Kabanata 12

918 42 3
                                    

'Coco's POV'

Kung sino man ang nagsali sa akin sa pageant na iyon ay isinusumpa ko. Parang biglang nasira ang araw ko ng malaman ko na ako ang ginawa nilang representative sa LGBTQ+ org. ng school namin. Hindi naman sa againsts ako pero hindi ko talaga forte ang mga pageant kemerut na iyan.

"Baks, maawa ka naman diyan sa hotdog. Minassacre mo na eh" sabi ni Lea. Napatingin naman ako sa kaawa-awang hotdog. Napino ko na pala masyado.

"Kasi naman! Sino ba naman kasing nagsali saakin sa contest na iyon?" ang bugnot kong anya. Bigla namang nag-iwas ng tingin ang baklang si Lea. Bigla ko tuloy naalala na kasali nga pala ito sa org. na iyon.

"Bruha ka, ikaw ba ang nagsali sa akin doon?" tanong ko at pinanlakihan ng mata ang gaga samantalang natawa lang saamin si Jane. Alangan namang tumanggo ang salarin na si Emillo este Lea.

"Naku naman oh!" ang problemado kong saad. Medyo natabig ko pa iyong may kaliiting bouquet ng bulaklak sa mesa kaya nalaglag.

"Coco naman eh! Yung bulaklak ko! Wag mo namang idamay" ang eksaheradang anya ni Jane at pinulot iyong bulaklak. Arte ah, hindi naman naano or nasira.

"At kanino naman nanggaling iyan aber?" ang kuryuso kong tanong. Bigla namang namula si Jane at tinignan ito para sa isang kompirmasyon.

"Bigay saakin ni Dave" sabi niya at ngumiti ng pagkalaki laki.

"Talaga? Ayieee! Sa wakas at napansin narin iyang alindog mo ni Dave" anya ko at inasar asar ang kinikilig na si Jane.

"Nga eh! Napansin narin itong friend natin na patay na patay doon" segunda ni Lea at nagtawanan nalang kami.

"Anong score na friend? Saang level na or kayo na?" Pang o-okray ni Lea kaya pula pula na si Jane. Ewan ko lang kong sa hiya or sa sobrang kilig.

"Sira! Nililigawan niya pa lang ako noh!" sabi niya na animoy nahihiya pero deep inside kilig na kilig naman.

"Wah, congrats sainyo in advance" masaya kong sabi sakanya.

"Eh ikaw baks? Kailan mo sasagutin si Rosco?" ang bawi ni Lea kaya ako naman ang pinamulahanan. Alam na nila na nililigawan ako ni Rosco. Na i-kwento ko na kasi sakanila nung isang araw.

"Malapit na siguro" ang sagot ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Ayun oh, kaya ka pala blooming baks! Sana ako rin magka Rosco" sabi ni Lea kaya tinawanan nalang namin ito ni Jane.

"Umamin ka baks, daks ba?" Ang biglang tanong ni Lea kaya bigla akong napalunok ng laway. Ang harot talaga ng isang to kahit kailan.

"Tse, ewan ko sayo" at inirapan ko ang bruha. Ayaw ko ngang sabihin. Kahiya kaya.

"Taray mo baks, ikaw na ang bakla ng taon" anya niya sakin. "Change topic na nga, sabi pala saakin nong organizer may practice raw kaya mamaya" pagiimporma saakin ni Lea.

"Eh, magbaback out nalang ako" tanggi ko at ngumuso.

"Sorry baks pero bawal ka ng magback out. Lalong lalo na gipit na kami sa oras" anya niya. Kaya napabuntong nalang ako. Bahala na nga.

Kakatapos lang ng dismissal ko. May natanggap narin akong txt galing doon sa organizer nong pageant. Hagard na hagard akong lumabas ng room. Actually kakatapos lang ng midterm namin kaya nakakahinga na ako ng maluwag. Bawas stress narin.

"Hey Anj! Samahan na kita" aya saakin ni Brent. Hindi ko kaagad ito napansin kasi medyo lutang itong utak ko.

"Ha? Ah eh huwag na. Baka maabala pa kita no" anya ko. Ngumisi lang ito saakin at kinurot ang pisngi ko. Kahit na nagpunta ito ng States nong Grade 9 pa kami ay nanatili parin ang closeness namin.

"A-ano ba! Masakit! Kung ikaw kaya kurutin ko dyan" inis kong labi dito kaya tumatawa naman nitong inalis ang kamay sa pisngi ko.

"Ang cute mo kasi eh nakakagigil" at tinawanan pa talaga ako. Akmang kukurutin ko ang tenga nito ng hulihin nito ang kamay ko kaya bigla niya akong nahila at super magkadikit kami. As in magkadikit habang hawak nito ang kanang kamay. Yung para ba kaming magkayakap pero hindi. Bigla tuloy akong nailang. Iba kasi siya kung makatitig. Kaya iniwas ko ang tingin rito pero agad nahagip ng mata ko si Rosco. Hindi ito kalayuan saamin. Nangagalit itong nakatingin saamin habang nakakuyom ang mga kamo nito kaya bigla kong naitulak si Brent.  Hahabulin ko na sana ito pero mabilis itong nawala sa paningin ko.




Araw ng sabado byahe na namin papunta sa isang isla na pagdadausan ng College Feast namin. Mula kahapon ay hindi parin ako pinapansin ni Rosco. Lalapitan ko na sana ito pero agad rin naman itong umiiwas kaya medyo naiinis narin ako. Baka kasi ano ng pinagiisip ng mokong na iyon. Kung nagseselos siya eh hindi naman iyon sinasadya atsaka wala naman iyong malisya saakin dahil magkaibigan lang talaga kami ni Brent.

"Hey, tara na. Maiiwan na tayo" sabi ni Brent at siya narin nagbitbit ng maleta ko. Hindi naman kalayuan ay natanaw ko si Rosco na masamang nakatingin saami. Umismid rin ako ng makita na may kasama rin itong magandang babae. Kaya imbis na sitahin si Brent kasi baka magselos si Rosco ay hinayaan ko nalang.

Infairness maganda iyong babae kaya medyo na concious ako sa sarili. Bus ang transportation naming lahat. Lahat kasi ng college department ay require na sumama. Para narin kasi itong team building kumbaga. Sumakay nalang ako kasama si Brent kung saang bus kami. Hindi ko ka bus ang dalawa kong gaga na kaibigan kaya magkahiwalay kami. Halatang per department kasi hindi ko rin ka bus si Rosco kaya tinulog ko na lang buong biyahe na si Brent ang nasa tabi.

"Hey sleepy head, we're here" Nagising ako sa boses ni Brent. Hindi ko namalayang nakasandal na pala ako sa balikat niya. Tumayo na siya at inalalayan ako makababa habang dala niya iyong mga gamit namin. Pagkababa ko ay napatingin ako kay Rosco kasama parin ang babae at dinaanan niya lang ako at hindi pinansin. Bigla naman akong nalungkot.

"Bakit nakasimangot kana riyan?" tanong ni Brent ng makababa ito dala ang mga gamit namin. Chismoso din tong si Brent eh no.

"Wala" sabi ko sabay lakad. Nakikita ko na napaka ganda ng isla na ito. Sana lang eh maenjoy ko.

The Casanova's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon