Kabanata 18

685 37 0
                                    


'Coco's POV'

All my hatreds and doubts melted away with just that sorry of him. Wala na akong magagawa if I loved him that much that I would rather try the risk even there is a chance na magawa niya ulit akong masaktan.

Kasalukuyan akong naghihintay kay Rosco. Bibili lang daw siya ng maiinom namin pero hanggang ngayon wala parin siya. Kaya hindi ko mapigilang magduda. Hindi ko iyon maiwasang isipin na baka may lumandi na naman doon sa lalaking iyon. Naku pag nagkataon hindi ko na talaga siya mapapatawad kung nagpapalandi na naman siya.

Kaya nagpalinga-linga nalang ako sa paligid sakaling nariyan lang si Rosco o baka natagalan lang. May lilim ng isang punong kahoy na hindi ko alam ang tawag kaya sumilong ako kasi medyo mainit. Hindi rin kalayuan ay dinig na dinig ko ang malamyos na tugtugin. Nag-umpisa na ang mga activities kanina pero hindi na kami sumali ni Rosco. Gusto niya daw ipaliwanag ang side niya kaya halos magkasama kami at pinakinggan ang rason niya.

"Hi? Anlalim ata ng iniisip mo ah"

"Palaka ka!" bigla kong bulalas ng may biglang sumulpot sa likuran. Si Brent! Loko talaga ang isang to ah.



"Gwapo ko naman sigurong palaka" ang mahangin nitong anas na inirapan ko lang tsaka ngumuso sa inis. Bigla naman niyang kinurot ang pisngi ko na ikinadaing ko lang. Ang bully talaga ng isang ito.

"Teka si Rosco ba iyon at Kianna?" at nanliliit ang mga mata kong nakatanaw sa kalayuan. Parang nainis agad ako sa nakita ko. Pupuntahan ko na sana ang mga ito ng hawakan ni Brent ang isang braso ko kaya natigilan ako.

"Huwag kang umalis please? Just give me this moment with you. Pwede ba?" he plead at nagtataka ko naman siyang tinignan. Anong problema ng mokong nato.

"Just this once please" He once said. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin saakin. I just heave a sigh and nod at him.

"May problema ka ba or something?" I ask filling up the silence.

"I'm afraid if I tell you" he said with hesitation kaya kumunot ang noo ko sa mga pasuspence ng lalaking to.

"Ano nga? Bakit ka naman matatakot na sabihin iyan unless may kasalanan ka saakin" sabi ko at seryuso ko siyang tinignan. Ang lungkot kasi ng mukha niya eh. Parang may nangyari na hindi maganda or something.

"It just happen, I-Im sorry but I really like you Anjel" nanlaki ang mata ko at di makapaniwala sa sinabi niya. I was stunned and struck with his words. Pero I already love someone.

"B-Brent Im sorry, pero may-"

"I know, I just want to say it to you even if its too late" he said while giving me a reassuring smile like he saying its fine.

"Sorry" ang nasabi ko nalang. Wala kasi akong maisip sa sabihin sakanya. I also cant believe that this is happening, really. With the mere fact that I was just a gay. I cant see any special about me. Kaya bakit ako?

"It's okay, I know you love him. If you need help nandyan lang ako parati" he said kaya napanatag naman ang loob ko.

"Sorry, I know you'll find someone better Brent." He just replied with a faint smile kaya nginitian ko nalang rin ito at nagpaalam. It's better na mapag-isa muna siya para makapagisip-isip siya ng nararamdaman niya. Baka kasi infatuated lang ito saakin kasi closed na kami mula pagkabata. Kaya naglakad akong palayo sa kaniya at bumalik sa pwesto namin kanina ni Rosco at hihintayin itong balikan ako.




'Rosco's POV'

Babalikan ko na sana si Coco ng may tumawag ng pangalan ko. Napalingon ako at napatingin kay Kianna. Mukha siyang problemado at lasing. Tch! Iba talaga pag gwapo at masarap eh no hindi makalimutan. May kung ano itong binubulong na hindi ko naman maintindihan. Alalayan ko na sana ito ng may pumigil saakin.

"Ako na" at biglang sumulpot itong si Brickman. Kaya hinayaan ko na siyang siya ang umalalay kay Kianna. Baka kasi galit na iyong Coco ko eh.

"Okay dude just take care of her" ang sabi ko at hindi na ito hinintay na sumagot kaya umalis na ako patakbo.

Mula sa pwesto namin kanina ay nakita ko ang munting anghel ng buhay ko. Nakapikit ito na animo'y parang natutulog. Kaya nilapitan ko ito at hinalikan. Smack lang. He open his eyes na agad akong inirapan.

"Ambaho mo, saan ka ba galing ba't ang tagal mo naman ata" ang mataray nitong sabi saakin. Bigla naman akong napaamoy sa sarili ko. Hindi naman ah, kahit pagpawisan ako mabango parin naman ako.

"Sorry na love, may nakausap lang " sagot ko sa kaniya na nginitian ko ito ng gwapo kong mukha.

"Okay, balik na ako ng kwarto ko" sabi niya sabay tayo at naglakad paalis. Mukhang nagtatampo na naman. Kaya sinundan ko siya nang pumasok siya sa room niya. Inunahan ko siya at naunang humiga sa kama niya.

"Bakit nandito ka rin? Umalis ka nga dyan, kama ko 'yan!" ang naiinis nitong sabi saakin kaya ngumisi lang ako dito.

"Ayaw ko, tabi nalang tayo love" pagpapacute ko rito at inirapan lang ako nito kaya mas lalo tuloy siyang nagmukhang kaayaaya sa paningin ko. Ang cute kasi niyang magsungit eh. Kagigil. Pero hindi naman ako natiis nito at tumabi ito saakin sa higaan. Niyakap ko naman siya at inamoy-amoy ang buhok niya. Ang bango bango niya talaga.

"Huwag kang magulo" sita niya saakin ng inamoy-amoy ko rin ang leeg niya.

"Okay behave lang ako love. Ang bango mo lang kasi eh" sabi ko rito at niyakap ito ng mahigpit. Ayoko na siyang pakawalan sa mga bisig ko.

"Ewan ko sayo, ambantot mo talaga ngayon" sagot niya naman.

"Ang bango ko kaya" ang sabi ko at pinagduldulan ito sa dibdib ko.

"Ambaho mo talaga, kaya lumayo layo ka saakin" sabi niya na agad kong namang ikinatayo. Muli kong inamoy ang sarili pero yun padin ang amoy ko kanina. Pinagtitripan ba ako ng isang ito? Kaya dinaganan ko ito kiniliti. Napapatili naman ito habang tumatawa na agad ko naman tinigilan kasi baka mainis na naman ito saakin.

"I love you, my angel" I whispered and kiss him gently. Ngumiti lang ito at masuyo ring tinugon ang mga halik ko.

The Casanova's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon