C h a p t e r F o u r

126 94 19
                                    

Goiteia University
Written by: Javamagooo

Chapter Four

(Note: Matured content‼️May mga patayan kasi at mga 'di kaaya-ayang way ng pag patay kaya. Matured Content.)

Sa pag-tago ko sa malaking puno nakita ko agad kung saan patungo ang isang monster na malaki sakin konti. Ang balat niya ay maihahawig sa balat ng porcupine madami siyang spike sa likod, may mga maiitim na mata at nangingilaw na ngipin. A Level 2 monter with 20 points?Not bad.

Napansin ko na sinu-sundan niya ang isang babaeng hindi ata alam kung saan tutungo, hindi na muna ako sumugod at nag hintay lamang ng tamang oras para sumugod. Napansin ko na may papalapit na isang halimaw pa mula sa north side niya. Isang half human, half fox na monster. Ang ibabang parte niya ay parang katawan ng tao pero nababalutan ng balahibo habang ang ulo ay mahahawig sa ulo ng fox, para siyang warewolf. Mas malaki ito sa akin at may matatalas at mahahabang kuko. A Level 3 monster with 40 points? Nice.

Mabilis itong tumakbo papunta sa babaeng mukhang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Nakita ko na pasugod na ang unang halimaw kaya naman binato ko ito ng patalim na dapat ay pang emergency uses lang daw sabi ni Callies. Tinamaan ito sa likod kaya agad ko naman nakuha ang atensyon niya mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin pero bago pa man siya makalapit ay inunahan kona at sinalubong ko ito ng isang wasiwas ng aking espada na siyang kina putol ng kanang kamay na niya. Agad akong lumihis ng galaw para samantahalin ang pagkakataon at sinaksak ko sa likod niya ang espada.

"20 points for you Ayveri!" Sabi ko sa sarili ko.


"Ahhh! Tulooooong!" Sa pag karinig ko pa lang nito alam kong yun ang porcupine at ang babae kanina. Pag karating ko doon nakita ko ang babae na nakaupo at na may nakabaong spike sa binti niya at iniinda niya ang sakit.

"Hey Ugly...." Bago pa man ako makapagsalita ay bumaling ito sakin at nagpakawala ng maraming spike sa kinatatayuan ko, tumakbo ako ng mabilis upang maka-pagtago sa maraming puno, makalipas ang ilang segundo ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at agad itong nagpakawala ng mga spike sa direksyon ko, ngunit masyado akong mabilis tumatama lang ito sa mga punong nadadaanan ko kaya agad akong nakalapit sa kanya.

Mabilis akong gumulong sa gilid niya at iwinasiwas ang espada sa katawan niya ng dalawang ulit ngunit hindi siya natinag. Bago pa man siya makabawi ay agad ko siyang sinipa at natumba ito, nahirapan siya makatayo sapagkat tumusok ang mga spike neto sa lupa.Wala akong sinayang na oras at agad–agad kinuha ang V–42 na nakalagay sa aking binti at isinaksak sa ulo niya.

I got 40 points dahil dun.

Napansin kong isa nalang ang natitirang V-42 na meron ako, ang isa kasi ay nagamit kona kanina.

Agad kong nilapitan ang babae pero bago pa man ako maka-hakbang ay nakaramdam ako ng pagkamanhid ng isa kong binti nadaplisan pala ako ng spike kanina muntikan na ako matumba pero biglang may umalalay sa bewang ko, Si Callies pala.

"Ang galing mo kanina saan mo natutunan yun?" Tanong ni Callies habang ngingiti ngiti.

"Hmm sinunod ko lang yung tinuro mo saken hehehe"

"Pero hindi ko inexpect na ganun ka kagaling" Hindi makapaniwalang sabi ni Callies habang puma-palakpak pa.

"Ewan parang feeling ko natural na sakin yun kanina pero hindi ko alam paano ko nagawa yun" Sabi ko

Goiteia University (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon