Chapter • 2: COPY PASTE (1)

156 11 2
                                    

-ALY P.O.V-

NANG MGA SUMUNOD na araw, naging normal na ang lahat, nagsimula na ang klase dahil natapos na ang ginagawang schedules ng mga teacher.

Napalingon ako sa upuan ni Nico Baltazar, walang nakaupo ro'n dahil sinuspend siya ng Dean for 2 weeks dahil nanggulo siya sa Dean Office nung isang araw.

Natigil ako sa aking mga iniisip nang magsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas, hindi ko namalayang Lunch Break na pala. Tinignan ko ang katabi kong si Johson, nang mapansin kong tulog siya ay bahagya kong tinapik ang braso n'ya, at nang magmulat siya ng mata ay sinenyasan ko siyang pumunta ng Cafeteria kaya tumango na lang siya.

Magkasabay kami ni Nichole na pumuntang Cafeteria, samantalang si Johson naman ay pumuntang washroom.

"Tara umorder," anyaya ni Nichole pero pinigilan ko siya.

Taka n'ya akong nilingon.

"Ako lang ang oorder," pagtatama ko at nginitian siya, "Libre ko."

Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, "Nakakahiya naman," nahihiyang usal n'ya pa pero hinayaan n'ya na rin ako sa huli.

Maluwag ang cafeteria ngayon dahil siguro maaga pa, may mga tao na rin naman kaso nasa iilan lang.

Pagkarating ko sa Counter, tumambad sa akin ang nakapamewang at nakataas na kilay na Tindera, hindi ko 'yon pinansin para hindi n'ya ako panghinalaan.

"Set C," sabi ko at iniripan n'ya ako, hindi ako nagpadala sa mga titig n'ya, at hinayaan ko na lang siyang kunin ang order ko at padabog na nilagay iyon sa harap ko. Weird.

Dala dala ang inorder ko ay bumalik na ako sa table namin, hindi pa man ako nakakalapit ay natanaw ko na agad si Johson.

"Mukhang antok na antok ka ah," bungad ko sa kanya at binigay ang inorder kong kape, sa'kin sana 'yon kaso mas antok 'tong kasama ko kaya sa kanya ko na lang binigay.

Nginitian n'ya na lang ako kaya inayos ko na ang mga pagkaing inorder ko.

"Anga dami naman," pagkamangha ni Nichole pero hindi ko na 'yon binigyang pansin.

Napansin ko ang pananahinik ni Johson kaya medyo nag-aalala ako sa kanya.

Nag-umpisa na kaming kumain, pilit na nakisabay si Johson, nung mapansin kong namumutla siya ay sabi ko ay dadalhin ko siya sa clinic pero tinanggihan n'ya lang iyon dahil ok lang daw siya at antok lang daw talaga siya.

Dahil doon hindi ko na siya pinilit at hinayaan ko na lang siya.

"Oh, the bitch is here!"

Napalingon kaming dalawa ni Nichole sa nagsalita, nakaupo angbisang babaeng may mahabang buhok sa table kasama ang dalawa n'yang aakalain mong alipores sa likod.

Nakilala ko ang babaeng 'yon kahapon, siya si Flecity Koa, ang Ex ni Nico Baltazar kilala siya sa campus sa pagiging bully, kahapon nga hinarang n'ya ako sa gate at sinisi ako sa pagkaka-suspend kay Nico.

"Plagiarist! Plagiarist!" sigaw naman ng mga alipores n'ya.

Napatingin ako sa sinasabihan nila, makikita ang isang babaeng nakasalamin at aakalain mong palaboy dahil sa kulot n'yang buhok at maitim n'yang katawan.

Chasing HexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon