Chapter 3

57 10 12
                                    

Chapter 3: Night Wars
Rhea's Point of View

"Uno, please stand up" utos ni Mrs. Garcia. Agad namang tumayo si Rheena

"Sino ang ilalaban mo sa una?" tanong  nito

"Plano ko po sana na si Frances, Kenji, Cooper, Chase at ako ang-" naputol ang sinasabi ni Rheena ng sumabat si Zach rito

"Hindi ka sasali d'yan" seryosong sabat nito. Sus, kunware seryoso pero sinabi niya 'yon para protektahan si Rheena. Na'ko na'ko bulok na da moves mo pre

"Maganda ang iyong plano" sabi naman ni Mrs. Garcia

"Ipapasok niyo sa unang round ang Uno? Palitan nalang po at gawing si Kale ang nasa una" suhestiyon nito

"Kung wala si Kale walang mag-papatahimik sa grupo na ito, isipin mo lang naman" sagot naman ni Rheena

"Ako ang Commander, ako ang masusunod. Sa ayaw at sa gusto mo hindi ka ipapasok sa unang round" sambit nito. Na'ko po, I smell away.

Umupo na lamang si Rheena. Naka-simangot na naman ang bata

Patay na talaga mamayang laro. Well, actually hindi naman talaga gera 'yon isa yung laro kung saan tatalunin namin ang iba't ibang eskwelahan. May Apat na round ang larong iyon sa apat na round ay dapat mag-palit ng ipapasok sa laro kung hindi ay may rules kami nilabag.

Once a month lang naman nagaganap ang night wars. Minsan nga ay kina-cancel ang larong ito dahil kailangan ng ensayo.

Nag-chichikahan na lamang kami nila Ces rito ng marinig namin ang siren. It means sisimulan na ang laro

Inuna nilang pinasok si Kale, Chase, Ces, Syd at Abi. Ang tatlong lookout ay pumwesto na. Ang mga hackers ay pumwesto na rin. Nag-bigay na ng mga gamot sila Seb.. at doon nagsimula na ang laro

Tunog ng mga baril, pana at kutsilyo ang tanging naririnig namin.

"Kiefer please pick up" maka-awang sambit ni Rhianna. She's a communicator that's her job

"Kiefer, 26708 first code" sambit nito at doon nabuksan na ni Ces ang unang pinto. Matagal ang unang round, natagalan sila sa pagbubukas ng mga pintuan.

"Naks nalaman na ata nila technique natin sa mga pinto" saad ni Cooper

Napatingin ako kay Rheena at 'yon tahimik lang talaga ang bata. Tumabi ako sakaniya at inakbayan ito.

"Rheena kailangan mong pumasok!!" sigaw nila Mau. Anong nangyari?

"Isheya at Rhea pumasok na kayo sa pangalawang laro" utos nila sa'min

"Hindi ipapasok si Rheena" sabat ni Zach, Jusko. Ano na naman ba meron?

"Zach, please nawalan na tayo ng ace sa pag pana. Kailangan na tin sila Rheena" maka-awa nila Mau

"Pag-sinabi kong hindi, hi-"

"Papasok ako" sagot ni Rheena at kinuha na ang pana niya pati narin ang mga baril na ace siya.

"Kung papasok siya, ipasok niyo na rin ako" saad ni Zach. The Heck? ano ba Zach nababaliw na ba 'to?

"Zach alam mong labag sa rules na pagsamahin ang mga mataas sa isang round" paalala ni Issae

Isang rule sa larong ito, bawal ipasok sa isang laro o round ang limang may pinaka may mataas na posisyon sa amin. Bawal sila mag-laro ng sabay kung hindi mababawasan kami ng points.

"Hayaan niyo siya trip niya 'yan" dagdag naman ni Seb. Ofcourse, kakampihan niya 'yan si Zach

Pumasok kaming tatlo sa second round, Lima silang nandito na matataas ang posisyon. Tumunog ang siren at dineklara na may bawas kami ng puntos.

Ito na nga bang sinasabi ko! I knew it, dapat nag-bati muna ang dalawang ito bago kami sumabak sa isang gulo.

Nag-simula akong mamana, natamaan ko ng maayos ang mga target ngunit itong si Rheena parang wala sa katinuan.

