Ate
Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan. Wala akong balita kay Faith. Bigla na lang nawala na parang bula.
Naging busy ako sa mga project at Quizzes. Mali. Ginagawa kong busy ang sarili ko para hindi siya maisip. Kahit free time ay nag babasa pa din ako ng notes.
Effective naman kahit pa-paano.
Uwian na. Naglalakad ako pababa ng building ng mag ring ang cellphone ko.
Chesteababes's Calling ........
Sinagot ko agad ang tawag.
"Nahanap ko na siya Faye. Nasa Hospital si Faith. Hintayin mo ko sa labas ng school mo susunduin kita."
Pinutol niya agad ang tawag.
Hindi nag proseso sa utak ko yung sinabe niya. Hospital? Sinong na ospital? Si Faith? Anong nangyare
Kumalabog ang dibdib ko. Masama ang kutob ko. Nag madali akong bumaba ng hagdan.
Nakasalubong ko si Levi at Mikael.
"Ate let's go. Uwi na tayo." Sabi ni Levi.
Dire-diretso lang ang lakad ko na parang walang narinig. Kailangan ako ni Faith. Tatakbo na sana ko ng biglang may humawak sa pulso ko.
"Ate okay ka lang ba? Saan ang punta mo?" Mikael said.
"May pupuntahan lang ako. Mauna na kayo." Tinanggal ko ang kamay niya.
Kumunot ang noo ng dalawa. Nagtataka sa kinikilos ko.
"Samahan ka na nam--." I cut them off.
"Mauna na ko. Sabihin niyo na lang kila kuya. Ingat pag-uwi." Sabi ko at tumalikod na.
Saktong pag labas ko ng gate ay siyang dating ni Chesca. Agad akong sumakay.
"Let's go Ches." seryoso kong sabi.
Tinanguan lang niya ako at nag drive na paalis.
Nanginginig ang kamay ko. Nanlalamig ang pakiramdam ko. Parang hindi ko ata kakayanin.
Sumulayap sakin si Chesca.
"Lakasan mo ang loob mo Faye. Hindi ko pa alam kung bakit nandon. May nag sabi lang sakin." Chesca said.
"Kung hindi mo kaya ako na lang ang pupunta. Antayin mo na lang ak--" pinutol ko ang sinasabi niya.
"No. Hindi pwde. Ikaw ang mag antay dito at ako na ang pupunta sa kanya." Sabi ko. Labas pa din ang tingin.
Natatakot ako. Kinakabahan. Anong nangyare Faith?
Pinarada ni Chesca ang kotse at dali dali na akong lumabas....
Nag tungo ako sa Emergency Room. Lumapit ako sa isang nurse at nag tanong.
"Excuse me. Mary Faith Montercarlos. Where is she?" Luminga ako.
"O miss anong ginagawa mo dito? Nilipat ka na sa room mo diba? Okay ka na ba? Yung binti mo okay na?" salubong ang kilay ng nurse. Nagtataka.
"I'm her twin. Where is she?" nawala na ang pagtataka niya. "Nasa second floor. Room 56 siya." Tinanguan ko lang siya at dali dali siyang pinuntahan.
Saglit lang ay narating ko agad ang room niya. Nakatayo ako sa harapan ng pinto. Lumipas ang isang minuto hangang umabot na ng kalahating oras. Tulala pa din ako sa pintuan niya.
Lakasan mo ang loob mo Faye. Kaya mo yan. I open the door. Napatakip ako sa aking bibig. Gulat. Sakit. Galit. Pwde pala na sabaty sabay na maramdaman to? What happened to you Faith?
Sinarado ko ang pinto. Nanlambot ang tuhod ko. Napahikbi ako. Anong nangyare sayo Ate?
Si Faith na karatay sa kama puro galos at pasa ang katawan. May cast ang kanang binti at may benda sa ulo.
Tumayo ako at naupo sa tabi niya. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pag patak.
Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor. Tumayo ako at inayos ang sarili.
Natigilan ang doctor at nurse.
"Are the guardian of Faith?" the doctor asked.
"Yes. What happened to her? Aksidente ba?" my voice broke.
"Sana nga ay aksidente na lang ang nangyare. She had a head injury and a broken leg. Bruise all over her body. Ginamot na ang mga sugat niya. Antayin na lang natin na magising." mahabang paliwanag ng doktor.
"Anong ibig mong sabihin?! Anong nangyare sa kapatid ko?! SUMAGOT KAYO!" Walang naisagot ang kahit isa sa kanila.
Dumating si Chesca at pinalabas ang doktor. Tulad ko ay gulat din siya. Napaiyak na lang ako sa sinapit ng kapatid ko.
"Anong nangyare? Bakit ganito? Aksidente daw ba?!" hindi ako umimik. Hindi ko din alam. Wala ako maisasagot.
Natulala na lang kaming dalawa. Gulat pa din sa sinapit ni Faith. Gumalaw si Faith. Umungol na para bang sinasaktan siya. Natakot ako. I try to wake her up.
"Faith wake up!" hinawakan ko siya sa braso.
Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Umiiyak siya at hinahampas ako.
"TAMA NA! AYOKO NA! PARANG AWA NIYO NA! TIGILAN NIYO NA KO!!" paulit ulit niyang sigaw sakin.
Niyakap ko siya. Hindi ko siya binitiwan kahit na pinagtutulakan niya ako. Unti-unti na naman nagpatakan ang mga luha ko.
"Sssh. Faith it's okay. It's me Faye. Tahan na nandito na ko. Hindi na kita iiwan." I cry my heart out.
"Ako to ate." Bulong ko sa kanya habang umiiyak.
Huminto siya sa pag wawala at dahan dahan akong tiningnan.
."F--Faye? Ik..aw na ba ta..laga yan?" tumango ako. "Ang ta..gal kit..ang hin..intay. Aka..la ko naka..limutan mo na ko." Hiniga ko siya ulit. Nginitian niya ko. Napaiyak nanaman ako.
"Magpahinga ka muna. Mamaya na tayo mag usap ha?" I smiled at her.
"Iiwan mo na naman ba ako?" tanong niya. Ang mga mata'y puno ng lungkot, pagod at pighati.
Umiling ako. How can i leave? Hindi na ata kita kayang iwan Faith. Hindi na ko aalis sa tabi mo. Nandito na ako para protektahan ka.
Humanda lahat ng may kinalaman sa nangyare sayo. Mag babayad sila. Ipinapangako ko!
BINABASA MO ANG
Faye And Faith
FanfictionKambal na na ulila. Kambal na pinag hiwalay ng tadhana. Kambal na matatag at patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Muling pagtatagpuin ang kanilang landas. Si Mary Faye na inampon ng pamilyang Amir. Si Mary Faith na naiwan sa Red Heart Or...