Trapped 2: You're My Wife

16.1K 578 180
                                    

Dian's POV

NAPATINGIN ako sa lalaking kasama ni Ma'am Jane. Anong pumasok sa utak nito at nagtransfer nasa kalagitnaan na ng first quarter? I mean, today's July 15 already. Makakahabol pa kaya 'to? Well, nevermind. Problema niya na 'yon.

Pagkatapos niyang magpakilala ay ngumiti siya. And if I were a girl I would definitely fall for it. But I'm not, kaya naman sa halip na kiligin at matuwa ako, naiinis ako dahil sa ingay at kilos ng mga babae sa room.

Clyde Quezon: He's tall, tingin ko magkasingtangkad sila ni Aides. He has a well built body, and just by thinking of and looking at it naasar ako. I mean, that body could capture every woman's eyes. Samantalang ako, mukha ng tingting sa payat. But not really. . . only Aides and Mom used to tell me that. Sa tingin ko ay hindi naman masyado.

He has a pale skin, a reddish hair, and a piercing that could easily be seen too. Nang mapansin ko iyon ay pigil ang tawa ko. Agad na pumasok sa isip ko ang maaaring maging eksena kung makita ang hikaw niya at ang buhok niya ni Sir Panot. Kawawa ang loko kapag nagkataon.

"Pfttt"

Hindi ko na talaga kinaya ang pagpipigil kaya tumawa na ako. Pinunasan ko ang mga luhang lumabas dahil sa sobrang pagtawa ko. Pero tumigil ako nang pumasok sa isip ko na maaaring mainis yung transferee sa akin.

Nako Dian! Kakapasok niya pa lang tapos makakaaway mo na agad!

Nag-angat ako ng tingin. Nagulat ako nang halos lahat sila nakatingin sa'kin. Yung iba naguguluhan, yung iba natatawa rin dahil sa ginawa ko lalo na yung dalawang ugok. Yung iba iniisip na ata na nababaliw na ako, habang hindi ko naman mabasa kung ano ang reaksiyon ni Aides.

Gago! Baka mamaya niyan kinakahiya  niya na na magkaibigan kami.

Unti-unti akong lumingon sa transferee. Pero ikinagulat ko ang reaksiyon niya. It is not exactly the same as what I expected. He's smiling! A genuine smile. Yung ngiting nakita crush niya. Yung ngiting nanalo sa lotto. Yung ngiting hindi na naghost, at yung ngiting crinushback. Gano'n yung ngiti niya. Akala ko ako lang yung mapagkakamalang baliw ngayon. Dadagdag pa pala siya.

"Pasensiya na po kayo sa asawa ko. Masyado lang po siyang masaya sakin."

Lahat kami napanganga sa sinabi niya.

Ha? Asawa?

Lumingon lingon pa ako sa paligid. Oh no. . . Don't tell me. . .

Hindi lang ako yung tumatawa nang parang baliw kanina?

BLAAAAAG

Napahawak ako sa puso ko nang marinig ko yung ingay. Bigla na lang kasing hinampas ni Aides ang librong nasa ibabaw ng desk niya. Malakas ang ginawang tunog no'n na naging sanhi para mapaigtad at magulat kaming lahat.

Napakunot ang noo ko. Pero agad akong nalinawan pati na ang iba pang nasa loob ng room nang bigla siyang ngumiti. "Sorry everyone. May langaw kasi, eh."

Pero langaw? Eh halos langgam nga hindi niyan masaktan ni Aides!

Nagsimula nang magturo si Ma'am pagkatapos at pinaupo niya si Clyde sa upuan sa likod ko. 'Yon na rin kasi yung bakante after lumipat yung maganda kong kaklase sa upuan ng kaibigan niya. Pero nung dumaan siya sa upuan ko, ngumiti siya sakin na agad ko rin namang ginantihan.

"Hi."

Halos mapamura ako nang biglang may magsalita sa likod ko. Napalingon ako kay Clyde pero wrong move. . . Tangina. Halos maghalikan na kami sa posisyong iyon dahilan para maiatras ko agad ang mukha ko.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon