Kabanata 25

277 38 41
                                    

Kabanata 25

Event

"Nage-exercise ka ba?" tanong ni Bela sakin at tinuro-turo pa ang katawan ko.

"Oo nga! Grabe na ang curves mo! Your breasts and ass, naglift!" lasing nasabi ni Eunice at hinawakan ang boobs ko.

Napasigaw ako sa ginawa niya. Si Bela naman ay hinawakan ang pwet ko. Nahiya tuloy ako dahil sa dalawang ito, kung ano-ano na lamang ang hinahawakan sa akin.

"Nadaig mo pa itong si Eunice na model sa ganda ng hubog ng katawan mo!"

Hindi ako sumagot roon. Si Luke naman ay sinaway ang kaniyang asawa. Halos wala pa ngang kalahati sa order nila ang naiinom namin pero heto sila at iba na ang nagagawa. Lasing na lasing na rin.

Sa huli ay pinabayaan na lamang ni Luke ang asawa niya. Si Eunice naman ay kausap ang fiancee niya sa telepono.

"Hindi nasayang ang ginawa mo noon. Natupad mo na ang pangarap mo," biglang sabi sa akin ni Luke.

Tinignan ko siya sabay inom ng alak. "Thank you for helping me."

Inalalayan niya ang asawang gumigiling na sa tabi niya. Natawa ako dahil nagalit pa si Bela sa paghawak sa kaniya ng asawa niya. Napakamot naman ng ulo si Luke.

"Buti at naisipan mong balikan iyang kaibigan ko?"

Simula pa lamang nang mag-asaran sila, alam kong may something na sa kanila. Saka ko lamang na naging sila noong umalis itong si Luke at sa ibang bansa nagpatuloy sa pag-aaral.

"Mahal ko, e. Kapag mahal mo, babalikan mo talaga."

"Hindi rin. May pagkakataon na hindi mo na pwedeng balikan kahit mahal na mahal mo."

Tumawa siya. "Parang ikaw? Kahit mahal mo, hindi mo binalikan?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Mahal ko nga, mahal ba ko?"

Malinaw na sa akin na kasinungalingan lamang ang pagmamahal niya. Wala akong kaalam-alam kung bakit niya gagawin iyon sa akin. Sapat ba ang rason na naging rude ang trato ko sa kaniya noong una kaming magkita?

"Sinubukan mo bang balikan siya?"

Nang talikuran at palayain niya ako, sinubukan kong alisin sa'king isipan ang nangyari sa amin. Ang pagkabaliw ko sa kaniya. Nang marinig ko sa huling tawag niya sa akin na may kasama siyang babae, buo na ang desisyon ko na huwag nang bumalik pa, na palayain na lang rin siya... na kalimutan na.

However, I don't think I've already forgotten that. Sa sampung taon kong walang balita at hindi siya nakikita, alam ko na ang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi ko nagawang bitawan. Hindi ito nawala sa puso ko.

"Nagka-usap ba kayo? Closure, gano'n?"

"Noong pinalaya niya ako. Iyon ang huling pag-uusap namin."

Natahimik naman siya roon at muling hinawakan ang nagsisimula na namang gumiling na si Bela. Mahigpit siyang hinawakan ni Luke kaya natigil siya.

"Kagaya mo... naging pokus din iyon sa pag-aaral ng Architecture. Alam mo bang hindi siya nakapasa noong second sem tapos nagtuloy-tuloy? Buti na lamang at nabawi rin."

Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ko inaasahan na maaari palang magkamali ang isang Elliot. Wala ata sa bokabularyo niya ang pag-aaksaya ng oras.

Well, siguro noong naging kami, inaksaya niya ang oras para saktan ako.

"Mas nag-pokus naman siya ngayon sa kompanya nila. Ang balita pa noon, marami ang ipinagkasundo sa kaniya pero tumatanggi siya."

Pumikit ako dahil hindi pa ako handang makinig sa mga bagay na may kinalaman sa kaniya. Nasasaktan pa rin ako at lalo lang ulit nadudurog ang durog ng puso.

Fallen with a Glimpse (Lost In Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon