Trapped 32: Foundation Day

4.7K 235 56
                                    

Dian's POV

Naalimpungatan ako't nagising nang marinig ko ang malakas na tunog ng ringtone ng cellphone ko. Tangina. Maayos at payapa na sana ang tulog ko eh! Badtrip.

Halos mapaigtad ako nang makita ko ang sobrang lapit na mukha ni Aides pagkamulat ko ng mata ko. Agad ko ring napansin ang mga kamay niyang nakayakap sa'kin. Sa sobrang lapit niya, isang galaw ko lang pwede nang magdikit ang mga labi namin.

Napapakit ako nang marinig ko na naman ang pagtunog ng cellphone ko. Tangina. Sino ba 'yon?! Paboritong kanta ko pa naman ang ringtone ko pero mukhang naiinis na ako sa paulit-ulit na pagtugtog nito.

Ang nakakainis lang, hindi ko alam kung pa'no makakaalis dito. Ayaw ko namang alisin ang kamay ni Aides dahil baka magising siya.

Hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya. Sa totoo lang, hindi mo talaga masisisi kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. He's fucking handsome--really handsome.

Back then, I wished to be him. Sino ba namang hindi? Almost perfect na eh. But. . . right. Tama nga. No one's perfect. Aides has flaws too. Hindi siya gaya nang inakala ko dati.

Pero sino bang mag-aakala na ang tinitingala ko noon, ako pala ang tinitingala? Sino ba namang mag-aakala na ako pala, na isang lalaki, ang gusto niya?

Napabuntong hininga ako. Fucked up-- sobra. Napakagulo. Hindi ko na alam. Ngayong tinitingnan ko si Aides, hindi ko maiwasang makonsensya. Mali. That was a fucking mistake. Hindi ba dapat tulungan ko na lang si Clyde sa halip na gano'n? Pero. . . baka anong magawa niya. Baka gawin niya ulit 'yon. Halos sabunutan ko na ang buhok ko. Tangina. Ba't ba naging gan'to 'to?!

Idagdag mo pa yung hindi humihintong pagtunog ng cellphone ko. Hinawakan ko ang kamay ni Aides na nakahawak sa'kin. Aalisin ko na sana ito para sagutin ang tawag nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya. Mas humigpit din ang pagkakayakap niya kaya mas lalo akong mahihirapang alisin 'to.

Napabuntong hininga ako. Pagsasabihan ko sana ito nang bigla siyang magsalita.

"Don't leave me."

Napakunot-noo ako nang makita kong nakapikit pa ito.

"Geez. Bakit ba hindi ka n--"

"Please... baby. I love you."

Napatigil ako nang bigla na naman siyang magsalita. Agad kong tinapik ang pisngi niya. Pero kahit nilakasan ko pa, hindi siya umaray o nagmulat ng mata. Nananaginip ba 'to?

"Hindi ko kakayanin, Di. Please..."

Bakas sa mukha nito ang takot at lungkot. Kahit nakapikit man at hindi ko nakikita ang mga mata niya. Tangina. Bakit ba nagkagan'to si Aides? Bakit ba nagkakaganito 'to dahil sa'kin?

Naramdaman ko ang pagtama ng mga noo namin nang gumalaw siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinawakan ko ang mukha niya.

Tangina. Bakit kasi ako pa?

"Hmm."

Napaiwas ako ng tingin nang dumaing ito at magmulat ng mata. Agad siyang ngumiti sa'kin.

"Good morning, baby."

"Yeah. Morning."

"I'm kinda relieved seeing you in front of me, lying on the same bed." Ngumiti ulit siya sa'kin. Pero bigla na lang itong naglaho at bigla siyang nagseryoso. "Sobrang sama ng panaginip ko. You left me for someone. Iba yung pinili mo. Tinalikuran mo ako." Tiningnan niya ako sa mata na agad kong sinalubong. Ngumiti siya. "But, that won't happen. That is just a dream. Hindi ka naman lilingon ulit sa iba. No. You won't do that. You can't."

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon