Chapter 5

10 0 0
                                    

 
Broken

Naalimpungatan ako. Biglang bangon at tayo ko biglang hilo rin ako. Ay pucha! Bakit nasa kwarto na ko? Napaupo ako sa kama. Iniisip kung ano nangyare kanina.

Naguusap lang kami kanina sa field tapos lumingon ako?

Naalala ko na!

Tinamaan ako ng lintek na bola!

Nasapo ko ang noo ko. Kumirot pa. Mukang may galit ata yung nagbato sakin non a?

Napabaling ako sa wall clock. 1am na pala! Makatulog na nga ulit.

Bago ako mahiga naalala ko si Chestea! Jusme! Gising pa kaya yon? Hindi na ko makakapag antay hangang mamaya!

I dialed Chesca's number. Isang beses lang nag ring at sinagot niya agad.

"Helloooooo sissy! Bakit ngayon ka lang tumawag. Kanina pa ko nag aantay ng tawag mo Fayeyababes!"

Full of energy pa din siya. Hindi ba siya nalolowbat?

"May nangyare kase kanina e. Anong balita? Alam mo ba san siya nakatira? Address? Cellphone number? Nag aaral ba siya?! Sumagot ka! Hoy Chest--"

Sunod sunod na sabi ko pero pinutol niya ko agad.

"Hep! Hep! Kalma 'day! i got all the information that you need. Just freaking calm down. Gusto mo puntahan natin ngayon? Nightshift kase siya e. Ano G?"

Hindi na ko nag dalawang isip pa at um'oo agad ako. Ilang taon ako naghanap sa kanya pero masyadong mailap. Mukhang ayaw magpahanap. Kaya hindi ko palalampasin to. Chance ko na to.

Nagpalit ako ng itim na oversized jacket at denim na short. Kinuha ko yung susi ng kotse sa kwarto ni mommy.

I drove to Chestea's place. Bumusina ako ng dalawang sunod at lumabas na agad siya.

Naka oversized jacket na white at denim na short din siya. Gaya gaya ng ootd! Hmmp.

Pag sakay niya bigla niya kong tiningnan head to foot tapos nag taas ng kilay.

"Gaya gaya!" bulong ko pero sinadya ko na iparinig sakanya.

sumimangot siya. "Excuse? Kanina ko pang umaga suot to no. Baka ikaw dyan gaya gaya!" Sabay irap.

Ang cute talaga pag naasar e?

Nung unang beses ko siyang nakita na kasama ni Chase akala ko girl toy niya kapatid pala! Jusko.

Hindi kase sila magkamukha e. Moreno si Chase samantalang si Chesca tisay na tisay! Parang koreana. Clearskin pa! Sana all Chestea.

"Address girl? Bilis. Gusto ko na siya makita!"

Sinabi niya sakin yung address ng cafe kung saan siya nagtatrabaho. Nag drive ako papunta don. Binilisan ko.

"Whathefck! Hoy magdahan dahan ka girl. Ayoko pa mamatay! Walang kasama si choco sa bahay!" Sigaw niya na sobrang lakas.

Kaya binagalan ko na. Nagulat ako kase bigla siyang nambatok! Aba binagalan na nga tapos nambatok pa.

Natawa ako kaya sinamaan niya ko ng tingin. Nagsorry ako sabay peace sign sakanya.

Medyo malayo yung cafe. Tahimik lang kame pero hindi nakatiis si Chestea at nagsalita na.

"Anong gagawin mo pag nakita mo na siya ulit Faye?" tanong niya.

Faye And FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon