Goiteia University
Written by : JavamagoooChapter Two
Ilang minuto na ang nilipas simula nung bumaba ako sa Carousel, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito pala ang itsura ng paaralan na to'. Sa buong buhay ko inaasahan ko na isang normal na paaralan lamang ang Goiteia University, Mataas pero plain lang tulad ng paaralan na nasa baryo namin.
Hindi ko aakalain na mas malaki pa ito sa inaakala ko. Matataas na bato ang nakapaligid sa paaralan pero dahil nasa harapan kami ng gate nakikita namin ang bungad nito, Gate pa lang wala na akong masabi. Gate na gawa sa mamahaling metal, mga pine trees na nakapaligid na sobrang tatayog. Paano pa kaya ang nasa loob nito?
Agad naming sinundan si Madame Veronica nang mag simula na itong lumakad papuntang Gate na siyang papasukan namin. Doon namin nakita ang dalawang higanteng tao na ikinahina ng tuhod ko.
"H-higante" Nabubulol na sabi ni Sav, mukhang parehas lang kami ng reaksyon. Sobrang laki ng tao na to' na nag mu-mukha ng higanye. Malalaking katawan at malaking ilong. Naka Pormal na kasuotan na babagay sakanila.
"Mabuti at naka balik kayo ng ligtas, Madame Veronica and Miss Villarreal" Pag bati ng isa sa kanila.
"Maraming salamat sainyo, Gilas at Rono. Ito nga pala si Savanna Ruiz at Ayveri Samaña ang anak ni Maya Ruiz at Felicia Samaña" Ngiti ngiting pag papakilala ni Madame Veronica sakanila.
"Talaga? Maligayang pagbabalik sainyo. Huling kita namin sainyo ay ang liliit pa ninyo- maliit pa rin naman kayo ngayon pero mas maliit dati." Sabi naman nung isa.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Halina kayo at kailangan na natin ayusin ang inyong tutuluyan" Pag puputol ni Madame Veronica.
Bumukas na ang malaking gate at sa pag pasok pa lang naman tila ibang iba ang lupang tinatapakan namin at ang hangi na mas lalong naging sariwa.
"Ang ganda" Ngiti ngiting bulong ni Sav sa tabi ko habang hawak hawak nito ang braso ko.
Ang buong lugar ay talagang mahahalatang sobrang tibay, Pati ang lugar ay napapaligiran ng sobrang bangong amoy. Sa harapan namin ay may mahabang tiles na patungo sa isang building na siyang pupuntahan ata namin. Habang sa kanan ko naman ay may mahabang daan patungo yata sa mga building na andami yatang mga bintana.
Sa aking kaliwa naman ay may nakikita akong mga bulding na panigurado classroom.
Nang malapit na kami sa mismong building ay nadaanan namin ang malaking fountain na may itsura pa ng sirena at angel. Meron din na iilang upuan sa paligid at sa tabi no'n ay iilang puno, ang buong lugar naman ay naiilawan dahil sa iilang mga kahoy na may lamparang nasa ibabaw idagdag pa ang mga alitaptap na palipadlipad lang sa paligid.
Nang nasa tapat kami ng malaking bulding pumasok kami sa may malaking pinto. Pag bukas nito makikita ang tatlong pinto habang sa dulo ng magkabang corridor ay may hagdan paakyat. Mula sa kinatatayuan ko nakasulat soon ang "SSG Room" ano yun? Sa pangalawang pinto naman ay Faculty at ang huli naman ay "Councilor's Room"
Sa kanang corridor kami dumaan na siyang napaka lawak naman. Sa pag daan namin kitang kita ko ang mga litrato na naka frame pa na satingin ko ay mga namumuno o may matataas na pwesto sa paaralan na to'.
Nang umakyat kami nakita namin ang 2 pinto. Ang unang pinto ay Library habang ang isa naman ay Principal's Office and Headmistress's Office. Mukhang espesyal ang kwartong ito sa lahat sapagkat kakaiba ang pinto nito kumpara sa tatlong kwarto sa ibaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/218312166-288-k520016.jpg)
BINABASA MO ANG
Goiteia University (On-Going)
FantasíaGoiteia University. Unibersidad na pinapangarap pasukan ng lahat. Unibersidad na kung saan tinuturuan ang mga studyante upang maging isang magaling na Manipulator, kung saan kailangan mong maging handa sa labanan, kung saan kailangan mo makipag pata...