Chapter 30

34 4 13
                                    

Chapter 30: Melancholic
Rheena's Point Of View

Kakauwi lang namin sa bahay. Ugh, the audacity of that girl. Talagang hindi siya nahiya na sabihin kay tita 'yon.

Umakyat ako patungo ng kwarto namin. Nag-bihis ako ng pang-bahay.

"Rhee, chill lang. Mukha ka pa ring sasabog" sabi ni Frances sa'kin habang sinusuklay ang buhok niya.

"Nang-gigigil pa rin ako. Like, ang kapal ng mukha niya" panimula ni Louissa. "Tapos the part na sinabi niya kay mommy na i-ban tayo" kwento pa nito sabay dabog.

I chuckled. "Nagulat ako sa bankrupt na pala sila. Alam kaya ni Yoshi 'yon?" tanong ko sakanila.

Mau shrugged. "Mukhang hindi rin alam ni Yoshi. Nagulat rin siya sa sinabi ni tita" sagot nito.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nagugutom ako. Nawala lahat ng energy ko simula nung away namin kanina.

Umupo ako sa dining area at nag-simulang kumain. "Asan si Zach?" tanong ko sa mga kalalakihan na busy sa pag-lalaro.

"Ewan namin, pero kanina sabi niya may pupuntahan lang raw siya" sagot ni Kale. Tumango nalang ako bilang sagot.

Sa'n naman kaya 'yon mag-pupunta? Siguro, he's busy with our company.

"Lalim ng iniisip natin ah" asar ni Pierce sabay tabi sa'kin.

He laughed. "Anong iniisip ng Rhee - Rhee namin?" tanong niya sa'kin.

"Wala, kumain ka nalang diyang lalake ka" saad ko at nag-lakad paalis.

Lumabas ako at tumambay sa veranda. Wala, gusto ko lang mag-pahangin.

Naka-upo ako sa isang duyan. "Chill, ang panget mo ma-stress" bungad ng isang lalake sa'kin. Si Chase.

Umupo ito sa tabi ko at inabot sa'kin ang ice cream. "Ano gagawin ko diyan?" tanong ko rito.

"Titigan mo, tignan natin kung di matunaw" sarkastikong sagot nito kaya natawa naman ako.

I pouted. "Thank you, namoo" saad ko at kinuha ang ice cream na dala niya.

He chuckled. "So kamusta naman kayo ni Zach mah fren?" tanong nito sa'kin. Naka-ihip ba 'to ng masamang hangin?

It's chika minute! "Siz, syempre ayos lang kami" sagot ko rito sabay subo ng ice cream.

Tumawa ito ng malakas. Hala, nag-joke ba ako? "Ulol, ayos kayo niyan?" saad nito at tumawa pa ulit.

Maka-ulol wagas ah. Batukan ko kaya 'to?

"So, what's the chika?" tanong nito sa'kin gamit ang pang-baklang boses. Ay, confirmed. Hindi nag-iisa si Cooper.

"Wala ngang chika" sagot ko rito. Ba't ba pinipilit ako nito magkwento?

"Ikaw ata ang may chika eh" saad ko rito na ikinagulat nito.

"H-huh? Wala akong chika Tangi" sagot nito at sumubo ng ice cream. Hay na'ko, nauutal. May chika 'to.

"Na'ko, ikaw talaga may chika eh" sabi nito. Gaga ba 'to? Wala nga eh

"Impossible namang wala, eh diba nakikipag-kita si Zach ngayon kay Chloe?" saad nito. Ha- ano raw?

"Ha?.. "

"Anong ha? Sabi nga niya, alam mo raw eh sinabi daw niya sa'yo. Ilang araw na rin kaya wala minsan si Zach" kwento nito.

Tumulo ang luha ko. "H-hindi mo talaga alam?" tanong nito. Umiling ako at patuloy sa pag-iyak.

Lumapit ito sa'kin at niyakap ako. "Tangi, sorry, sorry. Hindi ko alam" saad nito at pinatahan ako.

