C h a p t e r T h r e e

149 103 25
                                    

Goiteia University
Written by: Javamagooo

Chapter three

"Ano bang mangyayari sa loob ng Battle Area?" Tukoy ko sa event na mangyayari bukas.

"Sa katunayan, Sa Entrance Exam bawal pa ang magic doon. Sa madaling salita Physical Strength niyo ang gagamitin pang laban" Bukas na ang magaganap na Entrance Exam pero wala pa kaming idea kung ano talaga ang gagawin namin para makakuha ng mataas na points.


"Paano yan? Wala naman akong alam sa physical strength keme keme na yan. Bulakbol lang naman ginagawa ko e" Pag aamin ni Sav habang umaakyat ng puno. Nandito kami ngayon sa Garden ng University at nagpapahangin. Balak kasi kaming turuan ni Callies ng unting nalalaman niya para makakuha kami ng sapat na point "Hay nako mukhang mahihirapan kami unang araw palang" bulong ko sa aking sarili. Di naman namin akalain na kapag hindi ka pala nakakuha ng sapat na points ay mapapalabas ka ng University at next month kapa ulit makaka pagtake ng special Entrance Exam.

"Actually yung pagiging aggressive or marahas na kilos pwede mo yan gamitin pang laban. Sa pagiging aggressive kasi paa ang madalas gumagalaw sa katawan natin at sense of direction. If malakas ang physical strength mo pwede yan ang gamitin mo pang laban para ma-take advantages mo yung kahinaan ng kalaban maganda din gamitin ito dahil unpredictable ang bawat galaw mo sumabay kalang sa lakas ng katawan mo masisira mo ang strategy ng kalaban dahil sa mabilis na pag atake" Pag explain ni Callies kay Sav habang hinihila niya ang paa ni Sav pababa sa puno.

"Potek! Bitawan moko!" Sigaw ni Sav habang sinisipa niya si Callies.

"Wag ka ngang magulo, Sav! Pag ikaw na laglag dyan di ka namin tutulungan" Pagbabanta ko.

"Eto na nga e" Agad naman bumaba si Sav sabay suntok sa balikat ni Callies pero inilagan lang ito ni Callies.

"Oh paano naman ikaw, Ayveri? Ano satingin mo ang pwede mo ipang laban bukas?" Hindi ko naman alam kung anong kaya kong gamitin kasi di niya sinasabi kung sino o ano ang kakalabanin namin.

"Hmm, Wala?" Sagot ko sabay upo sa malaking ugat ng puno.

"Weh! Wag ka maniwala dyan, Callies! Yan pa? E tuwing hapon nakikipag hand to hand combat yan doon sa palengke. Meron kasi doon na parang palaro, buong katawan ang kailangan gamitin. Wrestling parang ganon" Epal talaga to si Sav gawin daw ba akong basagulera.

"Ay weh? Bakit? Paraan saan?" Tanong ni Callies na mukha interesado.

"Wala lang trip niya lang. Abnoy yan e, na bo-bored raw kasi sa bahay nila kaya ayun nakikipag wrestling sa mga addic sa palengke" Gatong ni Sav habang ngi-ngisi ngisi.

"Alam mo Sav? Ang daldal mo" Ngiting aso kong sabi habang kinukurot yung tagiliran niya.

"A-aray! T-teka Ayve!" Papatayin ko talaga to'!

Naki awat naman tong si Callies sa pag kurot ko kay Sav kaya lalo nag sisi-sigaw tong si Sav, napa tigil lang kami ng may biglang may naramdaman akong mainit sa daliri ko. Napa aray na lang ako sa hapdi at hindi ko alam kung bakit at sino ang gumawa nun.

"Will the three of you shut the fuck up?! Lalo ka na! Ang ingay ingay mo!" Tukoy nito kay Sav na mukhang naiiyak yata.

"Edi takpan mo yang tenga mo at hindi mo kami marinig! Dami mong dada!" Sigaw ko rito at napaisip ako tutal siya lang din naman ang may galit na galit ngayon, mukha siya ang gumawa ng paso sa daliri ko "Hoy ikaw din ba may kagagawan nito?!" Halata namang sa kanya nag mula yung apoy! Bakit ako pa pinaso niya? Ako ba yung nag si-sigaw?!

Goiteia University (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon