"Nothing good starts in a getaway car", ang sabi nga ng isang kanta. Ngunit kapag ikaw ay nakasakay na, hindi mo namamalayang nagugustuhan mo na ang biyahe. Dahil kasama mo siya. Dahil napapasaya ka niya. Dahil sa init ng halik at yakap ninyong dalawa. Ngunit hanggang saan ka dadalhin ng biyaheng iyon? Handa ka na bang magpreno, huminto at bumaba?
--------------------------------------------------
Nakatitig ako sa kisame nang maramdaman kong gumalaw ang katawang nasa aking tabi na mamasa-masa ang balat sa ilang butil ng pawis. Pumwesto nang nakahalumbaba ilang pulgada lamang ang layo niya sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga na nagpainit ng aking nararamdaman. "I love You, Tom", sambit niya habang kagat-kagat pa ang labi. Napalingon ako bigla dahil sa aking narinig. Ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa aking mukha. Hindi ko mapigilian ang pagsalubong na aking mga kilay at ang pagkunot ng aking noo. Hindi ako nakapagsalita.
Bigla siyang tumawa at napahiga muli. "You should see you face right now", tugon niya. Tumagal ng ilang minuto ang kanyang pagtawa hatid narin siguro sa nakita niyang ekspresyon sa aking mukha. Noong una pa lamang ay alam ko nang kahit anong gawing pagbibiro ni Francis, ay hindi talaga niya akong magawang patawanin. Corny. At ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ay hindi ako natuwa sa kanyang sinabi.
Tumayo siya at inabot ang boxer brief. Isinuot niya iyon at pinulot ang pantalong maong na nasa sahig. Pinanuod ko siya habang pinapasok ang kanyang paa sa butas ng maong. "Uwi na ako", sabi niya habang inaayos ang sarili. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit lamang ang kanyang mga daliri at pinunasan ang mukha gamit ang gray na t-shirt niyang kakasuot pa lamang. Isinuot niya ang kanyang salamin at tumungo na sa sofa at umupo. "Tom, it's just a joke", tumigil siya sa pagtatali ng sintas at tumitig lamang sa akin. Malamang nilinaw niya iyon dahil hindi parin ako umimik. "And your silence is making me feel weird", pahabol niya. Hinablot niya ang kanyang Jansport na nakasabit sa sandalan ng upuan at ikinabit iyon sa kanyang kanang balikat. May kaliitan si Francis at katamtaman lamang ang laki ng katawan kaya naman may kaluwagan sa kanya ang t-shirt na suot niya ngayon. Hindi pantay ang pagkakatupi ng kanyang maong ngunit alam kong balewala iyon sa kanya.
"So... Bye?", nakatayo siya katabi ng pinutan at hawak-hawak na niya ang door knob. Hindi parin ako nakapagsalita. "Okay, alis na ako. Text mo nalang ulit ako pag-miss mo na ako". Tumawa siya ng mahina at tila nagbigay siya ng nakaka-asiwang ekspresyon nang banggitin niya ang salitang 'miss mo na ako'.
Bumagsak ang pintuan at naiwan akong mag-isa sa aking kwarto. Nakasandal ako sa aking headboard at iniisip parin ang nangyari. Tutoo kaya iyon? Napailing na lamang ako. Ayaw kong isipin. Tatlong buwan pa lamang kaming ganito. Wala iyon sa plano. Hindi iyon maaari. Ngunit sa una pa lamang, alam kong may dapat talaga akong ipaliwanag sa kanya. Sinamantala ko lamang ang kahinaan ni Francis at alam kong may posibilidad na tutoo nga ang sinabi niya. Napaisip ako at inaalala ang mga naganap ilang minuto pa lamang ang nakakalipas. Kung bakit ako natulala at hindi makagalaw sa aking posisyon.
Bakit nga ba?
***
FOUR MONTHS EARLIER
Umiwas ako nang batuhin ako ni Calvin ng isang pirasong mani. "Tangina ka", sambit niya. Buti na lamang at madaming tao at maingay dito sa Café Bar. Tinawanan ko lamang siya at inabot ang bote ng beer. Nakailang lunok din ako bago ako sumagot. "Tangina mo rin", sagot ko.
"Man, si Francis? Seriously? How long have you been fucking him?". Itinaas ko ang aking hintuturo bilang sagot bago ako nagpakawala ng mahinang tawa.
Isang buwan.
"Can't believe you're into sweet boys now", naasiwa ako ng bahagya sa sinabi ni Calvin sa akin.