-ALY P.O.V-
"Bitiwan niyo ako."
MULA SA AKING Kinatatayuan ay kitang kita ko ang mga pulis habang hawak ang sumisigaw na suspek.
"Bitiwan n'yo ako sabi eh," muling pumiglas ang suspek, pero dahil sa liit n'ya ay hindi siya makakawala dahil malalaking katawan ang bumibitbit sa kanya.
Pumasok kami sa katabing classroom malapit sa pinangyarihang ng crimes scene.
Napapalibutan kami ng mga pulis, nasa gitna kami ni Johson kasama si Inspector at ang suspek.
Sandaling katahimikan ang naganap at maya maya ay binasag iyon ni Inspector sa pamamagitan ng pagtikhim.
"Totoo bang ika-"
"Ilang ulit n'yo na 'yang tinanong sa'kin, kaya pwede ba! Ito lang ang natatangi kong sagot, HINDI KO ALAM ANG MGA PINAGSASASABI N'YO!" natigilan kaming lahat dahil sa pagsigaw ng suspek na ngayo'y naghahabol na ng hininga.
Tumingin ako kay Johson at wala siya sa sarili at may kung anong iniisip.
Bumalik ako sa suspek at saka ko siya sinamaan ng tingin.
"Kung wala ka talagang kinalaman sa nangyari, nasa'n ka nung time na 'yon," seryoso kong tanong sa suspek.
Tahimik ang paligid at parang ang atensyon ng iba ay nasa amin lang dalawa.
Bumuntong hininga ang suspek at saka ngumisi, "Nasa cafeteria ako nung time na 'yon, kumakain kami kasama ang mga kaibigan ko."
"Kung ganon, ikaw nga talaga ang salarin."
Nalipat ang atensyon ko kay Johson ng bigla siyang magsalita, ang tono ng kanyang pananalita, ang kanyang postura at ang kanyang nga tingin, ngayon ko lang nakita si Johson na ganito kaseryoso.
"Ano bang sinasabi mo? Sabing hindi nga ako eh!" Inis na singhal pa ng suspek.
Johson flashed a wide grin on him, "No you are the culprit."
Hindi ko alam pero para sa'kin ang tono ng kanyang pananalita ay nang-iinsulto, hindi ko na napigilan ang sarili kong kumontra kay Johson.
"Johson, 'wag muna natin siyang ii-straight forward na siya ang salarin, we need some evidences na magpapatunay na siya ang gumawa no'n sa biktima," sabi ko at tumango naman sa'kin si Johson.
Humarap ako sa suspek at saka ko siya binigyan ng ngisi, "Alam ko na trick na ginamit mo para patayin mo siya," nakita ko siyang lumunok, sinadya ko talagang iparinig sa kanya ng sa gano'n ay makita ko ang reaksyon n'ya, pero sa kasamaang palad walang akong nakita kundi ang paglunok n'ya.
His eyes roamed around at parang may hinahanap siya.
"Gusto mo bang umpisahan ko na ang mga ebide-"
"Stop," Johson cut me off, "Ikaw na ang nag-decode kanina kaya it's my turn now, let me end this case!" He said with a smile.
He averted his gaze on Paolo, flashing a little bit smirk.
Hindi ko alam kung tama ang nakita ko kay Paolo, nanginig ang kanyang kamay at binti mukhang kilala n'ya si Johson.
"Mukhang natatakot ka na ah," bulong ni Johson sa kanya at saka ngumisi.
Umikot si Johson sa paligid ni Paolo, "Nasa Cafeteria ka tama?, nando'n din kami, at nang narinig ko 'yung mga pambubully sa kanya, umiyak at umalis ang biktima hindi dahil sa mga nambubully, kundi dahil sa'yo," duro n'ya pa kay Paolo.
Taka akong tumingin kay Johson, "'Di ba tulog ka kanina?" I muttered.
Johson chuckled, "Probably, nakatingin kayo sa pangyayari kaya hindi n'yo ako napansin."
BINABASA MO ANG
Chasing Hex
Mystery / ThrillerJoin the adventures of the two students who has the same interest in the world of mysteries.
