na itim na kotse at may lumabas doon na dalawang lalaking nakaitim. Walang anu - ano'y isinakay ako ng mga lalaking iyon sa kotseng itim.
Hindi na napansin ng guard 'yung ginawa nila dahil saktong may pumasok sa building na naging dahilan ng pagtuon ng atensyon niya roon.
Sisigaw sana ako, kaso huli na dahil naipasok na nila ako sa kotse. Tiningnan ko ang mga lalaking kumidnap sa akin. Gosh, alam ba ng mga ito na wala akong pambayad sa kanila. Tsk.
Tiningnan ko ang mga ito ng maigi. Naka- mask sila at naka - cap, kaya hindi sila makikilala kagaad, plus, naka - kulay itim pa sila na parang mga assassin.
''Pakawalan n'yo ako!''- malakas na sigaw ko sa kanila noong tinatalian na nila ang aking mga kamay dahil wala akong ibang ginawa kundi hampasin sila buhat nang makapasok ako sa kotseng ito
''Wala kayong perang makukuha sa akin!'' - pahabol ko pa.
Ngunit, hindi man lamang sila sumagot at nilagyan lang nila ng packing tape ang aking bibig...
At isa - isa na nilang tinanggal ang kanilang mga mask at sombrero kung kaya naman napatingin ako sa kanila.
Nagulat ako sa aking nakita, mga gwapo sila at mapuputi, at kung pagmamasdan mo ay parang mayayaman ang mga ito, base sa kanilang itsura. Makinis din ang balat nila, para silang alagang Belo.
Magpupumiglas pa sana ako nang biglang magsalita ang isa sa kanila.
'' 'Yung sinabi mo kanina, tama 'yun. Wala kaming makukuha sa'yo, pero sa kanya, meron''- tugon niya. Sinundan ko 'yung tingin niya papunta sa taong nagmamaneho at bigla akong nagulat sa aking nakita.
''Ikaw!''- gulat kong saad, kahit na nahihirapan akong magsalita dahil sa tape na nasa aking bibig ay nagawa ko pa ring magsalita dala ng labis na pagkagulat.