Brothers
RaceAfter lunch ay pwde na daw umuwi. Puro kase introduce yourself lang ang ginagawa namin. Wala rin yung ibang teacher kaya wala ng choice si Sir Martin ang adviser namin kundi pauwiin na kame.
Nasa parking na ako kung nasaan ang bike ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Chase Calling ....
Ano kaya problema nitong tukmol na to? Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello Chase baket?" sagot ko. "Hello?" Walang sumasagot sa kabilang linya.
"Hoy chase pinagtitripan mo ba ko? Tatawag tawag ka tapos hindi ka mag sasalita! Bahala ka. Babye na!" Papatayin ko na sana tsaka naman siya nagsalita.
"Hello faye? Pa..pasensya na na..kaistorbo ba..ko?"
Nahihirapan siya sumagot. Nakng! Nag ka trouble na naman siguro to.
"Pauwi na ako. Baket anong nangyare sayo?" kinabahan na ako.
"May mga tao na nag..punta di-to hinahanap ka! Gusto ka daw makalaban! Sabi ko sa kanila hi..ndi ka na kuma..karera ayun binugbog ako at ki..ki..kinuha nila si choco ko faye!" Naiiyak na sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Sige babawiin ko si choco. Send me the details. Gotta go. Bye!" Sabay patay ng tawag.
Nakngtokwa! Sermon na naman aabutin ko sigurado dun sa apat na itlog kong kapatid. Makauwi na nga. Nakatanggap ako ng text galing kay Chase.
from: ChaseTukmol
Antipolo. April 8. 10Pm. Thank you Faye!
to : ChaseTukmol
Pag nakuha ko na si choco tsaka ka na mag thank you.
Binulsa ko na ulit ang cellphone ko at nag bike na pauwi. Kinabukasan na agad yung race, hindi na ko magkakapag practice.Seven years old ako natuto mag drive, si papa ang coach ko. Drug racer kase si papa. Sa aming lima ako lang ang naturuan niya. Yung apat na itlog hindi at ayaw nila sumbukan dahil delikado daw ako lang ang nag lakas loob na magpaturo kay papa.
Three years ng patay si papa. Hindi pala patay, isang araw bigla na lang siyang hindi umuwi. Hindi namin alam kung nasan na siya. Kung may ibang pamilya na ba o ano?
Hinayaan na lang namin. Hindi na namin hinanap pa. Buti na lang matatag si mommy at ang mga kapatid ko.
Umaasa pa din ako na isang araw babalik na lang siya bigla. Namimiss na namin siya. Hays.
Pag ka dating ko sa bahay ay hinanap ko na agad si kuya Dustin. Kailangan ko na ipaalam yung kotse para bukas.
Pinuntahan ko si kuya sa kwarto niya. Pero wala pa siya. Hindi pa ata nakakauwi? Nakita ko si mommy na pababa ng hagdan kaya sinundan ko.
"mum si kuya Dustin po ba nakauwi na?" tanong ko.
"Wala pa ang kuya mo Mary. Dapat kase sumabay ka na sa kanila para sabay sabay na kayo makakauwi." Sermon ni mommy at hinarap na ako.
Kamot ulo ko siya na nginitian. Kay mommy na lang kaya ako mag paalam?
BINABASA MO ANG
Faye And Faith
FanfictionKambal na na ulila. Kambal na pinag hiwalay ng tadhana. Kambal na matatag at patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Muling pagtatagpuin ang kanilang landas. Si Mary Faye na inampon ng pamilyang Amir. Si Mary Faith na naiwan sa Red Heart Or...