BallsNasa classroom na ako at nag fifill up ng form for the baseball club. Sana talaga hindi ako pahirapan ni Azrael.
Gusto ko maging exciting ang highschool life ko at sport ang tanging sagot.
I don't have many friends. Bilang lang sa daliri pero lahat totoo.
Biglang may umupo sa katabi kong upuan. Nilingon ko siya at naabutan ko siyang nakatingin sa papel na fini-fill up-an ko.
Tumingin din siya sa akin. I admit it, he's fucking handsome! Pero mas gwapo pa din ang mga kapatid ko. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit.
My heart skip a beat. Jusme! Bigla akong kinabahan. Tinaasan ko siya ng kilay at nag iwas na ng tingin.
What the heck is that?
Mabilis na lumipas ang oras, its lunch time. Lumabas na ako ng classroom para pumunta kay Azi at maipasa na ang form.
Pumunta ako kung saan madala siyang tumabay kasama si Ali. Sa benches malapit sa field.
Nakita ko agad sila kaya mabilis akong lumapit at inabot ang papel kay Azi.
Tumingin siya sa papel tapos sakin tapos kay Ali.
"Ano to love letter Faye?" natatawa niyang tanong sabay kuha ng form.
"Dream on Azrael. Club form yan. Kelan try out?" Naupo ako sa tabi ni Ali. "Hi Alejandro!" I greeted him.
"Mamaya may try out. Sure ka ba talaga dito? Pumayag mga kapatid mo?" Nag aalangan niya tanong.
Tumango lang ako.
May nag abot ulit ng form sa kanya. Nagulat ako kase yung classmate ko na hindi ko pa din alam ang pangalan.
"David Karius Madrigal." Basa niya sa pangalan. "May try out mamaya. Ipapatawag na lang namin kayo." Sabi ni Azi.
Tumango lang si Karius at umalis na ng walang sinasabe.
Madrigal? related kaya siya sa mga Madrigal ng Real?
"Pinsan pala yon ni Marcus." sabi ni Ali. Mukang nabasa yung iniisip ko. Napa "Oh" na lang ako.
"I should go now. Mamaya na lang ulit." pagpapaalam ko.
My phone beep once. Kinuha ko ito at nakita ang text ni Levi.
Levitong
ate do you want to try MMA? Magtatry kami ni Mikael. Do you wanna come?
MMA? Mix Martial Arts ba yon? Ano ba yan tinatanong pa ba ko niyan? Syempre oo!
to: Levitong
call you later.
Nakabalik na ako ng classroom ng biglang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag. si Levi.
Pinatay ko ang tawag niya. Malapit na kase dumating ang teacher at paniguradong kukulitin lang ako non.
I set my phone in silent mode. Masyado talagang makulit ang itlog na to.
Dumating na ang susunod na teacher. Mabilis na lumipas ang tatlong oras.
Nasa kalagitnaan si ma'am ng discussion ng biglang may kumatok sa pinto. Pinapatawag na raw ang mga magtatry out sa baseball club. Kaya tumayo na ako at nag paalam na sa teacher namin.
I checked my phone bago pumunta sa field. 100 missed calls?! Lahat galing kay Levi. Kaya tinawagan ko na siya agad.
Hindi pa natatapos ang isang ring ay sinagot na niya agad ito. Wala ba siyang klase? O baka nag cutting nanaman.
"Why are you not answering my calls--" Pinutol ko agad ang sinasabi niya.
"Nag cutting ka?" huminto ako sa pag lalakad.
"What? No! Wala kaming teacher. Where are you? Are you done? Tara na?" Sunod sunod na sabi niya.
"Magtatry out ako ngayon. Do you wanna watch? Sa field punta ka na lang." I informed him.
Magsasalita pa sana siya pero pinatay ko na ang tawag at dumiretso na sa field. Kasunod ko naman si Karius.
Nakapagpalit na ako ng sports attire namin. Halos lahat ng magtatry out. If ever na hindi ako makapasok mag MMA na lang ako.
I smirked. Walang talo.
Napalingon ako sa gilid ko. I saw Karius looking at me. Kinabahan ako at nag iwas ng tingin. Panira naman to!
"Para kang may gagawing masama sa itsura mo." walang gana niyang sambit.
Aba't ang loko na to!
"Jusme pake mo ba!" pagtataray ko sa kanya pero hindi nanaman ako pinansin.
"Kaya ba niyang patpatin mong katawan ito? Ikaw lang ang babae na gustong mag try out nito." nagsalita ulit siya.
"Oo kaya ng patpatin na katawan ko to kaya ko nga baliin buto mo e." I rolled my eyes.
Bwiset talaga to! Patpatin? Ako? Myghad! Ang dami nga naiingit sa katawan ko kase physically fit ako! Ang sarap talaga sakalin nitong si Karius e.
Nagsimula na ang tryout. Ang hirap pala talaga nung mga drills nila pero keri ko naman. Ako nga lang ang nag iisang babae na nagtry out.
Duh!
Syempre maarte mga babae dito sa school.
Nang matapos ang try out pinapila kami lahat. Nasa fifty kame pero ten lang daw ang kukunin.
Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Azi yung huling nakapasok na lang ang narinig ko.
"And the last one is Karius Madrigal. Thank you for coming. Pwde na kayo umuwi." Azi dismissed us.
Malungkot ako nagpunta sa bleacher at kinuha ang gamit ko. Tumunog ang cellphone ko. May nagtext ata.
Chesteababes :
got some good news for 'yah. I found her! call me asap.
Biglang gumanda ang mood ko. Okay lang kahit hindi nakapasok sa try out may good news naman na kapalit.
"ATEEE ILAAAAG!"
"FAYEEEEE!"
"OMYGOOOOOD!"
Pag lingon ko sa kanila bigla na lang may tumama sa mukha ko na bola ng basketball. Nakaramdam ako ng hilo at bigla na lang dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Faye And Faith
FanfictionKambal na na ulila. Kambal na pinag hiwalay ng tadhana. Kambal na matatag at patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Muling pagtatagpuin ang kanilang landas. Si Mary Faye na inampon ng pamilyang Amir. Si Mary Faith na naiwan sa Red Heart Or...