author's note:
for fanfiction purposes, love na love ko si josh cullen T____T proud ako sakanya 🥺 and i don't mean to offend my jc, au purposes lang talaga :(
justin's point of view.
"jc." pagtawag ko kay josh habang naglalaro siya sa gaming set up niya, paalis na ako ng dorm dahil gagawin namin ni elise yung project namin sa motion design para hindi na namin iintindihin ito dahil malapit na ang finals for the first semester.
"oh, san ka punta? kala ko bebe time." naka-simangot na sabi ni josh na ikinatawa ko, busy kasi kakalaro ng game na binili ko para sakanya kaya di na ako pinapansin.
"sabi ko bukas na kasi gagawa nga kami ng project ni elise---" sabi ko.
"elise?" tanong niya sa akin, inayos ko ng kaunti ang buhok ko at isinukbit ang bag ko bago sumagot.
"partner ko po sa isang project, love." sabi ko at yumuko para halikan ang noo niya pero agad siyang umiwas na ikinakunot ng noo ko.
"yung sinasabi mong lagi kang tinetext tapos gusto niyang tinatawagan mo siya?" tanong ni josh habang nakasimangot, natawa ako sa itsura niya.. cute.
"yep, malelate na ako huy. mamaya mo na ako chikahin." sabi ko at hinalikan ang pisngi niya, lumabas na ng dorm.
agad akong lumabas ng building namin at pumunta sa napagusapang café at nakita si elise na nakaupo na malapit sa binatana.
she waved at me at nagmadali na akong pumasok, nilapag ko na ang gamit ko at umupo sa harap niya,
"nakita ko na yung sample ni miss, alam ko na gagawin." panimula niya, i nodded my head and nilabas na ang laptop para makapagsimula na ako.
"ok ganito.."
----
josh's point of view.
"langya, nilandi kaya ako non ni elise." sabi ni ken habang kumakain ng wiggles sa couch niya, pumunta lang ako dito dahil kanina pa hindi nagrereply si justin. naiinis nako.
"sabi nga ni stell nun na si elise daw nag-tour kay jah nung unang araw niya dito." sagot ko at napatingin sa cellphone ko, alas nuebe na ng gabi at kanina pang alas dos ng tanghali nagpaalam si justin na gagawa ng project.
walang text o tawag akong nareceive at kanina pa ako naghihintay, naiinis na talaga ako. nakatingin sa akin si ken at parang natatawa, inirapan ko lang siya at nilapag ang cellphone ko sa coffee table niya.
"pre, sabi rin nila mav ganon daw talaga kapag trip ni elise yung lalake. gagawa ng paraan para makasama niy---" sabi ni ken.
"ano gago?" tanong ko at napataas ang kilay ko.
"tanga ka ba o bingi?" sagot sa akin ni ken. kung hindi ko to tropa, sinapak ko na mukha nito talaga.
"oo pre, nakalandian ni maverick yan tas nakilala si joshua tas ayon iniwan siya." sabi ni ken at natawa.
"kakatawa ka pre no? gago uwi nako." sabi ko at naglakad na, biglang may kumatok at napatingin ako kay ken. nanlaki ang mata niya at agad tumakbo papunta sakin pero binuksan ko na yung pinto.
BINABASA MO ANG
bad boy issues : joshtin
Fanfiction🖇 › ♡˖° 𝙞𝙣 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙢𝙞𝙨𝙩𝙚𝙧 𝙜𝙤𝙤𝙙𝙮 𝙩𝙬𝙤 𝙨𝙝𝙤𝙚𝙨 𝙟𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣 𝙙𝙚 𝙙𝙞𝙤𝙨 𝙨𝙝𝙖𝙧𝙚𝙨 𝙧𝙤𝙤𝙢 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙘𝙤𝙡𝙙 𝙝𝙚𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 𝙥𝙡𝙖𝙮𝙚𝙧, 𝙟𝙤𝙨𝙝 𝙘𝙪𝙡𝙡𝙚𝙣 𝙨𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙚𝙣𝙙𝙨 𝙪𝙥 𝙤𝙣 𝙩𝙤𝙥 𝙤𝙛 𝙟𝙤𝙨𝙝 𝙘𝙪...