Kabanata 6 (Chairwoman)

70 3 0
                                    

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang nanay ni Sir Gab na galit na galit habang nakatingin sa akin.

''So, ikaw pala ang haliparot na tinutukoy ng anak ko!''- galit na paratang niya sa akin na tila mauubusan ng hininga sa sobrang galit nito.

Bigla akong napayuko sa kanyang sinabi, dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

Yes, may nangyari sa amin ni Sir Gab, pero hindi ko naman siya nilalandi. Hello, si Sir kaya ang nag - alok sa'kin dito at teka nga, bakit ba nagagalit ito sa akin.

''Ano pong sinasabi ninyo?''- naguguluhan kong tanong sa kanya at saka ako nag - angat ng tingin para makita ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha.

''Anong hindi mo alam! Kunwari ka pang malandi ka!''- sigaw niya pa sa'kin. Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay bigla na lamang niya akong sinugod at sinabunutan.

''Ahhh, Ma'am, aray!''- daing ko sa kanyang mapagparusang mga kamay.

"'Yan! 'Yan ang dapat sayo, malandi!''- sabi niya sabay tulak sa akin na naging dahilan ng pagsalampak ko sa sahig.

Galit na galit siya sakin na para bang may ginawa akong napakalaking kasalanan sa kanya. Kung sakaling nakamamatay ang kanyang mga tingin ay tiyak na pinaglalamayan na ako ngayon.

''Kung hindi dahil sayo, hindi uurong si Gab sa kasal nila!''- pasigaw nitong wika.

Teka... Ano... Si Sir, ikakasal? Pero, kanino? - medyo naguguluhan kong tanong sa aking isipan. Sa tinagal -tagal ko rito sa trabaho ay wala naman akong nababalitaan na ikakasal si Sir o na may girlfriend ito.

Susugod pa sana ito sa akin nang biglang dumating si Sir.

''Mom!''- gulat na sigaw nito sa kanyang ina. Nang makita niya akong nakasalampak sa sahig ay dinaluhan niya ako upang alalayang makatayo.

''Anong ginawa ninyo sa kanya?'' - tanong nito sa ina nang makabawi ito sa nakita.

''Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag, Gab, alam mo na kung ano ang gusto ko!''- sagot nito sa anak na 'di man lang natitinag ang tingin sa akin, at saka ito lumabas sa silid.

''Okay ka lang ba?''- tanong sa akin ni Sir. Ngunit, sa halip na sagutin ko siya ay yumuko na lamang ako, upang pigilan ang aking pagluha. Pero, alam ko namang mali ang ginawa ko.

Mali na pinaunlakan ko siya gayong isa lang akong sekretarya sa kompanyang ito, hindi man lang ako nag - isip bago ko ibigay ang sarili ko sa kanya. Masyado akong nagpaka - tanga noong gabing 'yun, hindi ko man lang inisip ang mga susunod na mangyayari.

''Hey''- tawag niya sa akin habang inaangat ang aking mukha upang makita niya ito.

Ayos lang naman sa akin na balewalain niya 'yung nangyari sa amin, hindi naman ako naghahabol dahil alam ko na sa mga mayayamang katulad ni Sir...

Natural lang 'yung mga nangyari.

Pero, hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan ng lahat.

''Okay lang po ako, Sir''- sagot ko sa kanya habang nakatingin siya sa akin nang maiangat niya ang aking mukha, at kasabay niyon ay ang pag - alis ko sa silid na 'yun at saka ako dumiretso sa comfort room malapit sa aking desk sa labas ng kanyang opisina.

Lakad - takbo akong pumunta roon, kahit na naririnig ko ang sigaw na pagtawag ni Sir sa akin ay binalewala ko iyon.

Matapos akong pumasok sa comfort room ay bumuhos agad ang lahat ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon at nakita ako ng chairwoman na kasama ang anak niya sa kwarto nito. God, ang tanga ko lang, bakit kasi hindi ko agad naisip na baka may girlfriend si Sir... Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Alam ko sa simula pa lang na talo ako, eh. Alam ko rin na dapat hanggang doon lang iyon, pero pilit kong iniisip kung ano ang meron sa mga ikinikilos niya...

Na baka gusto niya rin ako, hindi bilang sekretarya kundi isang babae.

Masyado akong nadala ng kagagahan ko, kahit aminin ko sa sarili ko na ayaw ko at na wala lang 'yun, ang ending, mag - iisip pa rin ako tungkol sa mga ipinapakita niya sa akin.

Lumipas ang 30 minuto at wala akong ibang ginawa sa CR kundi kausapin ang sarili ko at kumbinsihin ang sarili ko na wala akong gusto kay Sir at gano'n din siya sa akin.

Napagdesisyunan kong iwasan siya sa abot ng aking makakaya dahil baka matanggal ako sa trabaho ko, at baka kumalat din ang balita na kumain ako ng lunch kasama si Sir Gab. Ayoko naman na umabot sa puntong 'yun.

''Pero, paano ko maiiwasan si Sir, gayong sekretarya niya ako?''- tanong ko sa aking sarili dahil parang hindi naman yata posible ang gagawin ko.

Lumabas na ako roon at dumiretso agad sa aking desk at madali kong tinapos ang naiwan ko kanina. Pagkatapos ng mga gawain ko ay nag - early out na ako.  Dito sa kompanya, okay lang naman na mag - early out, basta tapos na ang mga gawain mo sa araw na iyon.

Sa case ko, hindi ako papayagan dahil ako ang sekretarya ng CEO, kaso sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko at umakto na lang ako na masama nga talaga ang aking pakiramdam. Gumana naman iyon, tatawagan pa sana nila si Sir kung may ipapagawa pa ito, ngunit sinabi ko na nagpaalam naman ako kay Sir Gab kung kaya nakauwi agad ko sa aking tinutuluyan.

My Boss is my LoverWhere stories live. Discover now