Chapter 32

35 4 5
                                    

Chapter 32: When the flowers wilt
Syd's Point Of View

Kakabili ko lang ng pagkain para kay Rheena at para sa iba.

Pag-pasok ko ng kwarto ni Rheena at bumungad sa'kin ang mangiyak-ngiyak na mukha nila Zach at Cooper.

"Anong nangyari? Ba't ganyan mga mukha niyo?" tanong ko sakanila sabay lapag ng mga binili kong pagkain.

Cooper sighed. "Rheena.. nawalan siya ng pulse kanina" sagot nito.

"What? Ayos na ba siya?" tanong ko.

"Sabi ng doctor.. mahina raw ang puso ni Rheena. Anytime daw pwede pa rin siyang mawalan ng pulse" wika nito at naka-titig lang sa kawalan.

Lumapit si Zach sa'kin. "You know what's more painful?" panimula nito

"Watching your loved one lose her life and you're the reason why" saad pa nito.

I know he's in pain too. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyari.

"Ang mas masakit pa, pinapanood ko siyang mawala pero wala akong magawa" dagdag pa nito sabay ang pag-patak ng luha niya.

Zach. Ngayon ko lang nakitang umiyak 'yan. Tinatago niya kasi lahat.

"Rhee please, gumising ka na" maka- awa niya at patuloy pa rin ang pag- tulo ng mga luha niyang minsan lang niyang ipakita.

"Syd, kasalanan ko 'to eh.." wika nito.

"Pre, hindi mo ginusto 'to wag mong sisihin sarili mo" sagot ko rito.

"Pero kung di ko siya sinaktan.. hindi mangyayari 'to" sabi pa niya.

"Ang gago ko, Pinangako ko sakaniyang hindi ko siya sasaktan pero I failed" dagdag pa niya.

Tahimik lang kami ni Cooper, tanging mga hikbi lang ni Zach ang maririnig.

Ilang oras kaming tahimik nang dumating si Chase. "Kamusta siya?" tanong nito sa'kin.

Tumayo si Zach. "Chase, I'm sorry" wika ni Zach. Nilingon siya ni Chase.

"Pre, wag ka sa'kin humingi ng tawad. Sakaniya.." sagot ni Chase sabay turo sa babaeng nakahiga sa kama. Si Rhee.

Chase. Mahal na mahal niya si Rheena. Napaka-importanteng babae ni Rheena para kay Chase.

Sabi nga niya noon panatag na ang loob niya basta alam niyang okay si Rheena at walang nananakit dito.

Kaya siguro ganu'n nalang ang galit ni Chase kanina kay Zach. Nangako si Zach kay Chase na-

"Guys, I have news" bungad ni Abigail sa'min.

"I was in the police station kanina. Binigay nila sa'kin yung phone ni Rheena at yung wallet niya" panimula ni Abigail at nilapag ang gamit ni Rhee.

"Pinakita nila sa'kin yung naka-bangga kay Rhee" kwento nito at pinakita ang pictures.

"Is that a van?" tanong ni Cooper. "Yes, pero hindi ordinaryong van. That van? Sa kumpanya ng mga Bartolome 'yan" sagot nito.

Bartolome?... Chloe..

"That fucking whore!" sigaw ni Chase at napa-suntok sa pader. "I'm sure, inutos 'to ni Chloe" saad ni Cooper.

Nabaling ang atensiyon namin kay Zach. "Do you know something?" tanong ni Abigail dito.

Halata sa mukha niya ang pang-gigil. Sinapak niya ang lamesa. "She said hindi niya na gagawin 'to basta makipagkita ako" galit na saad ni Zach.

Troublemakers (Proelium Series #1)Where stories live. Discover now