"Kailan pa?" tanong ko rito. "Nung.. pinilit niya si Tito na bilhin yung bahay" sagot nito.

Ansakit. Sobrang sakit. "Mahal pa niya siguro no?" saad ko.

"Siguro.. may rason baki-"

"Ano naman 'yon?" tanong ko rito.

Ang sakit. Sa iba ko pa malalaman na nakikipag-kita siya kay Chloe.

"Anong sinabi niya sainyo?" tanong ko pa rito. "Sabi niya, alam mo raw at pumayag ka" sagot nito.

I forced a smile. "Hindi ko alam.. wala akong alam. Ang alam ko lang onti onti na siyang nawawala sa'kin" sagot ko.

Siguro mahal niya pa rin si Chloe. Unsaid feelings.. maybe. Ang sakit. Parang onti onting dinudurog yung puso ko sa mga narinig ko kay Chase.

Yinakap ako ni Chase. "Nandito lang ako Tangi.. nandito lang ako" saad nito. I'm trying my best na wag umiyak sa harap niya.

Ayoko nang bumalik pa sa iyakin kong sarili. Ayoko nang makita nila na nahihirapan ako. Ayoko nang maging...mahina.

"Iiyak mo lang 'yan.. Si Chase 'to. Hindi kita huhusgahan kapag umiyak ka sa harap ko. Si Namoo 'to, kaya kong tanggapin na nahihirapan ka" saad nito at niyakap ako ng mahigpit.

Pinigilan ko pa rin ang iyak ko. "Rhee, ang bestfriend mo 'to. Kahit anong iyak mo ayos lang, kahit anong pakita mo na nasasaktan ka tatanggapin ko kasi ako 'to.. hindi mo kailangan peke-in ang sarili mo sa'kin" saad nito. My tears rolled down my face.

Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Niyakap ko ng mahigpit si Chase at patuloy lang sa pag-iyak.

"Nandito lang ako ha, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa'kin kung di mo na kaya. Sasaluhin ko yung sakit" saad nito kaya mas lalo akong naiyak.

Ansakit. Ang sakit sakit malaman na niloloko nalang pala niya ako. Ang sakit malaman na gusto ko ng ibigay yung mundo ko sakaniya pero hindi pa pala siya naka-alis sa mundo ng iba.

"Tangi, pag-di mo na kaya sabihin mo lang nandito ako. Sasaluhin ko yo-" naputol ang sinasabi ni Chase ng bigla siyang sapakin ni Zach.

"Ano bang problema mo!?" galit na saad ni Chase.

Zach smirked. "Anong problema ko? Anong problema ko? Problema ko, bakit mo nilalandi girlfriend ko" sigae nito kaya nag-puntahan ang iba dito sa veranda.

"Anong nangyayari dito?" tanong nila Mau at halatang nag-aalala sila.

"Here's what's happening! Yang lalakeng 'yan nilalandi lang naman niya ang girlfriend ko" galit na sigaw ni Zach at akmang sasapakin na dapat ulit si Chase ngunit humarang ako dito.

"Tumabi ka" utos nito sa'kin pero hindi ko ito sinunod. "Tumabi ka, Rhee" utos ulit nito sa'kin.

"Fuck you" saad ko at pinag-susuntok siya sa dibdib. "Fuck you" saad ko ulit.

"Zach, ang sakit! Ang sakit sakit! Malalaman ko sa iba na nakipag-kita ka sa ex mo" wika ko na ikinagulat niya.

"Let me.. Let me explain" sagot nito at hinawakan ang kamay ko agad ko naman siyang tinulak palayo.

"Zach, ayoko na. Ayoko na talaga"

"Please Rhee, don't do this. Let me. explain" maka-awa nito at lumuhod pa sa harap ko.

"Please, Rheena let me explain" maka- awa pa rin nito.

Tuloy tuloy nang tumulo ang mga luha ko. Pagod na pagod na ako.

"I'm sorry, let's break up" saad ko at nag-lakad palayo.

Troublemakers (Proelium Series #1)Where stories live. Discover now