kabanata pito.

667 26 10
                                    

josh's pov.

9:31 PM

tahimik ang kapaligiran, hindi ako sanay na sa linggo ko ay tahimik at nagbabantay ng may sakit. sa tagal ko sa university ay napuntahan ko na lahat ng frat parties at lahat ng inuman. i hooked up with different girls and some guys too but never akong nag-alaga sa kahit sino.

kahit sarili ko kapag may sakit, i just go to my classes and dance like normally tapos okay na ako but justin, he made me stay and cook him food because apparently he got poisoned by drinking too much alcohol last night.

"josh."

lumingon ako sa pintuan ni justin at napalunok ako ng makitang naka sando nalang siya, mukhang maayos naman ang itsura niya dahil sinunod ko naman ng maayos ang binilin ni stell sa akin.

"uy, may soup pa dun. iinom ka na rin ng gamot," sabi ko at tumayo, bilisan ko rin siyang inalalayan paupo sa couch. parang tumaas lahat ng balahibo ko nang dumampi ang balat ko sakanya, he's warm and he looks red. like a drunk man, his chinky eyes are droopy and he looks even more attractive to be frank.

"josh, thank you sa pag-aalaga." sabi niya sa akin at hinawakan ang pulso ko, i stared at him and he gulped. his arms are exposed at eto ang first time kong makita na naka sando siya, nakakadistract masyado kahit sabihin mong hindi malaki ang katawan niya.

"okay lang, may lagnat ka pa ba?" sabi ko at napaubo ng kaunti.

"ewan.. di ako marunong tumantsa ng body heat." sabi ni justin at napakamot ng ulo, umiling lang ako at lumapit sakanya para kapain siya at salamat naman dahil bumaba na ang lagnat niya.

"sinat nalang, kumain ka na at uminom ka na ng gamot." sabi ko at tumayo.

"saan ka pupunta?" tanong niya, tinignan ko siya at napangisi ako.

"iinitin yung pagkain mo o gusto mo ako kainin mo?" sabi ko at mas lalo pang lumiit ang mata niya, natawa lang ako at dumiretso na sa kusina.

"s-sama ako."

---
justin's pov.

pinagmasdan ko lang si josh habang nagpeprepare ng dinner namin, hindi ko siya matulungan kasi medyo nanghihina pa ako at hindi rin ako marunong mag-luto o kumilos sa kusina.

he looks really attractive while keeping himself busy, naka hoodie siya at naka pout pero ang cute niya tignan. baby face. the type of face you'll fall for.

"masama pa ba pakiramdam mo?" tanong niya, umiling ako at umayos ng upo habang hinahanda niya yung mushroom soup na itinuro daw sakanya ni stell.

"wag ka ng uminom ng alak, kung hindi kita naabutan kanina malamang dinala ka na sa ospital at 50/50 ka na." pangaral niya sa akin habang nilalagyan ng soup ang tasa ko.

"sorry." sabi ko at inumpisahan ng sumubo, medyo nahihilo pa ako at parang pinupukpok pa ang taas ng ulo ko pero kaya ko naman na. medyo naghihilab pa ang tiyan ko pero makakapasok na siguro ako sa morning class ko bukas.

"bakit ka ba kasi uminom?" tanong niya at umupo sa tapat ko, ngayon ay ramdam na ramdam ko ang titig ni josh. he's really intimidating and his stares are making me feel somewhat nervous.

bad boy issues : joshtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon