Kabanata 11

1K 47 5
                                    

'Coco's POV'

Saan kaya ako dadalhin ng lalaking ito? Kaya itinanong ko na. Malay mo i-sasalvage pala ako bigla.

"Saan pala tayo?" I asked habang nagmamaneho ito. Tumingin naman ito saakin saglit at nagmaneho ulit at ngumisi. Ay! May pa ganon si kuya ah.

"Mall tayo, nood ng sine at arcade narin" sagot niya saakin. Napatango nalang ako.

"Ah okay?" ang nailabi ko pabalik. Wala naman kasi akong masabi.

"Bakit may iba kapa bang gustong gawin natin?" then he wear that playful smile again. Pinagsasabi ng mokong nato?

"Wala naman akong sinabing meron ah" nagtataka kong sabi dito kaya umiling nalang ito.

"Wala, slow mo love" sabi niya kaya bigla akong pinamulahan. Tapos tinawanan lang ako ng mokong kaya napaismid nalang ako.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kaagad kami ng Mall. Hawak at pinagsiklop nito ang mga kamay namin habang naglalakad kaya medyo nahihiya ako pag may ibang tao na napapatingin saamin. Paano ba namin kasi ang gwapo ng isang ito tas matangkad pa. Sino ba namang hindi mapapalingon rito diba kung ka holding hands mo ay isang Rosco Silvester Salvatore.

Dumiritso agad kami sa arcade excited kasi ang isang to. Parang bata lang eh no. Kaya lihim nalang akong napapangiti dahil nakikita ko rito ang iba pa niyang side bukod sa napaka babaero nito. Then namili na kami ng mga tokens para makapaglaro na kami. Dahil siya ang taya kaya ito ang pinagbayad ko.

"Doon tayo" sabay hila ko rito. Wala naman itong nagawa nang hilain ko ito sa pwesto ng dance revo. Sapilitan ko pa itong hinila papunta sa platform nito.

"Ikaw nalang coconut, papanuorin nalang kita" sabi niya kaya wala na akong nagawa.

"Ang daya pero sige na nga" ang nasabi ko at pumili ng song. Pagkatapos kong pumili ay naghulog na agad ako ng token. And I start. At napansin ko ng nasa kalagitnaan na ako ng sayae ay marami na ang nakatingin saakin.

"Woah! Ang galing naman niya" sabi ng isang girl.

"Yeah agree ako pero parang familiar siya" chika nong kasama rito na dinig na dinig ko. Natapos naman ako at napangiti sa score ko. Tas bugnot akong nilapitan ni Rosco. Ano na naman kaya nangyari sa isang ito?

Sunod naman ay sa shooting range kami. Parang basketball lang rin. Dahil hindi naman ako magaling doon ay mas maraming naishoot si Rosco saakin. Given na iyon. Nung nagsawa kami ay sa photobooth naman kami nagpunta. Remembrance daw namin sa first date namin. Taray lang eh no?

Paiba-iba kami ng pose merong kaming dalawa at meron namang isa-isa kami. Pero ang favorite kong part eh yung nakatingin siya saakin samantalang nakangiti naman ako na parang ewan.

Nang magsawa na kami sa ka-kapicture ay umupo na muna kami sa isang bench. Magkatabi kami habang magkahawak ang aming mga kamay.

"Oy, patingin nga ako ng ibang shot natin" sabi ko rito. Inabot naman niya saakin iyong phone niya. Phone niya kasi gamit namin na pang picture.

"Ang cute ko naman rito" komento ko sa isang picture ko na naka wacky. Eh cute naman talaga.

"Weh? Mukha ka ngang tarsier dyan eh" mapangasar na komento ng mokong. Inis ko naman itong binalingan ng tingin.

"Mas mukha ka ngang unggoy rito oh" bawi ko sabay pakita sa isang picture niya na mukhang ewan. Ang gwapo niya parin roon pero kailangan kong makabawi no. Anong akala niya sakin, weak?

"Shit, masyado talaga akong gwapo kahit saang angulo oh" sabi niya. Ay, ang hangin ah!

"Feelingero ah, ungas ka talaga" sabi ko na tinawanan niya lang.

"Pero gusto mo naman ang ungas nato diba?" sabay tawa niya na ikinapula na mukha ko.

"Oh your blushing love haha tara na nga" sabay akbay nito saakin habang ako naman ay nagpipigil ng tumili. Pumila na si Rosco habang nag presinta akong bumili ng drinks at popcorn.

"Why is that Aswang? You want to watch that movie?" tanong nito saakin pagkatapos nitong makabili ng dalawang ticket. I nodded in response. Bakit? Ang ganda kaya ng palabas na iyan. Tas ang gwapo pa ni Paulo Avelino sa movie na iyan eh bakit ba. Tas nauna na akong naglakad papasok kasi excited na akong mapanuod yun ulit. Nasa likuran lang naman si Rusco at nakasunod lang saakin. So nung nakapasok na kami at kumapit ako sa kamay niya. Madilim kasi eh. Matalisod pa ako.

"Hold my hand" the he held his hand and intertwined it on mine. Ang sweet haha. Hanggang sa nakapwesto na kami ng mauupuan at saktong magsisimula pa lang. Di naman masyadong marami ang nanonood kasi medyo matagal na itong movie naito. Pero ang ganda kasi sobra. Try niyo kayang panourin. Pramis maganda talaga. Kaya tutok na tutok talaga ang lola niyo.

After ng movie ay di ko namalayang nakatulog pala siya sa balikat ko. Ay! Tinulugan lang ako. Ang ganda pa naman ng palabas. Sana nag Netflix nalang kami sa bahay eh no. Magising nga. Kaya tinapik tapik ko ng mahina ang pisngi nito. He just moaned in response.

"Hoy, gising na tapos na ang palabas. Uwi na tayo" sabi ko at buti nalang nagising naman ito kaagad. Tumayo naman siya kaagad at naglakad na kami palabas.

"Sorry nakatulog ako" ang hingi niya ng pasensya. Pero ngitian ko lang siya bago sumagot.

"Ayos lang no. Keri lang" ang masaya kong sagot. Nung lumabas kami ay aksidenti kong nakita si Brent na may kasamang babae papasok ng store. Mukhang may date rin ang mokong na iyon ah! I said to myself.

"Hey, sino tinitignan mo?" biglang tanong ni Rosco.

"Ah wala. Kakilala ko lang. Uwi na tayo?" I asked calmly. Tumango naman ito at hinawakan ang kamay ko. Pababa kami ng escalator ng bigla akong matapilok pagbaba namin. Huhu ansakit! Hindi naman ako naka heels ah.

"Hey, you fine? Let me see your ankle" ang agad niyang sabi at lumuhod para makita iyong paa ko.

"Ano ka ba, natapilok lang ako no hindi naman masakit" sabi ko pero kabaliktaran naman iyon sa nararamdaman ko. Ang sakit kaya! Ang clumsy ko talaga.

"Is that so?" Ang nagaalala niyang tanong kaya nginitian ko nito ng pilit. Humawak ito pabalik sa kamay ko at naglakad na pabalik pero bigla akong napadaing.

"T-teka sandali, kumikirot yung paa ko" sabi ko at napahinto. Kumikirot talaga siya pero keri naman.

"Sabi ko na nga ba. Don't worry I'll carry you" sabi niya at tumalikod saakin at paupo na ibinaba ang balikat para saakin.

"Seryuso? Ayoko ang dami pa namang tao nakakahiya" ang nailabi ko at agad na pinamulahanan. Gusto kasi niya akong ipasan sa likuran niya. Andami pa namang tao. Medyo may iilan na nga ring napapatingin saamin eh.

"Don't mind it okay? Im here" at siya na mismo ang pumasan saakin sa likuran niya. Kaya wala na akong nagawa kahit makaagaw pa kami ng eksena. Kumapit nalang ako sakanya ng mahigpit at isinubsub ang mukha ko sakanyang malapad na likuran.  Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko sa ibayong kilig.

Hindi nga ako nagmali dahil habang pasan pasan ako ni Rosco ay maraming napapatingin saamin. Kita ko sa mukha ng ilang babae ang inggit habang naka piggy back ride ako sa lalaking mahal ko. I didn't expect things dahil nga bakla lang ako. Alam naman nating marami paring prejudice sa lipunan natin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa saya. Hindi ko kasi aakalaing mararanasan ko ang bagay na ito sa lalaking gustong-gusto ko. I wish things will last.

The Casanova's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon