Kabanata 21

323 47 41
                                    

Kabanata 21

Last

"We will go on a vacation. Your dad suggested that we can go on your private island in Batangas," sabi ni Elliot sa akin at ngumiti.

I shrugged all of my thoughts then smiled at him. "Talaga ba?"

I know, medyo weird ang naging tono ko roon. Hindi ako excited. Kasi paano ba ako magiging excited kung may bumabagabag sa puso ko? Sa isip ko?

"Unluckily, we can't go to your Lola's house to see Eunice. But we can contact her when we went there."

Tumango ako. Naging masaya kahit papano nang malaman na makakausap ko si Eunice.

"I'll prepare my things, then."

I tried so hard to sound energetic and excited. Buti na lamang ay hindi niya napansin ang pagpilit ko sa sarili na maging masaya. Kalaunan, umalis na rin sila nila Senyora.

As what I told him, I prepare my things for our vacation. Kinausap nga ako roon nila Mom at bukas na nga kami aalis. Ang sabi pa, e, nagleave muna si Elliot at si Tito Renalto na muna ang mamamahala roon.

"Anak, may I ask you something?" si Mom na nagpa-iwan at nano-nood sa akin sa pag-aayos ko ng gamit.

Kinabahan ako. It may be about the engagement or kasunduan na gagawin kapag naging eighteen na ako.

"Do you agree with marriage for convenience? Or marriage for business."

Hindi ako sure kung iyon nga iyon pero kung iisiping mabuti, parang iyon na nga.

"Honestly, I agree with that. Basta lamang po... magagawa pa rin nila na maabot ang pangarap nila. Or hindi pa masyado silang bata."

Tumango-tango si Mom sa sinagot ko. "What if your dad and his business partner offer you that? Magagalit ka ba sa daddy mo?"

Pinagpawisan ako sa tinanong ni Mom sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita kaya nabalot kami ng katahimikan habang tumitingin lamang sa isa't isa.

Hindi ko naman sinabi na hindi ko iyon gagawin o tatanggihan. It's the Del Fuente, by the way. Hindi ko tatanggihan iyon basta bibigyan nila ako ng freedom to reach my dreams. Hayaan muna nila na maging successful akong tao bago ang kasal.

However, on the other hand, Elliot doesn't want to marry me. Kahit pa tradisyon na ng pamilya nila ang ganoon. Malinaw sa akin na ayaw niya... ayaw niyang magpakasal sa akin.

Bumalik na naman ang pagkapait sa puso ko. Unti-unti na namang nadudurog at sobra akong nasasaktan. Nag-iwas ako ng tingin kay Mom.

"If I will be a help for Dad, and if that will make both of you happy, I'll do it," sabi ko kay Mom habang pinapagpatuloy ang pag-aayos ng gamit habang nakatalikod kay Mom. "Pero hindi muna ngayon, Mom. Gusto kong matagumpay na ako bago ako magpakasal."

"What if it's really needs to be rushed? When you turned eighteen?"

Huminga ako nang malalim. Malinaw ko naman na sinabi kay Mom na hindi ako papayag kapag hindi pa ako matagumpay ay hindi pa ako magpapakasal. Marami pa akong pangarap at gusto kong lahat ng iyon ay makamit ko. Para akong isang madilim na gabi na walang bituin kapag hindi ko makamit ang mga pangarap ko. My dreams keep me moving and inspired me to do what everything I wanted to do.

"Mom, ayoko."

Hindi na nagsalita si Mom. Tahimik na lamang niya akong tinitignan na mag-ayos. Kalaunan, lumapit siya at tumulong na rin. Hindi naman ganoon karami ang dala ko pero matagal ko itong naayos.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Mom sa buhok ko. When I looked at her, her face with a smile welcomed me. Maliit lamang ang sinukli kong ngiti sa kaniya.

Fallen with a Glimpse (Lost In Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon