Chapter 2

72 9 6
                                    

Chapter 2: Meet the Squad
Frances' Point of View

Gurl, ngayon ko lang na-realize na may gera pala kaming papasukin mamayang gabi tapos papetiks petiks lang ako rito.

"Tres, Check the war court. Inform me kung may mga problema na dapat ayusin" saad ni Zach, a. k. a the Commander. Pagka-utos sabay walk-out magaleng!

"Tinotoyo ang commander mga pre" sabi ko sakanila and they just laughed

Tutal halos kumpleto kami mag-totropa rito ay ipapakilala ko na muna sila sainyo

By the way, I'm Francesca Kristen P. Chavez. Ang pinaka cute na nilalang sa buong Ara La Uno. Also, the Secretary sa student council and the Co-Leader no. 3 or also known as tres.

My job is to inform the commander about the War Court. Pinapaalam ko kung may mga problema bang maaring mangyari rito and also ako rin ang nag-sasabi kung saan pwede i-pwesto ang mga lookout.

"Anyare kay Commander?" tanong ni Kenji at Tristan. Napakilala na siguro sila sainyo pero silang dalawa ay parte ng Lookout, tatlo sila actually si Lawrence yung isa.

Lawrence Beau R. Castro, bebe loves ko 'yan ehehehe chos masyado maharot Frances kalma kalmahan mo lang. Okey back to Lawrence, he's the Sergeant of Arms sa council and also one the Lookout.

Basically, Lookout sila yung taga-bantay and mostly sila yung ace sa snipers. Magagaling sila mag-bantay kahit na maloloko yang tatlong 'yan.

"Nag-away ata sila mga parekoy" bungad ni Kale sa'min na kasama si Syd

Kale siya naman ang Co-Leader no. 2 or also known as Dos. Siya ang namamahala sa kaayusan ng gang na ito. Si Syd naman siya naman ang Supplier tatlo rin sila doon. Si Syd, Luna at Dusk ang Suppliers ng grupo.

Malaki ang part nila dahil kung wala sila wala kaming mga gamit. They supply us the guns we used, yung mga pana and more.

"Anyare mga pre nag-away daw sila?" tanong ni Yoshi sa'min

Yoshieya S. Sy, isa sa miyembro ng communicators namin. Kasama niya doon sila Rhianna at Issae.

Communicators, sila naman ang mga kumakausap at nag-bibigay info na nang-galing sa ibang grupo.

"Ewan ko ba du'n sa dalawang 'yon" sabat naman ni Rhea. Siya naman ay parte ng Carriers. Silang dalawa ni Abigail.

Carriers or Runners sila ang nag-dadala o nagpapadala ng mga gamit na nangaling sa mga Suppliers.

"Siz, ayusin niyo yung dalawang 'yon. A Commander and a Co-Leader nag-aaway? Jusko, malalagot tayo mamaya nito"dagdag pa ni Mau

Maureen Quinn F. Refuerzo, the secretary. Siya ang namamahala sa pag-record ng mga lumabag sa rules, Ni-rerecord niya kung naka-ilang labag sa rules ang isang miyembro.

Gabriella Erin G. Dela Cruz, the asst. secretary. Siya naman ang nag-rerecord kung naka ilang panalo na ang gang namin.

The bookkepers sila naman ang nag-cocollect at nagtatago ng mga na-record ng dalawang secretary. Ang napunta sa posisyon na ito ay si Cooper at Sab.

"Send code na mga pre" epal naman ni Kiefer. Probably, about 'yan sa i-ha-hack nila mamaya

Kiefer, Casper and Kai ang tatlomg hackers. They open accounts, sites or kaya sila ang mga nagbubukas ng mga passwords para sa'min.

Lab Rats, sila naman ang mga gumagawa ng mga gamot na kung saan nagagamit namin as defense. Ang napunta sa posisyon na ito ay si Sebastian at si Tyron.

"Ces, nakita mo ba phone ko" biglaang tanong sa'kin ni Rheena at naging dahilan ng pagkagulat ko

"Kakaloka ka naman gurl! Nangugulat ang peg. Di ko nakita phone mo siz" sagot ko rito at tinanguan na lamang ako

Rheena, the VP-internal and the Co - Leader also known as Uno. Siya ang nag-aassign ng mga miyembro na makikipaglaban. If the right hand man is not around siya ang pumapalit rito.

The Right hand man, 'yan ang pwesto ni Chase. Siya ang palaging kasama ng Commander. Kung wala ang Commander ay siya ang nasusunod.

"Ano meron? Umiyak yung isa" kwento ni Rhea sa'min

"Sure na 'yon nag-away sila" sabat ni Seb sa'min

Nag-hahanda kami para sa gera na mangyayari mamaya nang biglang pumasok si Zach.

"Bilisan niyo kilos niyo bawal ang babagal bagal ngayon" utos nito sa'min kaya agad namin ito sinunod

And there ang isang Rheena na naka-upo lang at walang ginawa. Ganyan 'yan pag nag-away sila, she will care less sa group.

"Uno, ano tutunganga ka nalang dito?" tanong ni Zach kaya napatingin kami kay Rheena na wala pa ring ginagawa

Na'ko po, nagkatampuhan pa nga. Ang hirap pa namin makipag-away ng ibang tao knowing may magka-away rin sa tropa namin.

"Rheena kumilos ka na" pabulong na utos ni Chase sakaniya

"Why should I? kaya niyo na 'yan" sabi nito. What the hell? Anong pinag-awayan ng dalawang ito

"Medina, isa pag hindi ka pa kumilos ipapatanggal kita sa grupong ito" seryosong saad ni Zach

Kaya agad na tumayo si Rheena at kumilos na. Not the Rheena we knew. Ang Rheena na kilala ko, palaging energetic, energy ball they say at palaging siya ang nag-reremind na bilisan namin ang kilos

"Alam niyo na, deds tayo mamaya sa gera" natatawang sabi ni Cooper

"Good luck satin" sabi naman ni Maureen

Iniwan ko muna ang iba kong ka-tropa at pinuntahan si Rheena sa kaniyang kwarto.

"Rhee-Rhee ano nangyare?" kalmadong tanong ko dito at niyakap siya

"Ewan ko ba bigla nalang naging cold siya, bigla na lang nagbago pakikitungo niya.. okay naman kami kaninang umaga pero biglang" kwento nito

"Gurl, yaan mo na si Zach probably stressed out 'yon dahil sa biglaang war" sabi ko rito at tumango na lamang siya

Sabay kaming lumabas ng kwarto at naabutan ang ibang mga ka-miyembro. Nag-kumpulan ang mga babae kay Rheena at ang mga lalake naman ay na kay Zach.

Naka-abot narin kami sa meeting room at doon naabutan si Mrs. Garcia.

"Get ready, ang ibang studyante sa paaralang ito ay kasalukuyang nasa kabilang building. Papanoorin nila kung paano kayo makipag-laban"

What the fish? Bakit sila manonood? Ano teh showtime? Kailangan may madlang people ha? Jusko.

Kung kelan naman nag-away yung dalawa. Kung kelan talaga. Hays, Goodluck to us nalang

Troublemakers (Proelium Series #1)Where stories live. Discover now