Trapped 28: Minefield

5.1K 251 23
                                    

Dian's POV

"AYON! NICE BLOCK DI!"

Nang marinig ko ang tunog ng pito na nagpapahiwatig na tapos na ang laro ay napangiti ako.

"YES!"

Nakita ko ang tuwang-tuwang mga kagrupo ko na papalapit sa'kin. Agad nila akong yinakap nang mahigpit at hinampas nang mahina. Kahit puno man kaming lahat ng pawis ay napayakap na lang ako sa kanila sa sobrang tuwa.

Nanalo ang team namin sa try out. Dahil dito, malakas ang pag-asa naming makapasok sa starting line- up. Pero depende naman iyon sa mag-aact as coach namin.

"Nice Di!" Lumapit sa'kin si Alex, itinaas ang kamay saka umapir.

Alex has been a friend of mine since I joined the school's volleyball team-- since grade 7. Hindi lang masyadong close kasi nasa ibang strand siya-- ABM-- at bihira ko lang makasama dahil sa mga tambak na gawain sa school.

Pumunta kami sa bench para umupo at magpahinga muna. Napabuntong hininga ako. Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Ang gusto ko lang ngayon ay makauwi na at makapagpahinga. Kung sabagay, uuwi na rin naman ako mamaya, kaunting pahinga lang. Bukod doon ay sinabi sa'kin ni Aides na hintayin ko siya rito.

Napairap ako. Geez. Fifteen days has passed since that fucking moment of ours in the rooftop happened. Hindi niya pa rin ako tinitigilang asarin. Pero ang maganda do'n, unting-unti ko nang nakikita ang pagbabago kay Aides. Bumabait na siya-- dati naman siyang mabait pero ngayon, lumuluwag na ang pagkakatali niya sa'kin. Nakakahinga na ako. Worst is, I'm starting to believe that it's not that bad to be trapped in his maze.

Tapos na kaya sila magpractice? Sila Luke kaya? Si Kai? Si Seitanga?

Napabuntong hininga na lang ako. Sa room na lang kami nagkikita-kita dahil pare-pareho kaming busy at kailangang magpractice pagkatapos ng klase.

Si Clyde...

Natuwa ako at nakaramdaman din ng kaba nang malaman ko na kasali na talaga si Clyde sa grupo nina Aides. They evaluated him last week.

Natutuwa ako dahil kahit papaano ay madidistract ang gagong 'yon mula sa mga problema o pinagdadaanan niya. Natutuwa ako na ngayon ay para bang may rason na talaga siya para kumapit pa. Pero kinakabahan din ako dahil baka kung magpatayan pa sila ni Aides sa practice sessions nila.

At gano'n pa rin. Hindi pa rin ako makalapit sa kanya. Sinubukan niyang lumapit nung isang araw pero dahil bantay sarado ako ni Aides ay agad ako nitong hinila.

"P're oh." Iniabot sa'kin ni Alex ang isang bote ng tubig na agad ko namang kinuha.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat p're."

Agad kong binuksan ang bote saka nilaklak ang lamang tubig no'n. Kung may makakakita man sa'kin, pagkakamalan ako na ngayon lang nakatikim ng tubig dahil sa kauhawan ko.

"So..." Napatingin ako kay Alex nang magsalita siya. "...kamusta na kayo ni Aides?"

Agad kong naibuga sa mukha niya ang iniinom kong tubig nang marinig ko ang sinabi niya.

"Yuck! Ano ba naman 'yan Di! Ba't kailangang sa mukha ko pa?!"

Narinig ko pa ang mga tawanan ng mga kagrupo namin at ng mga taong nasa loob ng court nang makita ang itsura ni Alex habang pinupunasan ang mukha niya.

Nakonsens'ya ako nang makita ko ang basang basang mukha niya. Pero nang maisip ko kung anong sinabi niya ay napahinto ako. Pa'no? Sino? Paano niya nalaman ang tungkol do'n?

"Gano'n ba ang impact sa'yo kapag may nakaalam ng relasyon niyo ni Aides?" Humarap siya sa'kin nang mapunasan niya ang mukha niya. "Hindi ka pa ba sanay o komportable?"

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon