Chapter 19

44 9 15
                                    

Chapter 19: (Dis)/Continue
Kenji's Point of View

"Mga kababayan! Tayo na at gumising maliligo pa tayo!" sigaw ni Sab. Kahit kailan talaga ang kulit ng babaeng 'to

"Umagang umaga naka-lunok ng mic" asar ni Kale kaya sinamaan ni Sab ito ng tingin.

Nagising na ang iba. "Ba't ang aga niyo manggising!" reklamo ni Abi

"Ay aba teh! Iwanan ka namin dito usto mo ha!" sarkastikong saad ni Sab

Nag-simula na kaming mag-ayos ng mga sarili, kumain na rin kami.

"Shet! See you all in two months!" saad ni Abi. Akala mo naman di na kami mag-kikita kita.

"Enebe! Minsan na nga lang ako mag- drama dami pa epal! Diba Kenji diba diba" saad nito kaya inaasar ko pa ito lalo.

"Ano lahat na ba kayo handa na?" tanong ni Zach sa'min kaya napatango kami lahat.

Sa isang van kami sasakay, siguro naman kakasya kami lahat do'n. Malaki rin naman ito at maluwag kaya sigurado daw silang mag- kakasya kami.

Papunta kami sa parking at pumasok na sa van. "Laki laki mo Cooper nakiki-siksik ka pa!" asar ko rito kaya agad niya akong naba-tukan

Nag-simula na mag drive ang driver namin. Unang ihahatid ay si Mau, siya kasi ang may pinaka-malapit. Sabi niya ay sa bahay raw ng magulang niya siya ihahatid yun daw kasi ang pinaka-malapit.

Nasa iisang village lang naman kami lahat kaya kahit na walang pasok ay kami pa rin ang mag-kakasama.

"Gagi! Alam niyo ba si Cooper nung inutusan namin na umakyat sa fourth floor natakot!" asar ni Chase. Kasalukuyan kaming nag- aasaran dito.

"Eh pa'no naman kasi! Ako yung bakla ako yung di sinamahan" saad ni Cooper kaya natawa kami lahat.

"Ahh! Cooper! Duwag Duwag!" asar pa ng iba kaya nang-bato na ng unan si Cooper

"Si Rheena naman dami kaaway bigla sinampal yung isang babae" asar ni Zach kay Rheena kaya nasipa siya nito

"Oh! Guys! Bye na bahay na namin 'to kita kita nalang tayo! Alam niyo na saan" saad ni Mau at bumaba na ng van

"Bye Mau mahal kita muah!" saad ni Frances at may pa-finger heart pang nalalaman.

Bahay na ni Sab ang sunod. Kina- kabahan ako. Ang tatay lang ni Sab ang may tanggap sa relasyon namin pero her mom? she hates me.

Sa tingin niya daw ay ako ang sisira sa mga pangarap ni Sabrina. Hindi daw ako ang gusto niya para sa anak niya.

"Kenj, ready ka na?" tanong ni Sab at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ako bilang sagot ko.

"Bye Saba! Bye Kenjirolls! Kabahan ka na Kenjirolls!" asar nila at tuluyan na kaming bumaba ng van

Lahat kami sa tropa ay anak ng mga kilalang company owners. Galing kami sa mayayaman na pamilya and after we graduate kami na ang mag- hahandle ng mga kumpanya.

"Tara Kenj" saad nito sabay hila sa'kin papasok ng bahay nila

"Ma! Pa!" saad nito pero bumungad sa'min ang batang kapatid ni Sab.. si Andrei.

"Ate! Ba't ang aga ata ng balik mo ngayon?" tanong nito kay Sab

"I'll explain later Drei. Asan sila Mommy?" tanong nito. Tinuro naman ni Andrei ang papunta sa dining area nila Sab

"Kuya Kenj!" bati nito sabay apir sa'kin. This kiddo! Mabait 'tong batang 'to.

Pumunta kami sa dining area and du'n nakita ko sila Tita. Bakas sa mukha nila ang pagka-gulat. They didn't expect na maaga ang uwi namin ngayon.

Minsan kasi umaabot ng one year bago kami umuwi sa mga bahay namin. Except for sembreaks du'n lamang kami nakakauwi.

"Hija, bakit ang aga ninyo?" tanong ng Papa ni Sab kaya nag-lakad kami palapit rito at nag-mano

Natatakot ako. Mag-mamano ba ako sa nanay niya? Alam ko kung gaano ka-galit ang nanay niya sa'kin.

"Tita.. " saad ko at akmang mag- mamano. Tinanggap naman niya ito

"Hijo, nice to see you here" saad niya

Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging pakikitungo niya sa'kin ngayon.

"Pa! Ma! Can Kenji stay here hanggang sa mag-ka pasok na?" paki- usap ni Sabrina sakanila

"Sure Hija" saad ng Papa niya. Hindi na lamang sumagot ang kaniyang Nanay.

"Tara Kenj, akyat tayo" yaya ni Sab sa'kin at hinila ako patungo sa kwarto niya

Nag-pahinga muna kami, Malaki naman ang kama kaya kasya kaming dalawa rito.

We we're talking hanggang sa kumatok ang nanay niya. "Sab, can I talk to you for a minute" saad nito kaya agad na lumapit si Sab dito.

Nasa labas lang sila ng pintuan kaya nag-kunwari akong mag-babanyo, Malapit kasi ito sa entrance door ng kwarto ni Sab.

Sinara ko ang pintuan ng banyo at nakinig sa kanilang pag-uusap.

"Pinag-sabihan na kita ng ilang beses! Hiwalayan mo na ang lalaking 'yan. Hindi ka talaga natututo no?" saad ng Nanay niya. I knew it. Nothing will changed. Ayaw pa rin niya sa'kin

"Ma, mahal ko si Kenj. Bakit ba hindi mo nalang tanggapin 'yon" sagot nito

"Sabrina wake up! Hindi ka mapapa -kain ng pag-mamahal lang! Hindi ka mabubuhay ng puso lang ang ginagamit!" galit na saad ng nanay niya

"Ma, perahan nalang palagi? I know Kenji madaming pangarap 'yan! Kahit na ayaw na sakaniya ng papa niya mag-tatrabaho pa rin siya for our future" ani nito

"Sabrina, hindi kita pina-laki ng ganyan. How dare you sagut sagutin lang ako" saad ng mama niya

"Ma, let me remind you. Hindi naman ikaw ang nag-palaki sa'kin. Remember iniwan mo ako para sa career mo and I don't want to be like you na dinadaan lang sa pera ang lahat" sagot ni Sabrina. Narinig ko ang malakas na tunog ng sampal.

"Then choose. Makikipag- hiwlay ka at pipilin mo ang pamilya natin, the company, your brother o itutuloy mo ang relasyon mo with that guy na sisirain lang ang kinabukasan mo?" tanong nito kay Sab. Shit, Sabrina please wag mo akong piliin. Kinabukasan mo ang naka-salalay dito.

"I'm telling you Sabrina. Pag pinili mo ang lalaking 'yon tuluyan kang aalis sa pamamahay na'to" dagdag pa nito

"Then I'll choose Kenji" sagot nito. Sabrina bakit? Yung kinabukasan mo

Nagulat ako ng narinig ko ang pag- sara ng pintuan. Baka si Sab 'yon. Lumabas na ako ng banyo.

"Pinili mo nalang sana yung kumpanya niyo instead of me" sabi lo rito

"Kenj, you know me. Kahit anong mangyari ayokong mabuhay na naka- sunod lang sa utos ng magulang" sagot nito sa'kin at ngumiti ng mapait

"Pati.. I want to continue our relationship. Mahal kita alam mo 'yon" dagdag pa niya. I'm lucky to have her.

Ngayon ko lang naranasan na ako naman ang piliin at kampihan. Mismong sa magulang ko hindi ko naranasan 'yon. I'm lucky to have her as my girl.

Troublemakers (Proelium Series #1)Where stories live. Discover now