Simula
Sinuot ko na ang aking bag pack at kinuha na rin ang baseball bat ko. Unang araw ng pasukan ngayon at last year ko na bilang high school student!
Excited nako mag try out sa volleyball at baseball! Sana makapasok ako. Palabas na ako ng bahay ng biglang dumungaw si Levi galing kusina.
"Ate hintayin mo na ko ihahatid na kita kung ayaw mo na sumabay kila kuya. Parehas lang naman tayo ng school e." aniya.
Kung makapag sabi ng ihahatid kala mo naman siya ang magdadrive magpapahatid lang naman sa driver namin. Natatawa ako sabay umiling sa kanya.
"Huwag na Levi at may bisekleta naman ako. Kayo na lang ang mag sabay ni mikael, okay? Ingat kayo! Sabihin niyo kila kuya na nauna na ako ha? Love you!" Sabi ko at tinalukuran na siya.
Hindi kalayuan ang skwelahan kaya mas gusto ko na rin mag bike. Exercise na din sa katawan. Ayaw ng mga kapatid ko na mag bike dahil masisira daw ang porma nila. Mas maarte pa sila sakin! Kala mo naman mga pogi. hmmp.
Nakasibilyan pa ang lahat. Bukas pa daw pwde mag uniform kaya malakas ang loob ko na mag bike papasok. Panigurado bukas pipilitin na nila ako na sumabay sa kanila kuya Dustin dahil magpapalda na ako bukas.
Pinark ko na ang bike ko at nilagyan ng lock. Mahirap na baka biglang mag disappear.
Direretso ako papunta na gymnasium ng school. May assembly kase para sa mga gusto agad sumali sa mga clubs at mag try out sa mga sports.
"Yan ba yung nag iisang kapatid na babae nila Dustin?"
"Oo yan ata. Nakakainggit naman siya! Ang popogi ng kapatid niya."
"Hay oo nga! Kaibiganin kaya natin?"
Binilisan ko na ang lakad ko para hindi ako maabutan ng mga feelingera na babae na yon. Simula grade school ay wala akong tumagal na mga kaibigan na babae gawa ng mga kapatid ko. Madalas kase lumalapit at kinakaibigan lang nila ko para mapalapit sa kanila. May mga kaibigan naman ako kaso halos lahat lalake.
Ganon siguro pag nasanay ka na kasama ay mga lalake. Apat na lalake ba naman ang kasama ko habang lumalaki, sakit sa ulo hindi ba?
"FAAAAYYEEEEEE!" Malakas na sigaw ng kung sino. Hindi ako lumingon at baka pinagtitripan lang ako. Diretso pa din ang lakad ko papasok ng gynasium.
"Faye! Faye! Wait for me! Faye!" Biglang may humila sa bag ko. Napahinga ng malakim si Azi.
"Hay sa wakas na abutan din kita! Ang bilis mo naman mag lakad!" Napangiwi ako.
"Hindi ako mabilis no! Mabagal ka lang talaga mag lakad boy!" Pang aasar ko kay Azi.
Isa siya sa matalik ko na kaibigan. Hindi ata niya kasama si Ali? Sinimangutan na ako ng unggoy at hinila na ako papasok sa loob.
Si Azi ang president ng Baseball Club si Ali naman sa Volleyball. Sana naman wag nila ko pahirapan para makapasok agad ako.
"Bakit hindi mo kasama si Ali ha? Mag tatry out ako sa club niyo pareho!" Luminga ako, baka nasa loob na yung isang unggoy e.
"Isang club lang ang pwde na salihan mo Faye. Dahil sabay ang oras ng training namin mahihirapan ka. Kung gusto mo sa dance club ka na lang wag na sa volleyball." Suggestion niya sakin.
"Are you kidding me? Sawa na ko sumayaw, gusto ko ng bagong pagkakaabalahan Azi." Nginiwian ko siya.
Dancer ako nung grade schooler ako tapos mag dadancer na naman sa high school? Ayoko. Dapat ay mag explore ng ibang bagay. Para pag dating ng panahon ay marami ng alam.
Pinaupo na ako ni Azi sa bleacher at iniwan na ako. Kailangan na kasi sila sa stage. Nakita ko na din si Ali at paakyat na ng stage. Ang pogi naman ng dalawa na to? Bakit ba napapaligiran ako ng mga adonis? Nasapo ko na lang ang noo ko.
Kung hindi ako makakapasok sa Volleyball sa ibang sport na lang siguro na hindi sabay ng baseball? Tennis, table tennis or chess? Wag pala chess masyadong boring don.
Natigil lang ako sa pag iisip ng may isang gwapong nilalang nanaman sa harap ko.
"Excuse me miss pwde ba ako makiupo dito?" Seryoso siya. Inilibot ko ang mga mata sa likod ko. Jusme! may bakante pa naman na uupuan at hindi naman ako ang may ari nito!
"Excuse me din pero marami pa na bakante pwde ka umupo doon at hindi ako ang may ari nito para mag paalam ka pa sakin no!" Inirapan ko siya at tumingin na sa stage.
Nagtama ang mata namin ni Azi, nakakunot ang noo niya sabay ngisi sa akin. "Sino yan?" He mouthed. Nag kibit balikat na lang ako
Naramdaman ko na may tumabi sa akin. May malakas ang loob na tumabi sa akin! Madalas kase walang nagtatangka dahil nga puro lalaki ang kapatid ko at kilala sa buong National School! Bumaling ako, yung lalaki pala na nagtanong sakin kanina."Excuse me transferee ka ba ha?" tanong ko sa kanya pero nag suot lang siya ng headset at hindi ako pinansin!
Mokong na to snaber hindi naman pogi! Mas pogi pa din mga kapatid ko! Inisnob ko na din siya at bumaling na lang sa stage.
"Oo transferee ako." Mahinang sagot niya tama lang para marinig ko. Sasagot din pala mag iisnob pa! Hindi na lang ako sumagot ulit.
"Faye ang kuya mo wala pa ba?" anang isang babae.
"Idunno." Walang gana kong sagot.
May kumalabit ulit sakin.
"Faye si Dustin ba pumasok na? Malapit na kase mag start." Yung secretary ata to ng Student Council.
"Parating na yon miss." Nginitian ko siya. "Ayan na pala o?" Sabay turo ko sa pintuan ng gym.
"Sige thank you!" aniya.
Maraming intro na sinabe. Nagtagal ng halos isa't kalahiting oras ang orientation. Nababagot na ako at na gugutom na rin. Wala na ko na iintindihan sa sinasabi ni kuya Dustin.
"Okay lahat ng sasali sa mga club mag fill up na lang ng form at ipasa sa mga president, okay? Yun lang maraming salamat sa oras niyo. Pwde na kayo pumasok sa mga klase niyo. Bago mag uwian pwde ipasa ang form ha?" Pag tatapos ni kuya.
Tumayo na ko at balak na umalis at pumasok sa klase ko. Bigla na naman may humila sa bag ko.
"Ano ba Azi hila--" Natigil ako sa pag sasalita hindi pala si Azi ang humila sa bag ko yung lalaki kanina!
"Bakit?" tanong ko.
"Pasensya na. Hindi ko alam kung saan ang classroom ko." Inosente niyang tanong sakin.
"O tapos?" Napakunot noo ako. Gusto niya ba na ihatid ko pa siya sa room niya? Jusme!
"Pwede ba ako sumabay sayo?" kumunot lalo ang noo ko. Nakita ko si kuya kausap yung secretary niya
"Kuya Dustin!" Nilingon ako ni kuya. "Kailangan niya ang tulong mo!" Sabay turo ko sa lalaking kaharap ko..
"Kay kuya ka na mag pasama sa classroom mo ha? Bye." Tinalikuran ko na siya at mabilis na nag lakad palayo sa kaniya.
Madami naman siya pwde sabayan sakin pa talaga? Jusme talaga! Dumiretso na ako sa classroom ko. Tumigil sa pag uusap yung mga magiging kaklase ko dahil sa pag pasok ko.
"Hi Faye! Pumasok si klaus?"
"Uy Faye classmates pala tayo!"
"Hello Faye!"
Plastic! Nginitian ko na lang sila at dumiretso na sa bakanteng upuan sa likod malapit sa bintana. Natulala ako sa labas ng bintana. Classroom to Faye? Charot.
Dirediretsong pumasok ang magiging adviser namin kasunod niya yung lalaki kanina! Pag minamalas ka nga naman o. At mas lalong minamalas ka nga naman o sa tabi ko na lang ang bakanteng upuan! Jusme naman.
BINABASA MO ANG
Faye And Faith
FanfictionKambal na na ulila. Kambal na pinag hiwalay ng tadhana. Kambal na matatag at patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Muling pagtatagpuin ang kanilang landas. Si Mary Faye na inampon ng pamilyang Amir. Si Mary Faith na naiwan sa Red Heart Or...