Goiteia University
Written by: JavamagoooChapter One
Ano pa nga ba ang mas sasaya sa buhay na simple lang at may mga kapitbahay na chismosa?
"Anak! Bumangon kana dyan at kumain na rito!" Sigaw ni Ina mula sa aming hapag-kainan. Sobrang swerte ko sa aking Ina dahil kahit wala ang aking Ama nagagawa niyang tustusan ang mga pangangailangan ko.
Nag madali na akong bumaba mula sa aking silid ng matapos kong mag ayos ng sarili. Amoy na amoy ko mula rito ang adobong niluto ni Inay, sa lahat ng niluto niya ito na ata ang pinaka speciality niya. Mula sa hagdan na binababaan ko nakita ko ang mga chismosang kapitbahay na kaibigan ni Ina.
"Nandito na pala ang dalaga ni Felicia! Tanghali na ineng. Bat ngayon ka lang nagising?" Tanong ni Aling Maya na siyang kumakain na din ng niluto ni Ina.
Ang Ina ko na ata ang pinaka mabait at masarap mag luto rito sa Bayan. Siya rin ang sinasabi nilang pinaka maganda sa aming lugar kaya naman araw araw may bagong bulakbalak si Ina sa lamesa at mga gulay na siyang paborito ni ito. Kung titignan ay tila wala pa siya sa edad na 44 dahil sa puti at kinis ng balat ni Ina. Hiyang hiya talaga ang katawan ko at madalas napagkakamalang kapatid ni Ina. Pati na rin ang mga mata niyang kulay berde na di mo aakalaing isang mababang uring tao lamang sa mundong ito.
"Maganda umaga ho Aling Maya" Saad ko sabay ng pag galang na yuko. Napalingon naman ako sa aking likuran ng marinig si Inay.
"Anak, kumain kana at may ipag uutos ako sayo" Sabi ni Ina matapos kong mag mano dito.
Napatagal pa ata ang pagkain ko sa sobrang dami kong nakain. Kaya ngayon habang nag lalakad ako papuntang Palengke ng bayan na to para bumili ng bagong tela na siyang pinapabili ni Ina ay sunod sunod ang pag dighay ko.
"Ahhyyy sarap ng adobo hehe" Sabi ko kay Savanna, Sav for short na siyang kasa-kasama ko at anak ni Aling Maya.
"Buti ka pa at nakakain na. Samantalang ako wala pang kain kain" Reklamo nito.
"Gala ka kasi ng gala" Pataray na puna ko.
Maririnig sa buong palengke ang mga taong kay lalakas ng boses tulad na lang ni Kuya Bido na nakalunok ata ng Megaphone.
"Hoy bumili na kayooo! Pag di kayo bumili babalian ko kayo ng buto!" Sigaw nito.
"Kahit kailan nakakatakot pa rin si Kuya Bido" napapailing na sabi ng kasama ko.
Si Kuya Bido ang isa sa nanliligaw kay Ina kaya naman todo tago ako sa likod ni Sav dahil baka tanungin na naman ako nito tungkol kay Ina.
Nang makarating na kami sa mismong tindahan ng tela na madalas kong pag bilhan agad kong hinanap ang tela na sinasabi ni Ina.
"Eto ba, Ayveri?" Tanong ni Sav sabay pakita saakin ng hawak niyang tela na nakarolyo.
"Yan nga pero kulay green ang pinabibili ni Ina" Sagot ko.
"Hmm" Nag ikot ikot kami dito sa loob ng store dahil may inaasikaso pa ang kaherang ibang costumer.
"Pst! Ayun ata" tawag pansin saakin nito sabay turo sa telang nakarolyo na nasa bandang itaas kaya naman kinuha ni Sav ang mababang stick para ilaglay at makuha namin.
BINABASA MO ANG
Goiteia University (On-Going)
FantastikGoiteia University. Unibersidad na pinapangarap pasukan ng lahat. Unibersidad na kung saan tinuturuan ang mga studyante upang maging isang magaling na Manipulator, kung saan kailangan mong maging handa sa labanan, kung saan kailangan mo makipag pata...