"Rheena Isheya Medina! Gumalaw ka" sigaw nila Kale sakaniya kaya nagulat ito at namana na rin

Na'ko naman, wala sa katinuan ang ace ng archery jusko! Rheena please gumalaw ka na.

"Rheena gising hindi na 'to practice laro na 'to! Gumalaw ka" sigaw ni Chase at doon nabuhau ang diwa ni ate mo gurl nagsimula na itong gumalaw.

Nabuksan na rin namin ang ibang code ngunit nahirapan kami sa dalawang pinto, ito nalang ang kulang  namin. Hindi namin ito mapuntahan dahil naka-bantay ang mga kalaban

"One wrong move, mapapatay tayo dito" saad ni Zach, na may hawak na baril

"Ito nalang gawin na-" hindi natapos ang sasabihin ko ng tumakbo si Rheena at Chase papunta sa pangalawang pinto

Anong problema ng mga 'to? Paktay na naman kay Commander mamaya.
Infairness, nabuksan nila ang pinto ngunit na tamaan ng pana si Kale.

"Kale Anthony S. Mendoza, Eliminated" announce nila

Hindi po mamatay si Kale ha, kalma mga pre. Pag-inannounce na eliminated ka ibig sabihin no'n ay natamaan siya ng kung ano.

Tumatakbo lang ako ng tumatakbo ng matamaan ang ng baril. Oh what the freckles! Natamaan ang ate niyo gurl

"It's elimination time" pabiro kong saad kaya pinakyu ako nila Frances

"Louissa Rhea B. Castillo, Eliminated" saad ng announcer. Edi wow, eliminated pa nga! Na'ko naman

Bumalik ako sa Room kung saan nandoon ang tropa ko. Pagod na pagod katawan ko. Para akong nag-temple run ng hindi ready.

"Nice one Rheang" asar ni Mau sa'kin. Rheang tawag nila sa'kin minsan. Pang-asar gano'n

Na-eliminate na rin si Chase at Frances. That means si Rhee at Zach nalang ang natitira. Jusko, yung dalawa pa po yung tinira niyo.

"Nag-aaway yung dalawa do'n mga pre. Todo sagutan" kwento ni Ces sa'min

Tinignan ko sila Rhee at yun na nga nag-tatalo nga yung dalawa. 1 minute nalang kailangan na nilang makuha iyon. Ang sabi sa'min dalawang round daw muna ang laro ngayon. Kailangan nila manalo kundi patay mamaya

"Rhee kunin mo na!" utos ni Chase ngunit nag tatalo parin ang dalawa

"Zach, ano ba kunin niyo na" galit na saad ni Seb

Tumakbo si Rheena at kinuha ito ngunit na-agaw ito ng kalaban kaya 'yon natalo kami. Hays, na'ko naman

Umakyat sila Rheena dito na nag-sasagutan pa rin

"Kung kinuha mo sana mananalo tayo, Andami mo kasing arte" sigaw ni Rheena. Galit na galit ang ate niyo

"Ako pang maarte sino kaya yung pumasok sa laro na di naman gumagalaw" sagot pabalik ni Zach

Hala ka siya, ito ata yung totoong gulo.

"Gumalaw ako Zach, nakakairita ka na. Puro ka reklamo, ikaw ang nag-inarte diyan" sagot ni Rheena

Para kaming nanonood ng live trashtalkan dito mga pre

"Kung inayos mo-"

"Tumigil kayong dalawa!" sigaw ni Mrs. Garcia sakanila. Na'ko po nakisali pa tong isang 'to. Usto mo ren away ha

"Kasalanan niyong pareho 'yan" saad nito

"Alam niyong may laro ngayon tapos mag-aaway kayo. Kayong dalawa wag niyong sinasama ang mga problema niyo sa isa't isa sa laro. Your wasting our time. Napahiya ang school natin" sermon nito. Mama is dat u?

"I want the both of you in my office tomorrow" dagdag pa nito

I have this feeling na mapapunish yang dalawang 'yan. Nak ng tinola, mas pinalala pa yung problema eh.

Troublemakers (Proelium Series #1)Where stories live. Discover now