Chapter 7

6 0 0
                                    

 
Enemy

  Tatlong araw ang lumipas bago ulit nagkaroon ng malay si Faith. Nasa tabi niya lang ako simula nung matulog siya ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanatili lang ako sa tabi niya.

Gusto ko ako ang una niyang makikita pag dilat niya.

Ang payapa niya tingnan pag natutulog, pero once na maalimpungatan siya ay bigla na lang nagwawala, umiiyak at humihingi ng tulong.

Na Trauma daw sabi ng doctor. Gaano ba ka grabe ang nagawa nila sayo Ate? Mga hayop sila. Hindi ko sila mapapatawad.

Nagulat ako ng may humawak sa pisnge ko.

"Umiiyak ka na naman Faye." she smiled weakly.

Hinawakan ko ang kamay niya at di na napigilan ang damdamin ko. Niyakap ko siya.

"Ate so..sorry. Kung mag..kasama lang siguro tayo hi..hindi sayo to mangyayare." I cried again and again in her arms.

"Tahan na Faye." Paulit ulit na bulong niya at hagod sa buhok ko.

Hindi ko matanggap ang nangyare sa kanya. Guilty ako kase wala ako sa tabi niya ng kailanganin niya ko.

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Kailangan kong kumilos at hanapin ang gumawa sa kanya nito.

Inayos ko na ang sarili ko. Kailangan ko siyang tanungin.

"Ate sino ang gumawa sayo nito?" i asked her.

 

Pero nag iwas lang siya ng tingin. Ayaw niyang sabihin. Mukang alam niya kung anong gagawin ko, pero kahit na hindi niya ko mapipigilan.

"Pwede ba na humingi ng pabor si Ate sayo Faye?" she smiled. Mukang alam ko na kung ano ang hihilingin niya sakin.

"Pwde ba na wag mo na lang alamin? Ayoko na pati ikaw ay mapahamak Faye. Mas lalong hindi ko kakayanin." Naiiyak na turan niya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko kaya na magbulag bulagan sa nangyari sa kanya. Nakikita ba niya ang sarili niya? Yung binti niya na bakal at naka semento. Yung mga pasa at sugat niya!

I looked at her with my dead-serious eyes.

"I'm sorry Ate pero hindi ko mapag bibigyan ang pabor mo." Tumayo ako at lumabas ng kwarto niya.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa roof top ng hospital.

  Kinapa ko ang bulsa ko at naalala ang cellphone ko. Binuhay ko na ulit. Pinatay ko to nung bago ako mag punta dito.

Sunod-sunod na text messages ang pumasok. Inaantay ko na matapos lahat ng pag pasok ng messages ng biglang mag ring.

Kuya Conor Calling....

Sinagot ko ang tawag ni Kuya.

"Where are you Faye?"

"May inaasikaso lang akong importante kuya." Walay buhay na sagot ko.

"Nag aalala si Mommy sayo. Sana nag sabi ka manlang sa kahit isa samin diba?"

"I know. I'm sorry, okay?" Walang gana ko pa din sayo.

"Umuwi ka na bago pa kita ipahanap."

"Hindi muna ako makakauwi. Pakisabi na lang kay mommy Kuya." Walang gana kong sagot.

"Umuwi ka na."

*toott* *tooott*

  Napabuntong hininga na lang ako. Sinuot ko ang hoodie ko. Kailangan ko muna mag pakita kay Mommy bago pa siya mag freak out at awayin silang lahat sa bahay.

Mapuntahan nga muna si Chesca sa baba bago ako mag paalam kay ate.

Napahinto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang usapan ng isang grupo sa gilid.

"Sabi nung nurse wala na daw dito." anang isang babae na mahaba ang buhok.

"What?! Saan naman mapupunta ang babae na yon?!" nanggagalaiting sigaw ng isa.

"Baka nag tago na sa sobrang takot saten." Natatawang sabi ng isang lalaki.

Bale lima silang mag kakaharap.

"Matakot na talaga siya. Dahil sa susunod na makita ko siya. Hindi lang iyong binti niya ang babaliin ko. Lahat na ng buto sa katawan ni Faith." Malademonyo itong ngumisi.

Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko na silang sugudin. Gusto ko silang patayin. Pero alam ko na hindi pa ito ang oras. Kinalma ko ang sarili ko at dire-diretso ng nag lakad papunta sa kotse ni Chesca.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faye And FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon