Kabanata 19

281 50 59
                                    

Kabanata 19

Relationship

Elliot and I arranged a dinner for both of our families. Agad namang pina-anyayahan iyon ni Mom and Dad. Ganoon din nila Senyora. May isang linggo na nang maging official kami ni Elliot at ngayon pa lamang namin naisipan na sabihin iyon kina Mom. Kahit kay Bela ay hindi ko pa nasasabi. Siguro bukas na lamang.

"I'm nervous," Pag-amin ko sa nararamdaman kanina pa.

Nandito kami sa restaurant nila sa BGC, naghihintay na lamang sa pagdating nila Mom. Hindi na rin ako mapakali kahit pa ilang beses nang sinabi sa akin ni Elliot na hindi dapat ako kabahan. Ewan ko. Kahit naman ilang beses na rin sinabi sa akin nila Senyora kung gaano nila ako kagusto para kay Elliot, kinakabahan at hindi pa rin ako mapakali ngayon.

Nakita ko ang pagdating nila Mom kaya napatayo agad ako. Lumapit ako sa kanila para bigyan sila ng halik sa pisngI. Binati rin sila ni Elliot. Sumunod rin agad sila Senyora.

"Biglaan ito, ah. It must be important?" Si Senyora.

We started eating. Napatingin ako kay Elliot nang itanong iyon ni Senyora sa amin. Tumango siya sa akin na ibig sabihin ay siya na ang bahalang magsalita.

"Kami na po ni Xylia."

I closed my eyes so I could not see their reaction. Walang nagsalita kaya naisipan kong magmulat ng mata. Ako pa ata ang nagulat nang makita ko ang reaksyon nila.

They are all smiling at us. Walang bakas ng pagtutol o pagkabigla sa nasabi. Natutuwa pa nga ang kanilang mga reaksyon.

"We are happy for the both of you. Will love stays in your heart."

Natapos ang dinner namin at ang tanging pinag-usapan ay ang tungkol sa amin ni Elliot. Napaka-advance pa nilang mag-isip dahil pinagiisipan na agad nila ang kasal.

Hindi ko alam pero hindi ako naging komportable na iyon ang naging usapan nila. I'm not ready yet. Wala pa akong nakakamit sa mga pangarap ko. Ayaw ko pang mag-commit nang gano'n. Kay Elliot, siguro ay ayos na. Kasi marami na siyang narating ngayon. Baka nga pagkatapos niyang mag Architecture ay gusto na niyang mag-asawa.

"Bela, kami na."

Nanlaki agad ang mga mata ni Bela sa akin ngunit ngumisi rin naman kalaunan. Tumabi siya sa akin.

"Dapat pinaupo mo muna ako bago mo sinabi! Tapos straight to the point pa, dios ko!"

Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Buti nga at sinabi ko."

Inirapan niya ako. "Kagabi lang ba?"

Umiling ako. "May isang linggo na."

"What? Tapos ngayon mo lang sinabi? Nakakapagtampo."

"Ang OA. Kagabi lang rin nalaman nila Mom."

Dahil doon ay hindi niya ako pinansin. Kinakausap ko siya kanina pa pero dedma lamang ako. Hindi ko na rin naman siya kinulit.

Nagulat ako nang magsalita siya. "Tara na sa cafeteria."

Natigilan siya nang maalala na hindi niya nga ako pinapansin kanina. Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa naging reaksyon niya.

"Galit ka pa?" pang aasar ko sa kaniya.

"Whatever!" Sabay hila sa akin palabas ng room.

Tinawag pa kami ni Luke para hintayin siya. Binilisan naman ni Bela ang paghigit sa akin kaya halos tumakbo na si Luke para lamang maabutan kami.

"Sorry kasi hindi ko kaagad sinabi sa'yo."

Kaibigan ko si Bela. May karapatan din naman siya na malaman ang ganoong bagay. Dapat ay hindi ko sinekreto sa kaniya. Pero hindi ko naman masisi ang sarili ko na gawin iyon. Hindi ko alam pero feeling ko kapag may pinagsabihan ako, malalaman ng lahat.

Fallen with a Glimpse (Lost In Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon