-ALY P.O.V-
PAGKATAPOS NG pag-uusap namin ni Detective Sison ay agad akong dumeretso sa FRC (FLAG RAISING CEREMONY), Natapos 'yon ng nakatulala lang ako sa kawalan.
Hindi naging mahirap sa'king hanapin ang classroom ko dahil nasa ground level lang ito, Pagkapasok ko ay agad kong binati ang proffesor ko.
"Good Morning Sir," bati ko at nginitian siya.
"Transferee?"
Tumango ako at ngumiti siya pabalik sa'kin.
"Okay, Introduce yourself," sabi n'ya kaya inayos ko ang aking sarili at humarap sa mga kaklase ko.
Halos manlaki ang mata ko ng makita ko siya sa bandang likuran at nakangiting nakatitig sa'kin. Kinalma ko ang aking sarili para iwasan siya ng tingin para hindi ako mailang habang nagsasalita ako dito sa unahan.
Natapos ang aking pagpapakilala kaya iginiya ako ng prof ko na umupo sa bandang dulo, tsk bakit sa dinami daming pwedeng upuan ba't pa ako dito pinaupo sa tabi ni Johson, tsk nakaka-inis.
Nakaramdam ako ng sobrang inis dahil sitting arrangement pala 'to, ba't kasi alternate ang boys ang girls at naka alphabetical pa! 'yan tuloy katabi ko 'tong lalaking 'to!
Nakalipas lang ang ilang oras at nagpasya na munang umalis ang prof namin dahil magiging busy sila sa paggagawa ng schedule para sa amin, kaya ang mga kaklase ko tuwang tuwa at kanya kanyang pakulo sa loob ng classroom, may naglalaro, nag-ce-cellphone, nag-kukuwentuhan at ang karamihan ay natutulog.
Nag-angat ako ng tingin nang tumayo ang isa kong katabing lalaki, hawak hawak ang kanyang cellphone ay nagpunta siya sa likuran kaya lumingon ako doon, hindi ko napansin na may naglalaro pala ng chess sa likod.
Napansin ko ang pananahimik ng katabi kong detective na ito, naka-cross ang kanyang mga braso at tulog?
Halos matawa ako sa itsura n'ya, akalain mong gwapo pala 'to kahit tulog.
"'Wag mo akong titigan."
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lamang siyang magsalita, kung may sakit siguro ako sa puso malamang inatake na ako!
Sumandal ako sa upuan ko at pumikit dahil sa hiya, nasapo ko na lang ang sarili kong noo dahil tititg na titig pala ako sa kanya. Pasimple akong lumingon sa kanya pero mukhang mahimbing siyang natutulog, hindi kaya nag-ssleep talk siya? Hindi na masama dahil isa siyang detective dahil alam kong sisiw lang iyon sa kanya para matutunan 'yon.
"Akin ulit 'yung white!" rinig kong sabi ng gwapong lalaki na naglalaro ng chess sa aming likod, bumaling ako ng tingin doon, napakamot na lang sa ulo ang kalaban n'ya.
"Ang daya naman, lagi na lang sa'yo ang white!" Angal nung kalaban n'ya.
"Favorite ko eh," at nagtawanan sila, hindi ko na sila pinansin at hinintay na lamang na matapos ang klase.
Hindi rin nagtagal ay tumunog na ang bell hudyat na lunch break na, nagdalawang isip pa ako kung lalabas ba ako hindi dahik wala naman akong makakasabay kumain, pero sa huli lumabas na din ako para naman masaulo ko ang pasikot-sikot ng school na 'to.
Pagakarating ko sa Cafeteria, walang pang-single seat doon kaya napakamot ako sa aking ulo, no choice ako kundi umupo doon sa vacant seat na kasya ang apat na tao.
BINABASA MO ANG
Chasing Hex
Mystery / ThrillerJoin the adventures of the two students who has the same interest in the world of mysteries.
