Trapped 31: Heal The Wounded Hearts

4.8K 230 75
                                    

Dian's POV

Nagulat ako nang yakapin ako ni Luke. Tama nga ang hinala ko. Napatingin ako kay Aides nang maramdaman ko ang mga luha na pumapatak sa uniform ko.

"Di... Wala na. Sila na. Si Isha at si Henry na."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay napahagulhol siya.

He's really in love with Henry. Sobra. Naiinis ako. Gusto kong bugbugin ngayon si Henry. Pero hindi ko siya madidiktahan. Sinabi niya mismo sa'kin na nahanap niya na kung sino ang taong seseryosohin niya. I should be happy for him. But I can't. Lalo pa't nasasaktan din ang isa ko pang kaibigan. At isa pa. . . he's been a jerk for years. Alam niya naman pala na may gusto sa kanya si Luke pero umakto at nagkunwari siya na hindi.

Yinakap ko siya pabalik at hinaplos ang likod niya. "Cry. For now, cry. Iiyak mo lang."

Oo, napakaiyakin ni Luke. Dahil doon ilang beses namin siyang inasar na bakla siya. Pero wala eh. Gano'n talaga siya. Malambot talaga ang puso niya. He's really fragile. He's too soft-hearted. When we said that to him, he said that guys are also allowed to cry and breakdown too. Na hindi porket umiiyak na yung lalaki, bakla na agad. Pinaglaban niya sa'min 'yon. He's too pure-- a baby.

Ayos na sa'kin na crybaby siya. Pero yung iyakan niya yung maling tao? No. Hindi 'yon okay. Never.

Henry made him suffer. Nagsuot ng maskara si Luke nang napakatagal para lang sa kanya. Para lang matanggap siya nito at hindi kamuhian.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Aides at ang paghawak niya sa sentido niya. "I'm done with Henry. Why can't he just admit that he loves you? Sorry Luke. It's just that... he's coward."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean? Mahal niya si Luke? Gan'to ba yung pagmamahal? Fuck off Aides. Huwag na kayong magkunsentihan pa ni Henry. Pareho lang kayo."

"I'm not defending him or tolerating his actions. Galit din ako. Luke is important to me." He's serious. Nakikita ko sa mga mata niya.

Napaisip ako dahil do'n. Is it really possible that Henry loves Luke? Totoo bang gano'n din ang nararamdaman niya? No. . . Imposible. Kung totoo nga, ba't sinasaktan niya si Luke? Bakit iba ang sinabi niya sa'kin? Shit. Hindi. Imposible. After all, Henry's a jerk. Ni hindi na ata magseseryoso ang gagong 'yon.

Nagulat ako nang bumitaw si Luke at pinunasan ang mga luha sa mata niya. Ngumiti siya. "Baka may makakita sa'kin dito. Baka mamaga pa mata ko." Tumawa siya nang pilit. Halatang pilit.

Pinupunasan niya yung mga luha niya gamit ang kamay niya, pero parang wala pa rin kasi tuloy-tuloy lang sa pagbabagsakan ang mga ito.

"Here."

Napatingin kami pareho ni Luke kay Aides nang iabot nito kay Luke ang panyo niya. "Use this. You didn't bring yours right? Geez. Hindi ka pa rin talaga nagbabago Luke." Ngumiti siya.

Agad na umiling si Luke sa kanya.

"Hindi mo naman siguro iniisip na magmumukha kang babae kung tatanggapin mo 'to. Gamitin mo na." Ngumiti si Aides saka ginulo ang buhok ni Luke.

Ewan ko pero parang hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko.

Fuck!

Your bestfriend is crying. He's devastated and yet you're thinking of that. Gago ka ba Dian?!

Agad na tinanggap ni Luke ang panyo. "Hindi naman sa gano'n. Natatakot lang akong tanggapin kasi baka masapak ako bigla ni Di. Tingnan mo o, nakakatakot ang tingin niya."

Sinamaan ko ng tingin si Aides nang tumingin siya bigla sa'kin at ngumisi. "Tingin-tingin mo?!" Napatingin naman ako kay Luke saka kinurot ang matabang pisngi niya. "Pasalamat ka umiiyak ka ngayon. Kung hindi, bugbog na abot mo sa'kin." Ngumiti ako sa kanya.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon