Trapped 30: Wounded Hearts

5K 233 131
                                    

Dian's POV

"Good. Okay. Another one. Same pose."

Nakahalumbaba ako habang tinitingnan sina Aides, Clyde, Henry at Nathan habang pinipicturan sila ng tito ni Nathan na isang sikat na photographer. Mukha akong tanga dito habang nakaupo sa may pool lounge at nakatingin sa kanila. Hindi ko rin mapigilang humikab. Ang malala, mukha akong PA o kaya naman manager nila. Kami kami lang din ang nasa roof deck dahil pansamantalang isinara muna ito ni Aides para dito. Last spot na nila ito. Sa iba-ibang parte na sila ng condominium nagphotoshoot pero ngayon ko lang naisipang lumabas at tingnan sila.

Hay.

Kung marunong lang sana akong tumugtog o maganda lang ang boses ko, malamang kasali na ako sa kanila. Alam ko namang nasa level nila ang kagwapuhan ko, kaya malamang ay pasado agad ako.

Lead vocalist ng banda si Henry, drummer naman si Aides, si Nathan ang bassist, at si Clyde ang lead guitarist.

Tiyak akong titili na naman at kikiligin nang sobra-sobra ang mga babae sa school kapag nakita nila ang mga nakuhang larawan o kaya kapag tumugtog na sila. 

Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang tingin namin ni Clyde. Tangina. Mahirap. Nakakakonsensya. Nakakatakot. Pero wala. Tapos na. Nagawa ko na.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung insidente sa cr. Okay na si Clyde ngayon. Bumuti na ang lagay niya. Gaya ng sinabi niya, nanatili lang 'yon na sikreto na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

"Hey, baby."

Napaigtad ako nang biglang lumitaw sa harap ko si Aides nang nakangiti. Umupo ito sa tabi ko at sumandal sa'kin.

"Pagod ka na naman?" sabi ko.

Madalas niya kasing gawain 'yan kapag pagod siya o may malalim na iniisip.

"Kinda. I need a hug-- or maybe a kiss from you."

Iginalaw ko ang ulo ko pakanan at iniuntog ito sa kanya. "Maraming tao."

Aray.

Napatingin siya sa'kin. Ni hindi man lang ininda yung sakit nang pagkakauntog ng mga ulo namin. Samantalang ako na mismong nag-untog, ako pa yung nasaktan.

Kinabahan ako nang makita kong ngumisi siya. Kapag ganyan, may naisip na naman siyang kalokohan o kabastusan.

"Tara balik sa room natin."

See?

Naihilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko at napabuntong hininga. Geez. I'm fucking tired of him.

Nang ilibot ko ang paningin ko ay saka ko lang napansin na papaalis na ang tito ni Nathan. Nakita kong umupo na rin kina Henry at Nathan. Hindi nakalagpas sa mata ko ang makahulugang tingin ni Clyde habang umuupo siya sa katabing upuan ko.

"I love you baby, and if it's quite alright

Napatigil ako nang marinig kong kumanta si Aides. Mahina lang ang boses niya. Namamamaos din ito at talaga namang masarap sa tenga.

I need you baby to warm the lonely nights

I love you baby, trust in me when I say

"Tangina. Kung maglalandian kayong dalawa, bumaba na kayo."

Hindi pinansin ni Aides si Henry at nagpatuloy. Nakita ko pa ngang pumaswit ito bago ibalik ang tingin niya sa cellphone niya at magtype.

Napaigtad ako nang hawakan ni Aides ang mga kamay ko. Humarap siya sa'kin at tumingin sa mga mata ko habang kumakanta siya.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon