Chapter 28

15 4 11
                                    

Chapter 28: First Track
Sabrina's Point Of View

I'm currently in my room. Nag-aayos ako ng mga damit na dadalhin ko.

"So you're really leaving?" tanong ni Papa sa'kin.

I smiled. "Dad, titira lang naman kami sa iisang bahay" sagot ko dito.

"Anak, hindi ba pwede mag-meeting nalang kayo sa isang lugar? Kila Rhee?" tanong nito.

Si Papa talaga ang kasundo ko palagi. Hindi siya kasing controlling ni Mommy. Pinapayagan niya ako sa kung anong gusto ko as long as tama.

"Huh, so pumayag ka talagang ituloy ng anak mo yang gang na 'yan?" sabat ni Mommy. Here we go again.

I sighed. "Itutuloy ko po yon" sagot ko

"Hayaan mo na ang anak mo. Alam niya na ang ginagawa niya" sabi ni Papa at tinulungan ako sa pag-iimpake.

"Sige, palakihin mo ng ganyan yang anak mo" saad ni Mama at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Wala si Kenji ngayon, nauna siya sa biniling bahay. Si Zach ang rason bakit nabili ang bahay.

Pinilit ni Zach si Tito Luisito na bilhin ang isang bahay malapit sa bahay nila Chase.

Hindi ko alam kung pa'no napilit ni Zach si Tito. Last week lang, mainit pa ang dugo ni Tito dito.

Dinala ko ang iba kong bagahe, nilakad ko nalang ang bahay. Malapit lapit rin naman ito sa'min.

Ilang minuto rin ng pag-lalakad ay nakarating na ako sa bahay. "Aba, ang Sabrina hindi nag-kotse" asar ni Cooper.

"Asan bebe mo mah fren?" tanong ni Ces sa'kin. "Huh? Hindi ba nauna siya dito?" tanong ko pero umiling lang ito.

"Walang anino ni Kenjirolls dito" sagot nito at pinag-patuloy ang pag-aayos ng kaniyang gamit.

"Rhee, si Zach?" tanong ko rito. "Hindi ko alam eh. Sabi niya babalik rin daw siya agad" sagot nito.

Inayos ko na ang gamit ko. Nahati kami sa apat na grupo. Seven kami kada kwarto. Sa kwarto namin walo kami na mag-kakasama.

Makakasama ko sina Rheena, Ces, Issa, Gab, Abi, Rhiana at Mau. Actually, bet ko tong hatian na 'to. Sila ang pinaka close ko sa tropa.

Pumasok ako sa kwarto namin. "Akala ko pang walo lang 'to? Kasya na ata tayong lahat sa iisang kwarto na 'to" saad ko. Is this even a bedroom?

"Girl, balik mafia na tayo. Madami daming ayos sa sarili na naman 'to" saad ni Maureen.

Pagkatapos kasi ng mga taon na kinalimutan namin ang mafia na'to ay kinalimutan na rin namin ang pag-aayos. Nawala na ata sa vocabulary namin ang salitang 'Shopping' 'Make-Overs' 'Fashion'.

"I think, mas maganda na ibalik natin ang noon. Alagaan natin ang sarili natin" saad ko. "So ano girls? Yayain natin sila mamaya. Let's go shopping" yaya ni Frances.

"Let's go to my mother's boutique" saad ni Issa. I remembered, nasa fashion industry nga pala ang nanay ni Issa.

Lumabas ako ng kwarto. "Guys, shopping daw tayo mamaya" yaya ko sakanila.

"I guess, your past selves are back" pabirong saad ni Seb

"First track, fix ourselves and be a bad bitch like before" saad ng isang babae. Napatingin kami sa direksyon nito.

"Oh my Gosh! Is this for real?" gulat kong saad. "Scar! Nakabalik ka na" sigaw ni Rheena at yinakap ang bestfriend niya.

Scarlette? She's Rheena's bestfriend. More like kambal na ang dalawang 'yan dahil may pag-kahawig talaga silang dalawa.

"Gaga ka, Isheya! Hindi ako namatay ate gurl! Ikaw papatay sa'kin pag di ka bumitaw" saad nito kaya agad na napabitaw si Rheena dito.

"Ano guys? Tara na ba? Let's go shopping" yaya nito sa'min. Onti onti na kaming nabubuo.

"Oops, tampo na ako hindi niyo ako niyaya" sabat ng isang lalake. Fuck, si Pierce. Ang saya ko!

"Fucking shit! Pierce!" sigaw ni Kenji at niyakap ito. Na'ko po, non-stop kalokohan na naman ito.

Umupo muna kami sa living room area at nag-usap usap. "So did you guys miss me?" bungad ng isang babae.

"Pau! Pauleen!" sigaw namin at niyakap ito. Fuck, onti onting nakukumpleto ang mga bitchesa ng grupo.

Tristan chuckled. "Kung umuwi sila? Edi si Caelum rin?" saad nito.

"Oops, ehem ex! Ehem Louissa" asar ni Ces na ikinatawa ko.

Nag-kwentuhan lang kami ng may biglang magsalita. "Hi Guys, kamusta kayo?" bungad ng isang lalake. Si Caelum.

"Oh no, speaking of the ekss.. ekis" bulong ni Kenji. "Yow! Caelum! We missed you" saad ni Zach at nag-fist bump sila.

Natawa si Ces. "What's with the awkwardness here?" pabiro nitong saad.

"Tara na guys! Shopping na! Change for the better" dagdag pa ni Ces at pumalakpak pa.

Umakyat kami sa mga kwarto namin. Nag-ayos kami at nag-palit ng damit.

"I guess, hindi ko na kakailanganin ang iba kong damit dito" bulong ko sa sarili ko.

"Kakaiba yon, nabuo ang mga bitchesa ng grupo" saad ni Chase. There talking about us. Bitchesa kami ng mga grupo. Buong babae.

Yes, bitchesa ibig sabihin we're war freaks. You read it right and I think, mababalik na ulit kami noon.

"Heels, red lipsticks, dresses, showy clothes. Mababalik na ulit satin 'yon" saad ni Mau. "More decent please, ayusin na natin 'to" sagot naman ni Rhee.

"Okay okay, basta maayos sarili natin" saad ni Maureen. "So Louissa, what's the tea?" tanong ko rito.

Tumigil siya sa pag-aayos ng gamit niya. "What tea? Wala naman ah" sagot nito. Rhee chuckled. "Kaya pala tahimik kanina" wika nito.

"Ano ba sa tingin niyo dapat kong gawin? I-welcome siya?" sarkastikong saad ni Issa. "Dapat nag-pagawa ka ng bandila! 'Siya nga po pala yung nang-iwan sa'kin" pabirong saad ni Rhee.

"Pero seryoso? Wala na bang chance na magka-"

"Seriously, pag-uusapan talaga natin 'to ngayon? I'm actually not interested about him anymore" sagot ni Issa. "Sabi ko nga di na itatanong" sagot ko rito.

"Girls, tara na" tawag sa'min ni Kiefer.

Lalabas na kami ng kwarto. "Here's the tea. After months of silence, we talked again, kinamusta niya ako, kinamusta ko rin siya" wika ni Issa.

"Yes, nag-usap kami but in a polite way. Just like what strangers do" sabi nito at lumabas na ng kwarto.

She's not okay. Louissa is not okay.

Troublemakers (Proelium Series #1)Where stories live. Discover now