Goiteia University
Written by: JavamagoooChapter Six
Sa lumipas na araw puro trivia lamang ang itinuro ni Callies sa amin ni Sav, every 3-6 pm naman na labas kami para mag ikot ikot sa bayan. Ayan ang naging routine namin sa lumipas na araw hanggang sa dumating ang hinihintay ng lahat—
—pasukan na mga Yeaaah!
Syempre excited na ako tulad ng ibang transferee dahil unang beses namin dito mag aral natural. Lalo na itong si Sav na hindi na ata na ka-tulog dahil sa sobrang excited.
Sa lumipas din na araw 'di ko na nakita ang poncio pilato na na-halikan ko! Sino pa ba? Edi si Alev! Yung taong m-matipuno, gwapo tapos–tapos anlambot pa ng labi! Hmp!
"Hali ka na!" Tawag sa akin ni Sav na ngayon'y na sa pinto na. Halatang excited! Tsk! Hinila pa nito ang kamay ko.
"Eto na! Eto na!" Pananaray ko. Sabay kuha ko na ng bag ko.
Halos makaladkad ako sa pagmamadali nito.
"Sav dahan dahan lang! 'di pa tayo late!" Ani ko.
"Ano ka ba Ayveri! Sabi nga nila kapag unang araw ng pasukan dapat maaga ka at mas okay na rin para makakuha tayo ng upuan sa harapan" Paliwanag-paliwanag ka pa dyan.
"Saan ba yun? Building 4 room 12 section C yung nakasulat dito sa card, ipakita daw natin to' sa lecturer natin bago tayo pumasok" Aniya.
"Saan naman 'yun dito sa malalaking building na to? Ni wala nga na ka sulat na mga number ng building"
"Mabuti pa magtanong nalang tayo sa mga student dito" Suwestyon ko.
Naka-agaw pansin sa'kin ang isang lalake na may kausap na grupo ng mga student. Na ka talikod ito, baling kinitan ang katawan at may brown na buhok. Dali-dali kaming lumapit dito para na rin makapasok na agad kami sa room na hinahanap namin.
"Excuse me, kuya? Pwede mag tanong?" Si Sav. Humarap naman ito sa'min.
"Saan p—" Hindi ko maintindihan nang bigla na lang na tahimik ni Sav at na ta-meme ata sa kaharap namin.
Tsk! Ako na nga lang.
"Kuya, saan po yung building 4 dito? Ang hirap kasi hanapin. Wala namang mga number building dito" Sabay harap sa kanya ng papel.
Tinignan kami ng pares ng mata nito na parang kinikilala kami. Hindi maitatanggi na gwapo ito dahil sa matangos na ilong, mapulang labi at idagdag mo pa ang brown na mata nitong terno sa kanyang buhok na siyang bumagay sa moreno niyang kulay. Hindi na ako magtataka kung bakit na ta-meme ang maharot na si Sav sa lalaking ito.
"Transferee kayo, right?" Tanong nito sa amin habang sinusuri pa kami.
"O-opo" Sabat ni Sav.
"Hindi n'yo talaga mahahanap yun dito, kailangan ng ganito" Pinakita niya sa'min ang marka niya sa kaliwang kamay banda sa pulso na parang sign na ewan.
"E'? para saan naman yan?" Takang tanong ko.
"Para ma kita n'yo yung mga nakatagong bagay dito sa academy na hindi nakikita ng mga walang tatak na ganito. May mga part kase sa academy na nababalot ng spell tulad ng mga mga buildings dito para iwas espiya, madalas kasing sugurin ng mga kaaway ang academy. Kung wala ka nito maliligaw ka talaga" Pagliliwanag niya habang pina-pakita pa sa amin ang tatak na nasa pulsuhan niya.
BINABASA MO ANG
Goiteia University (On-Going)
FantasyGoiteia University. Unibersidad na pinapangarap pasukan ng lahat. Unibersidad na kung saan tinuturuan ang mga studyante upang maging isang magaling na Manipulator, kung saan kailangan mong maging handa sa labanan, kung saan kailangan mo makipag pata...